Iza Calzado says boyfriend Ben Wintle is not jealous of Piolo Pascual

“I can play around especially on the set. But off set, it’s not like I text Piolo [Pascual], ‘Hi! How are you?’ Hindi ako gano’n. When I get off set, Ben [Wintle] is my boyfriend, my commitment and my love for him is 100 percent his," says Iza Calzado in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) earlier today, September 11.


Personal nang naipakilala ni Iza Calzado ang non-showbiz boyfriend niyang si Ben Wintle kay Piolo Pascual sa ginanap na Star Magic Ball sa Makati Shangri-La Hotel, noong Sabado ng gabi, September 6.

Ngunit hindi raw nakitaan ni Iza ng pagseselos ang kanyang boyfriend, kahit na si Piolo ang kasama ng aktres sa red carpet at program proper.

Itinanghal na "Fabulous Pair of the Night" sina Piolo at Iza sa naturang event.

Masayang saad ni Iza, “Wala! Nag-meet pa sila, ha!

"Sayang nga hindi ako nakapagpa-picture. Dream ko ‘yan.

“When I was young, I said, ‘I want Piolo Pascual.’

"Now he’s my date and we’re so fabulous together!"

Magkatambal sina Iza at Piolo sa primetime series ng ABS-CBN na Hawak Kamay.

Kuwento pa ng aktres, nagkaroon ng pagkakataong makapagkuwentuhan nang kaunti sila Ben at Piolo sa after-party ng event.

“We [Ben and Iza] stayed at Shang [Shangri-La Hotel]. Ipinagkatiwala na ako ni PJ [Piolo] sa kanya.

“We met up ’tapos we hung out together for a bit. And okay naman.”

NOT PERFECT. Nilinaw ni Iza na hindi perpekto si Ben at mayroon din silang hindi pagkakaunawaan kung minsan.

Pero sa loob daw ng mahigit dalawang taon nilang relasyon ay likas na maintindihin at hindi seloso ang kanyang British-Filipino boyfriend.

Sabi ni Iza, “Ben is such a great guy. He’s very supportive.

"Wala akong mahihiling pa from a boyfriend.

“It really works out that I have a non-showbiz boyfriend so I can pursue a career.

“And he won’t mind whatever decision I make on the set, for my career.

“He’s just very supportive, kasi I’m also very supportive of what he does.”

Ayon pa kay Iza, kahit kailan ay hindi rin naman niya binigyan ng rason si Ben na kuwestyunin ang pagiging faithful niya.

“Even with Piolo, yeah, I went with him to the Ball.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I work with him on the set. Haharutin ko pa ‘yan sa set, ‘Papa P, kiss!’

“I mean, I can joke around. I can play around especially on the set.

“I think I can be given room for that because it creates chemistry, especially if we’re trying to sell a loveteam at my age," saad ng aktres.

Si Iza ay 32 years old, habang si Piolo naman ay 37 years old.

Dagdag pa ni Iza, “But off set, it’s not like I text Piolo, ‘Hi! How are you?’ Hindi ako ganun.

“When I get off set, Ben is my boyfriend, my commitment and my love for him is 100 percent his."



STAR MAGIC BALL. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iza pagkatapos ng blog conference para sa pelikulang Maria Leonora Teresa ngayong araw, September 11.

Patuloy na lahad ni Iza, nag-enjoy siya na maka-bonding si Piolo at iba pang Kapamilya stars sa 8th Star Magic Ball.

“Sobrang tuwang-tuwa ako na magkasama kami pumunta kasi siyempre mas kilala niya yung mga tao dun.

“Although this time around, compared to the first time I went to the Star Magic Ball, mas marami akong kilala sa ABS-CBN.”

Mas napatunayan din ni Iza ang pagiging gentleman ni Piolo.

“Sobrang nakakatuwa kasi talagang inalalayan ako ni PJ. Inalalayan ko rin siya.

“Ako ang kanyang bodyguard. Sabi ko, ‘Magkalinawan tayo. Ano ba talaga ako tonight?’

“Pero masaya siya kasama. And I’m glad we went together because it’s really a dream come true.

“Now I can tick that off my bucket list.

"I went to a Ball with Piolo and we’re fabulous together!” nakangiting pagtatapos ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN