Geoff Eigenmann: "I don’t need to be with anyone to be happy."

Bagamat wala siyang lovelife ngayon, nananatiling masaya naman daw si Geoff Eigenmann. Sabi niya, "There’s so many reasons to be happy. Kaming pamilya, magkakasama pa rin. Sa kabila ng may uncle [Mark Gil] passed away, we’re still together. Matatag kami. Sama-sama pa rin kami."


Isa ang Kapuso actor na si Geoff Eigenmann sa Cosmo Men Centerfolds na rarampa sa Cosmo Tower 69, ang annual Cosmopolitan Bachelor Bash, na gaganapin sa September 24 sa World Trade Center.

Pinaghahandaan daw ni Geoff ang gagawin niyang pagrampa.

“Diet, exercise,” sabi niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 5th anniversary ng PPL Entertainment, Inc., ang management company na kinabibilangan niya, noong September 9, sa Scout Tobias, Quezon City.

Kapag sinabi niyang exercise, anong klaseng pag-eehersisyo ang ginagawa niya?

“Jiu-jitsu, weights, mixed martial arts… ganun pa rin.

“Yun pa rin ang palaging ginagawa ko.

“Dinadagdagan ko lang ng weights ngayon at, diet-wise, I’m doing a Paleo Diet.”

Ano ang Paleo Diet?

“All-natural, non-GMO, gluten-free, no-preservatives, everything organic. So, malinis lahat.

“From Paleo Manila, ide-deliver every day. Three meals, two snacks.”

Ikalawang linggo pa lang daw niyang ginagawa ang Paleo Diet, pero sa pictorial na lumabas sa Cosmo Men, jujitsu pa lang daw ang ginawa niyang preparasyon para rito.

Ano kaya ang pasabog o gimik na gagawin niya sa Cosmo Bachelor Bash?

Nakangiting sabi ni Geoff, “Wala pa akong naisip, e.

“I don’t know… surprise. It would be a surprise.”

Unang beses pa lang daw ni Geoff na rarampa sa Cosmo Bachelor Bash, bagamat nakasama na siya noon sa Cosmo Centerfolds.

Ayon kay Geoff, “Naaksidente ako the week before the event. Motorcycle accident, nasa ABS-CBN pa ako noon.”

NEW PROJECT. Sa isang banda, ang Adarna pa ang huling teleserye na ginawa ni Geoff sa GMA Network. Natapos ito noong March 2014.

Pero ayon sa aktor, posibleng makapagsimula na siya ng bago niyang teleserye sa GMA.

“Hopefully, after Cosmo, meron na.

“The last time I spoke to Perry [Langsigan, his manager], meron na raw.

"I’m just waiting on the details of what and when.

“So far, I’m just doing regional and show sa States.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero now, of course, nakaka-miss din. Iba yung ano… ito yung nakasanayan mo.

“This is basically how you express yourself. So, nakaka-miss din.”



FAMILY FIRST. Kumusta naman si Geoff sa mga panahong wala siyang ginagawang teleserye?

“Yes... and I’ve a lot of times to focus on myself and my family.

“There’s a lot of things happening in the family right now and, yun, we’re trying to help each other out.”

Masaya ba siya ngayon?

“Oo naman,” nakangiting tugon ni Geoff.

“There’s so many reasons to be happy.

“Kaming pamilya, magkakasama pa rin.

“Sa kabila ng may uncle [Mark Gil] passed away, we’re still together.

“Matatag kami. Sama-sama pa rin kami.

“We’re there to support each other.”



HAPPY BEING LOVELESS. Kinumusta rin ng PEP kay Geoff ang “lagay ng puso” niya.

Sabi niya, “Mabuti, masaya.”

May bago na ba siyang nakaka-date o nililigawan pagkatapos nilang mag-break ni Carla Abellana?

Sagot ni Geoff, “I don’t need to be with anyone to be happy.

“It’s easy to go around, to get girls and all that, but it takes time and a lot of patience to wait for your queen.”



PPL FAMILY. Sa isang banda, isa si Geoff sa mga artistang unang hinawakan ng PPL Entertainment, Inc. noong hindi pa ito isang pormal na kumpanya.

Kumusta naman siya bilang isang talent ng PPL?

Sagot ni Geoff, “Masaya, growing family. Getting stronger and stronger.

“You can’t choose your family, but this family was chosen very well.

"And we’re getting stronger and stronger and getting better and better."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN