Zanjoe Marudo, Bea Alonzo not ready to settle down anytime soon

Zanjoe Marudo on relationship with Bea Alonzo: “Siyempre gusto pa naman mag-spend together na mag-travel, ’tapos ganito kaganda yung nangyayari sa career namin. Gusto pa namin sanang pagbutihin, like kapag gumagawa ng teleserye [at] ng pelikula," says the 32-year-old actor in an interview with PEP.ph today, September 11.


Sa dami ng engaged celebrity couples ngayong taon, hindi maiwasang tanungin si Zanjoe Marudo kung may plano na rin ba sila ni Bea Alonzo na magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya.

Bagamat talaga namang committed sila sa isa’t isa, pakiramdam nila ay hindi pa ito ang tamang panahon para sa pagpapakasal.

Pahayag ni Zanjoe, “Minsan napag-uusapan naman namin.

“Kasi nga, hindi na rin natitigil yung tanong sa akin.

"Kasi nga, nauuso yung mga proposals ’tsaka marriage. So, nag-uusap kami."

Si Zanjoe ay 32 years old, habang si Bea naman ay magdiriwang ng kanyang ika-27 kaarawan sa October 17.

May target age ba si Zanjoe kung kailan masasabi niyang handa na siyang magpamilya?

Sagot ng Kapamilya hunk, “Wala naman akong target age.

"Pero nung nagbibiruan kami ni Bey [palayaw ni Bea], sabi niya, ‘Siguro in three or four years, baka puwede na nating sagutin or puwede na nating pag-usapan yung mga ganyang bagay.’”

Ang mahalaga ay nagkakasundo raw sila ni Bea sa mga bagay na dapat nilang i-prioritize sa ngayon.

Bukod dito, ini-enjoy rin nila ang pagiging magkasintahan nang wala masyadong iniisip na mas mabigat na responsibilidad.

“Siyempre, gusto pa namin mag-spend together na mag-travel, ’tapos ganito kaganda yung nangyayari sa career namin.

“Gusto pa namin sanang pagbutihin, like kapag gumagawa ng teleserye [at] ng pelikula.

“Ang sarap ng feeling na hindi pa mahati [yung atensiyon mo].

“Kumbaga, dun pa kami naka-focus sa ganung klaseng bagay.

“Kasi kung magse-settle down ka na, kailangan mo nang mamili,” paliwanag ni Zanjoe.

Ganunpaman, nilinaw ni Zanjoe na gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya, lalo pa’t mahilig siya sa mga bata.

“Actually, mahilig ako sa bata ngayon. May mga pamangkin naman ako na maliliit na cute.

“Pero siguro kasi ngayon, hindi pa siya time. Darating at darating naman tayo dun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe pagkatapos ng blog conference para sa pelikulang Maria Leonora Teresa, na ginanap sa Star Cinema office ngayong araw, September 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang naturang horror film sa September 17.

Pagkatapos nito ay magiging abala si Zanjoe sa "One Kapamilya Go" tour sa Scandinavia, kasama si Bea at ibang pang Kapamilya stars, sa September 20.

Tuloy rin ba ang plano nilang magbakasyon sa Hong Kong para sa nalalapit na kaarawan ni Bea?

“Itong pagbalik namin galing Scandinavia, pag-uusapan namin kung dun talaga,” sagot ni Zanjoe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN