Bea Binene denies Jake Vargas is a battered boyfriend

Bea Binene on boyfriend Jake Vargas: "Sana hindi siya ma-take as a negative ano… pero masyado kasi siyang mabait. Alam mo yung parang kahit yung mga tao, tini-take for granted na siya, hindi niya pa alam, kasi masyado siyang mabait. Ganun. So, hindi naman sa hindi ko gusto, pero I’m asking him to… na kahit papaano, na know his limits also."


Hindi raw mahirap para kay Bea Binene na kaeksena ang real-life boyfriend niyang si Jake Vargas sa mga proyektong pinagsasamahan nila sa GMA Network.

Gaya na lamang sa Strawberry Lane, ang pinakabagong drama series ng Kapuso network.

Saad ni Bea, “Hindi naman po.

“Para sa akin, mas madali po iyon, kasi siyempre parang ano, e…

“Kami ni Jake, parang four years na talaga kaming magka-loveteam, so talagang gamay na namin ang isa’t isa.

“Talagang mas magaan na yung working relationship namin, ganun.”

May technique ba silang ina-apply kapag magkaeksena sila; nagtuturuan ba sila kung paano iarte ang kanilang mga eksena?

Sagot ni Bea, “Hindi, basta ano… basta kami, kapag po kunwari may mga eksenang heavy, alam na namin yung gagawin namin.

“Actually, hindi nga, e, may kanya-kanya kaming motivation, e.

“Pero basta kami, alam namin na magbibigayan talaga kami [sa bawat eksena].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa presscon ng Strawberry Lane noong Martes, September 9, sa Imperial Palace Suites, sa Timog Avenue, Quezon City.



YOUNG LOVE. Sixteen years old pa lamang si Bea, habang si Jake naman ay 22 na.

Apat na taon na silang magka-loveteam, pero ang relasyon nila ay dalawang taon at kahalati pa lamang.

Paano nadadala ni Bea ang puna ng iba na bata pa siya ay may karelasyon na siya?

Saad ng Kapuso actress, “Siguro ano, nasa pagha-handle lang naman po iyan ng mga bagay-bagay.

“At ako, I know my limits.

“Alam ko po kung hanggang… kung ano at kung alin yung mga dapat na ginagawa ko.

“At alam ko po kung hanggang saan po ako dapat pupunta.”

May isyung dominante raw si Bea kay Jake, na sa relasyon nila ay “ander” niya ang young actor.

“Sino nagsabi? Ay, naku, hindi po, ha!” natatawang tanggi ni Bea.

Karamihan sa nagkakalat ng ganitong isyu ay bashers niya sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, marami po sila!” bulalas niya.

Iginiit ni Bea na hindi “ander” si Jake sa kanya.

“Hindi po, hindi po.

“Basta kami, alam namin na… kumbaga, basta kami, transparent kami sa isa’t isa.

“Alam ko yung nararamdaman niya, alam niya yung nararamdaman ko. Iyon.”

Sino ba ang mas nasusunod sa relasyon nila ni Jake?

“Pareho. Pareho po,” sagot ni Bea.



BATTERED BOYFRIEND? Mariin ding pinabulaanan ni Bea ang intrigang kapag nag-aaway sila ni Jake ay madalas niya itong nasasaktan.

“Naku, hindi po!”

Na madalas daw, kapag galit si Bea ay binabatukan niya si Jake?

“Naku, hindi po, hindi po!” tanggi niyang muli.

“Kapag… actually, itanong niyo sa mga kaibigan kong lalaki, sobrang one of the boys ako.

“As in sinusuntok ko sila sa tiyan, ganun.

“Kasi parang, ako... ewan ko, parang it’s a friendly way.”

Hindi raw battered boyfriend si Jake.

Ano ang madalas na napupuna niya sa ugali ni Jake na ayaw niya?

“Ang sa akin lang, well, sana hindi siya ma-take as a negative ano… pero masyado kasi siyang mabait.

“Alam mo yung parang kahit yung mga tao, tini-take for granted na siya, hindi niya pa alam, kasi masyado siyang mabait. Ganun.

“So, hindi naman sa hindi ko gusto, pero I’m asking him to… na kahit papaano, na know his limits also.

“Na sana alam niya rin yung mga dapat na ibinibigay niya sa ibang tao.”

Natuto ba naman si Jake sa pagsasabi niya dito?

“E, kahit naman po paano, may pagbabago.”

Ano naman ang pinakanagustuhan niya kay Jake?

Ayon kay Bea, “Si Jake po, ano siya, e, isa siyang… gentleman siya.

“Gentleman, mabait, at siya yung tipo ng tao na ipaparamdam niya sa iyo na lagi siyang nandiyan para sa iyo.”

Ayon sa isang interview kay Jake, sinabi nitong mas mature na ang relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya tinanong namin si Bea kung ano ang mga pagbabago ngayon sa kanilang relasyon.

Sagot niya, “Siguro ano, ngayon alam na namin kung ano yung dapat naming pag-awayan.

“Hindi lahat, away, away, away.

“Siguro alam na namin yung kung ano yung mga dahilan ng mga dapat naming pag-awayan.”



TATTOO. Tinanong din ng PEP si Bea kung totoong siya ang may gustong ipa-tattoo ni Jake ang pangalan niya sa braso ng binata.

Saad niya, “Actually, ako, sinabi niya sa akin, na ‘Ako, magpapa-tattoo ako.’

“So, parang ako, ‘Magpapa-tattoo? Bahala ka.’

“Kasi parang, siyempre parang it takes a lot para makapag-decide ang isang lalaki na magpapa-tattoo, ‘di ba?

“So, ako, ‘Okay!’

“Pero hindi ako naniwala, hindi ako nag-expect, kasi parang siyempre, kapag tattoo, hindi naman na mabubura iyon, e.

“’Tapos sa SAS [Sunday All Stars] rehearsal, yung kamay niya nasa likod, bigla niyang ipinakita yung tattoo niya sa akin, ‘Ay, may tattoo nga!’

“So, iyon, nagulat lang ako.”

Ano ang epekto nito sa kanya?

“Siyempre nakaka-touch po, nakakagulat, kasi unexpected, hindi ko alam na tototohanin niya.

“Pero, iyon, siyempre nakakatuwa.”



STRAWBERRY LANE. Sa Strawberry Lane ay masasabing lima silang bidang babae rito.

Kasama ni Bea (na gumaganap bilang si Clarissa) sina Kim Rodriguez bilang si Jack, Joyce Ching bilang si Dorina, Joanna Marie Tan bilang si Lupe, at si Rita de Guzman bilang si Lavinia.

Ayos lang daw ito kay Bea kahit hindi siya ang solong bidang babae.

“Iyon po yung ibinigay ng GMA, e.

“Alam ko naman na kung ano yung decision ng GMA, alam ko naman na iyon yung mas makakabuti para sa kanya-kanya naming career.”

Wala raw siyang pag-aalinlangang tinanggap ang project kahit hindi siya solong bida rito.

“Hindi naman po, hindi naman. Kasi siyempre, lahat naman kami magsa-shine dito sa show na ito,” sabi ni Bea.

Ano ang gagawin niya para mag-shine nang husto kaysa sa apat niyang co-stars?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, hindi ko po iniisip yung mag-shine over them.

“Basta ako, iniisip ko, gagalingan ko.

“Ako, isang taon akong walang drama show.

“So, ako… parang ito na yung opportunity ko para maipakita sa mga tao na kahit papaano, na kaya ko rin namang mag-shine na ngayon, one year akong puro comedy yung ginagawa ko, so kahit papaano, I will make sure na meron silang bagong makikita sa drama, sa pag-arte ko.”

Mapapanood ang Stawberry Lane simula sa Lunes, September 15 pagkatapos ng 24 Oras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN