Kim Rodriguez insists she and Kiko Estrada are not an item

Kim Rodriguez is happy with the development of her career despite sharing stellar roles with three others in her new teleserye. What’s important is she is working. "Nag-iipon ako para sa pamilya ko," she says.


Noon pa man ay nali-link na ang Kapuso young actress na si Kim Rodriguez kay Kiko Estrada.

Kaya inaasahang lalo itong magiging maugong ngayong nagbabalik si Kiko sa GMA, mula sa ABS-CBN, at sila pa ang magkatambal sa bagong primetime series ng Kapuso network, ang Strawberry Lane.

Pero parehong itinanggi nina Kim at Kiko na may namamagitan sa kanila higit pa sa pagiging magkaibigan.

“Hindi po kami,” diin ng young actress.

Paliwanag ni Kim kung bakit sila patuloy na nali-link ni Kiko, “Kasi, sobrang close namin kaya siguro kumalat yung chika na parang kami.

"Pero sobrang close lang talaga simula ng Tween Hearts, ’tapos nagkasama pa kami sa Chasing Boulevards.”

Ang Chasing Boulevards ang indie film na pinagsamahan nilang dalawa.

Hayagan namang itinanggi ni Kiko, habang katabi si Kim, na hindi niya nililigawan ang dalaga kahit noon pa.

Hindi ba masakit yun kay Kim na itangging niligawan siya?

Sagot ng 20-year-old actress, “Hindi naman.

"Kami talaga, magkaibigan kami.

"Siguro, nami-misunderstand lang ng mga tao na parang mag-dyowa kami.

"Agree naman ako sa sinabi niya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Kim sa presscon ng Strawberry Lane kagabi, September 9, sa Imperial Palace Suites.



HASHTAG LOVE. Kung sinasabi nilang hindi sila, bakit may hastag na "love" si Kiko nang binati niya si Kim sa Instagram?

Paliwanag ng young actor, "love as a friend" yun dahil palagi raw nandiyan si Kim sa ups and down niya.

Natatawang sagot naman ni Kim, “Na-speechless ako bigla sa sinabi mo! Na-pressure ako!

"Natutuwa ako na, bilang kaibigan, hindi mo naman kailangang ipakita sa ibang tao na mahal ko siya bilang kaibigan.

“Parang sobrang natuwa ako sa kanya, flattered ako na love niya ako.

"At hindi lang niya ipinaparamdam na love niya ako.

"As a friend, ipinapaalam din niya sa ibang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung may magsabi sa kanilang “char-char” sila o “etchos” at mga "denial king and queen"?

Nakangiting sagot ni Kim, “Okay lang.”

“Hindi naman kasi maiiwasan sa showbiz yun.

"Pero ako, kapag nagtanong kayo sa akin, sasabihin ko ang totoo.

"Totoo akong tao, kung anuman ang tanungin nila sa akin, sinasagot ko.

"Kasi kapag nagsinungaling ka, mamamali pa yung sagot mo, e."

Sabi nga niya, kaibigan niya si Kiko. Ano ang mga nagugustuhan niya rito?

“Si Kiko, mabait, guwapo. Hindi naman natin maikakaila na guwapo talaga ‘yan, ‘di ba?” natatawang sabi ng dalaga.

Dugtong pa niya, “Kasi bilang... alam niyo naman na lumaki ako sa lola ko, hindi ko nakasama ang parents ko.

"Kapag malungkot ako, nasasabihan ko siya ng mga problema ko at natutuwa naman ako dahil nandiyan siya para sa akin.”



KRISTOFFER MARTIN. Masaya raw ngayon si Kim na si Kiko na ang posibleng maging ka-loveteam niya, pero nalulungkot din daw siya.

Dati kasi, sila ni Kristoffer Martin ang ipinapareha ng GMA.

“Masaya and malungkot kasi, ‘di ba, ilang taon, ilang buwan ko rin nakasama si Kristoffer Martin?

"Bilang nasanay na ako na siya ang palaging kaeksena ko.”

Nangiti naman si Kim nang tanungin ng PEP kung totoong pinagselosan ni Kiko si Kristoffer noong ginagawa pa nila ang teleseryeng Paraiso Ko’y Ikaw. Marami ang nakapansing naging malapit din sila sa isa’t isa.

Sabi naman ni Kim, “Hindi ko po alam… hindi ko po alam kung may selos factor na nagaganap.

“Basta ang alam ko lang, dumadalaw siya sa taping namin, nagdadala ng pizza.”

Ipinanalangin niya bang hindi matuloy magpakontrata noon si Kiko sa ABS-CBN?

Sagot ni Kim, “Ay, hindi po! Sobrang happy ko nga noong binigyan siya ng Mirabella.

"Siyempre, after nun, kung ano ang naramdaman niya, ganoon na rin naman ang naramdaman ko, e.

"Siyempre, bilang magkaibigan, ang tagal na rin naming magkakilala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalungkot din siya noong mapalitan si Kiko sa teleserye ng ABS-CBN?

“Siyempre, hindi rin naman maiiwasan yun dahil sobrang tagal na naming magkaibigan at halos araw-araw, magkausap kami.

"Siyempre, kung malungkot siya, malungkot din ako para sa kanya," saad ni Kim.

HER OWN CONDO. Masaya naman si Kim dahil may sarili na siyang condo unit mula sa pag-aartista niya. Sa Quezon City na raw siya umuuwi malapit din sa GMA.

“Pinag-ipunan ko po yun. Simula po nang mag-Tween Hearts ako, pinag-ipunan ko na,” nakangiti niyang sabi.

Mag-isa lang daw siya sa condo niya.

“Kahit naman po dati, mag-isa lang talaga ako.

"Kapag walang pasok ang mga pinsan ko, pumupunta po sila.

"Ngayon po, nakakasama ko ang kapatid ko, pumupunta sila sa bahay.”

Si Kiko ba ay nakapunta na sa condo niya?

“Hindi pa po,” sambit ni Kim.

Puwedeng sabihing independent-living naman pala siya at walang magbabawal kung sakaling mag-boyfriend man siya.

Saad niya, “Wala naman pong nagbabawal. ’Tapos ang mommy ko naman po, hindi naman po nagbabawal.

"Basta sasabihin ko sa kanya, kasi ang mommy ko, parang best friend ko yun.

"Basta malungkot ako, sasabihin ko sa kanya, crush ko si ganito. Okey lang sa kanya.

"Para kaming magkapatid, best friend kapag magkausap kami.

“Pero ako po kasi, focus lang ako ngayon sa trabaho dahil gusto ko nga silang makasama nang matagal.

"Nag-iipon ako para sa pamilya ko."

STRAWBERRY LANE. Sa isang banda, dalawang beses nang naging bida si Kim sa mga serye ng GMA—Kakambal Ni Eliana at Paraiso Ko’y Ikaw.

At pagkatapos ng ilang buwan na wala siyang regular show, ang Strawberry Lane ang ibinigay sa kanyang proyekto.

Yun nga lang, mula sa pagiging solong bida, apat sila ngayon nina Bea Binene, Joana Marie Tan, at Joyce Ching na mga bida rito.

Sabi ni Kim tungkol dito, “Hindi naman, para sa akin, walang isyu kung ilan man ang bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi bawat role naman, mahahalaga.

"Kumbaga, hindi mabubuo ang buong show kung wala ang isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN