Marian Rivera very hands-on in preparing her own wedding

Nagbigay ng ilang detalye si Marian Rivera kaugnay ng gaganaping kasal nila ng kasintahang si Dingdong Dantes sa December 30. Sabi ni Marian tungkol sa preparasyon sa kanilang kasal, "Ultimo sa maliliit na bagay—invitation, ano ang kulay, anong font… talagang lahat, e, hands-on kami. May katulong kami sa mga ginagawa namin, pero kami pa rin ang nagde-design sa mga ginagawa. Mabusisi, madugo… lahat na lang ng term!"


Masayang nagkuwento ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera tungkol sa mga preparasyong ginagawa niya para sa nalalapit na “royal wedding” nila ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa December 30.

Ngunit bago sila maikasal ni Dingdong, kailangan munang magpakumpil o confirmation muli ni Marian.

Kuwento niya, “Hindi madali, maraming requirements.

“At talagang magkukumpisal ako.

“Yung binyag, hindi na raw. Kumpil na lang daw.

“Kasi, parang kinonsider na nila yung binyag ko sa Spain.

“So, kumpil na lang daw.”

Nakumpilan na noon si Marian, pero hindi raw mahanap ang record ng pinagkumpilan niya kaya kailangang ulitin ito.

Posibleng sa October na raw siya magpapakumpil dahil sa dami ng dapat niyang asikasuhin ngayong buwan na ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa pocket presscon para sa second season ng dance show niyang Marian, kahapon, September 10, sa 17th floor ng GMA Network Center.



PRINCIPAL SPONSORS. Nabanggit din ni Marian na kahapon ay pinuntahan nila ni Dingdong ang big bosses ng GMA Network na sina Atty. Felipe L. Gozon at Mr. Jimmy Duavit para imibitahang maging ninong sa kanilang kasal.

Plano rin daw nilang bisitahin si Batangas Governor Vilma Santos-Recto upang pormal na hingin ang basbas nito upang maging ninang nila.

Twenty pairs daw ang tatayong principal sponsors sa kasal nina Marian at Dingdong.

Saad ni Marian, “Actually, yung twenty na yun, ang dami rin talagang gusto naming kunin at ang dami rin na, ‘Kunin niyo kami.’

“Kung puwede nga lang na singkuwenta, kaya lang, nakakahiya naman.

“Noong una, ten lang kami, naging fifteen, naging twenty…

“Sabi ko, tama na yun, okey na yun.”



PREPARATIONS. Sabi pa ni Marian, talagang hands-on sila ni Dingdong sa paghahanda ng kasal nila.

“Ultimo sa maliliit na bagay—invitation, ano ang kulay, anong font… talagang lahat, e, hands-on kami.

“May katulong kami sa mga ginagawa namin, pero kami pa rin ang nagde-design sa mga ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabusisi, madugo… lahat na lang ng term!

“Pero ang importante, nag-e-enjoy kami sa bawat detalyeng ginagawa namin.”

Mayroon na rin daw silang venue para sa wedding reception nila.

“Meron na, buti naman naka-oo na.”

Pero ayaw pang sabihin ni Marian kung saan ito. Kahit clue?

“Malaki… malaking-malaki,” nakangiti niyang sabi.

Malapit ba sa simbahan na pagdadausan ng kasal nila, ang Immaculate Conception Church?

“Ang church sa Cubao, hindi masyado. Basta dito lang.

“Hindi naman yung dito ang kasal namin, ‘tapos magta-Tagaytay kami.

“Dito lang, siguro walang isang oras papunta.”



WEDDING ENTOURAGE. Na-finalize na rin daw nila ang wedding entourage nila.

Hindi pa lang daw nila alam kung anu-ano ang magiging papel ng mga ito sa kasal nila.

Sabi pa ni Marian, “Sa totoo lang, sa wedding pala, kapag mga abay na lalaki, kay Dong yun. Ang mga babae, sa akin.

“So, yung sa akin na lang ang pag-usapan natin.

“Pero sa kanya, most of them, mga pinsan niya.”

Si Ai-Ai delas Alas, na nakasama ni Marian sa pelikulang Kung Fu Divas [2013], ay isa sa bridesmaids niya.

Kuwento ng Kapuso actress, “Nakakatuwa nga ‘yang si Ate Ai.

“Noong nag-announce kami na ikakasal kami, isa siya sa kauna-unahang nag-text na, ‘Kambal, hindi ako puwedeng mawala sa kasal mo.’

“Sabi ko, ‘Ay, oo naman!’

“At saka si Ate Ai, isa ‘yan sa itinuturing kong totoong kaibigan ko sa showbiz.

“At kahit tapos na ang Kung Fu Divas namin, nagte-text pa rin kami every day.”

Sino pa ang iba niyang mga abay?

“Alam niyo na, si Ana Feleo… pero may ibang taga-kabila talaga na magugulat kayo na kaibigan ko sila.”

Si Kathryn Bernardo?

“Ayun, si Kath, pero ang problema ko sa kanya, baka wala siya sa 30.

“Kasi, mag-a-abroad yata. Magtu-tour yata sila.”

Si Kathryn ang gumanap na young Marian sa Pinoy version ng Koreanovela na Endless Love (2010).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PRE-WEDDING PARTIES. Nakaplano na rin daw ang stag party ni Dingdong at ang bridal shower ni Marian. Parehong sa ibang bansa raw ito gagawin.

Kuwento ni Marian, “Meron akong bridal shower, pero kakaiba ang bridal shower ko.

“Hindi typical na may mga boys, sumasayaw.

“Pinaplano ko yun ngayong September.”

Pero katulad ng nakaugalian na tuwing may ikakasal, wala raw planong isukat ni Marian ang kanyang wedding gown.

“Hindi naman nagbabago ang katawan ko kaya alam kong kakasya yun.”

Siguradong hindi muna siya mabubuntis bago sila ikasal?

Sabi ni Marian, “Yun ang iniingatan namin… ayoko, e.

“Gusto namin na maikasal muna bago magka-baby.

“Probinsiyana pa rin ako. Gusto ko na ikasal muna bago magkaanak.

“Pero kung ibibigay, bakit hindi?

“Pero gusto ko na ikasal muna bago ako magkaanak.

“Right after kong mag-‘I do,’ sa gabi, yun na!”



WEDDING MARCH. Samantala, ni-request naman daw ni Dingdong na ito na ang bahala sa wedding march ni Marian.

“Yung march ko sa wedding, hindi ko alam.

“Kasi, si Dong ang nag-decide na, ‘Puwede bang ibigay mo na ‘yan sa akin? Kasi may gusto akong i-dedicate sa ‘yong kanta na maririnig mo lang on the day of the wedding.’”

Baka naman umiyak siya?

“Yun na nga yun!

“Kaya nga sabi ko, ‘Ano ba ang gusto mo sa akin, umiyak ako nang bongga?’

“Nakaka-touch siya, kasi kahit sa wedding na, may surprise pa rin siya sa akin.

“Ako na!” natatawang biro niya.

Patuloy ni Marian, “Kapag nag-uusap kaming dalawa, ganito ang gusto kong gawin, ganito ang gusto niya.

“Para kaming sira. Nag-iiyakan kaming dalawa!

“’Hello, para tayong… kung may nakakita sa atin, parang wala lang tayong dalawa!’

"’Tapos nagkakaiyakan na kami.

“Sobrang excited namin pareho na after a year, heto na tayo.”

Totoo ba ang balitang marami raw bishops na magbi-bless sa kasal nila?

Sabi ni Marian, “Naku, basta ibibigay namin ang detalye…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag hindi pa naman tumatag ang pagsasama namin ni Dong, lahat ng bishops at pari, nandun na! Nakakaloka!”



BUSY BRIDE. Sa kabila ng sobrang daming ginagawa ni Marian ngayon, kaugnay sa paghahanda ng kanyang kasal, patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho.

May pelikula siyang pang-Metro Manila Film Festival, ang Bossing Adventures, kasama sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Ngunit sa halip na panibagong teleserye ay magtutuluy-tuloy na ang dance program niyang Marian, na nasa second season na.

Saad ni Marian, “Hindi ko talaga kakayanin [mag-soap], may Eat Bulaga! pa ko.


“Kaya sabi ko, ‘Ay, hindi ko talaga kaya!’

“Kaya sabi nila, ‘Baka naman yung Marian, mag-season 2 naman tayo.’

“So, sabi ko, ‘Why not?’ ‘Tapos, ‘Hanggang kailan ba ang Marian?’

“Hanggang kaya ko raw.

“In fairness sa kanila, hanggang kaya ko.”

Kung hindi pa raw siya buntis, puwedeng diretso pa rin siya sa Marian pagkatapos ng kasal niya.

Ngayong second season ng Marian, may mga bago bang aabangan sa show niya?

Sabi ni Marian, “Actually, na-excite ako.

“Ganito pa rin, mag-o-opening ako, Sasayaw pa rin ako ng mga buwis-buhay dance prod ko.

“Pero ang maganda, may highlight siya na parang Marian dance showdown.


“Ito yung showdown ng mga artista.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN