James Reid welcomes "healthy competition" between him and Daniel Padilla

James Reid has no qualms about going topless: “Of course, nag-e-enjoy lang ako. I like the reaction of the crowd. Of course, truly flattering. I’m comfortable, I worked hard for it.”


First time rarampa ang Fil-Aussie teen actor-singer na si James Reid sa Cosmo Bachelor Bash, na gaganapin sa September 24, sa World Trade Center.

Ayon kay James, diet lang ang ginawa niya bago nangyari ang kanyang pictorial para sa Cosmo Centerfolds, na kalakip ng Cosmopolitan Magazine September 2014 issue, dahil naging abala siya nitong mga nakaraang buwan para sa promo ng lumabas na pelikula nila ni Nadine Lustre, ang Talk Back and You’re Dead.

Pero nangako siyang babalik uli sa pagwu-workout para paghandaan ang pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash.

Gaano siya ka-excited sa unang pagrampa niya para sa Cosmo?

Sabi ni James, “Sobrang excited ako!

“Actually, I always wanted to do Cosmo, I don’t know why.

“Now na nakasama ako, excited talaga ako.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa press conference ng Cosmopolitan para sa kanilang celebrity centerfolds noong Martes, September 9, sa ballroom ng Luxent Hotel.



TOPLESS PHOTOS. Bago pa man lumabas ang Cosmo Centerfolds 2014, nagkalat na sa Internet ang topless photos ni James.

Mayroon din siyang ilang shirtless scenes sa launching movie niyang Diary Ng Panget at maging sa Talk Back and You’re Dead.

Tinanong namin si James kung sanay na ba siyang half-naked sa kanyang projects.

Sagot niya, “Oo, medyo.

“After GGV [Gandang Gabi Vice], Vice wants me to take my shirt off, I’m getting used to it.”

Hindi ba siya napipilitan lang magtanggal ng damit o dulot ito ng pangangailangan sa career o sadyang nag-e-enjoy siyang ipakita ang katawan niya sa publiko?

Sabi ni James, “Of course, nag-e-enjoy lang ako.

“I like the reaction of the crowd. Of course, truly flattering.

“I’m comfortable, I worked hard for it.”

Isa rin si James sa mga bumibida sa gay sites dahil sa kanyang shirtless photos. Ano ang reaksiyon niya rito?

Saad niya, “I can’t stop people from doing what they wanna do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, I don’t have problem with it. They can do what they wanna do.”

Handa na ba siya maging panstasya ng mga babae at bakla? Ito kasi ang kanyang nagiging image ngayon dahil sa pagpapakita niya ng katawan.

Nakangiting sagot ni James, “Why not? I mean, for me to girls, I guess, I yes. It’s okay with me, I’m ready.”



JAMES VS. DANIEL. Kamakailan ay pumirma ng network contract si James at ang ka-loveteam niyang si Nadine Lustre sa ABS-CBN.

Ang unang proyekto nila sa Kapamilya network ay ang My App Boyfie. Gaano siya ka-excited sa sisimulang taping nila?

Ayon kay James, “I’m very excited kasi first project ko ito sa ABS-CBN 2 since I signed again.

“Pretty excited naman kami ni Nadine.”

Si James ay Big Winner ng reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.

Ngunit hindi siya nagtuluy-tuloy sa pag-aartista hanggang sa nag-sign up siya sa Viva Entertainment.

Sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN, ikinukumpara siya ngayon sa tinaguriang “teen king” na si Daniel Padilla.

Pinagtatapat din ng fans ang tambalan nina James at Nadine sa loveteam nina Daniel at Kathryn Bernardo.

Hindi ba nag-aalala si James sa posibleng pagtindi ng rivalry nila ni Daniel ngayong magkasama na sila sa iisang network?

Sagot niya, “Yeah, we’re in the same network, but for me, competition is healthy.

“We’re in the same network but we should work as a team.”

Nagkita na raw sila ni Daniel, pero matagal na yun. Hindi pa raw muling nagku-krus ang landas nilang dalawa nitong mga nagdaang araw.

Ano ang masasabi ni James sa komento ng ilan na mas angat daw siya kay Daniel in terms of singing, acting, physique, at kaguwapuhan?

“Thank you,” sambit ng 21-year-old heartthrob.

“Actually, we all have strengths and weaknesses.

“Siyempre, yung weakness ko, Tagalog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, you know, I’ve worked really hard.

“I practice singing every day, acting workshop…

“I’ve done acting workshops… 30 to 50 workshops.

“I worked really hard for it.”



BASHERS. Dahil ikinukumpara siya kaya Daniel, nakakatanggap na ba si James ng bashings o hates messages mula sa fans nito?

“Hindi naman,” sagot niya.

Paano siya magri-react kapag nakatanggap siya ng mga ganung klaseng komento?

“Of course, I wanna protect their loveteam [KathNiel], you know?

“Who am I… for example, they [fans] love Daniel, and my fans love me.

“I mean, how can I stop them?”

Hahayaan niya bang makipag-away ang JaDine fans sa KathNiel fans?

Paglilinaw ni James, “No, I mean, our friends… we tell our friends not to…

“We tell them to relax, we are working on the same network.

“As actors, we’re just having fun.”

Gaano kalaki ang nararamdaman niyang pressure na ikinukumpara at ipinantatapat siya kay Daniel?

Sabi ni James. “Maganda yun.

“Kasi si KathNiel, sila yung malakas na loveteam.

“So, plus… being the upcoming actors, maganda yun para sa amin.”

Ibig sabihin, mas advantage sa kanilang dalawa ni Nadine ang pagkukumpara sa kanila kina Daniel at Kathryn?

“It’s a healthy competition. Yeah, it’s good for me and Nadine,” pagsang-ayon niya.

May mga nagsasabi namang ginagaya raw niya si Daniel, sumasakay siya sa popularity nito, pati na ang loveteam nila ni Nadine sa team-up ng KathNiel.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Pahayag ni James, “First time I heard about that.

“We’re different naman—me and Daniel, me and Nadine to Daniel and Kathryn.

“We have different styles of acting. We look different. So…”

Inaasahan niya bang magkita-kita silang apat?

“Oo naman… sana magkaroon kami ng project.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN