Jake Vargas will not remove "Bea" tattoo even if he breaks up with Bea Binene

Jake Vargas on going topless or wearing just an underwear in a fashion show: “Si Kuya Germs, ayaw ni Kuya Germs kasi, ‘di ba, nakakasira din daw sa role yun. ’Tsaka ang image ko daw po kasi ngayon, parang pang-teenager. So, parang hindi naman daw puwede yung mga ganyang naka-brief ka, naka-ganyan. So, mas maganda na yun. Siguro po darating yung pagkakataon na puwede na.”


Kamakailan ay ipina-tattoo ng Kapuso young actor na si Jake Vargas ang pangalan ng kasintahan niyang si Bea Binene sa kanyang braso.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake, kung sakaling, knock-on-wood, hindi tumagal ang relasyon nila ni Bea, ipapabura ba niya ang kanyang tattoo?

“Hindi po,” ang mabilis na sagot niya.

“Kasi po, depende, baka po dumating yung panahon na magiging kami ulit, so sayang naman yung tattoo na pinaghirapan ko.”

Paano kung magkaroon siya ng bagong girlfriend at ipabura sa kanya nito ang tattoo na pangalan ni Bea?

“Ano po, siguro hindi ako magge-girlfriend.”

Mapipigilan ba niya iyon?

Sagot ni Jake, “Opo, kasi ang ano ko po talaga, nakatutok ako sa trabaho, e.

“Kasi sa family ko, para sa family ko.

“So, hindi ko naman naiisip na mag-girlfriend.

“Ngayon ko lang naisipang mag-girlfriend kasi nandiyan naman si Bea lagi, kasama ko naman siya lagi.

“So, na-involved din ako sa kanya, ayun, napamahal na rin ako sa kanya.

“So, parang ayun.”

Nakausap ng PEP si Jake sa press conference ng bagong primetime series ng GMA Network, ang Strawberry Lane, noong Martes, September 9, sa Imperial Palace Suites.

BAD BOY. Sa Strawberry Lane ay gumaganap si Jake bilang si Gabo.

Paglalarawan ni Jake sa kanyang role, “Mayaman at matigas ang ulo, parang spoiled brat. Pero bandang huli, babait din siya.”

Unang beses na gaganap na medyo bad boy si Jake sa isang proyekto.

May pinanood ba siya para gayahan ng kanyang papel?

“Hindi, ako kasi minsan, meron din akong time na dumarating sa akin na kailangan kong maging masungit, parang ganun.

“Pero siguro parang normal na din na ginagawa ko dun sa gagawin ko sa character na Gabo.

“Pero nag-research din ako.”



NO INTIMATE SCENES. Maraming beses nang nagkapareha sina Jake at Bea sa mga proyekto ng GMA.

May bago ba silang ipapakita sa Strawberry Lane? May intimate scenes ba sila ni Bea rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jake, “Hindi papayag si mother, ang mama ni Bea.

“Siguro po, kilig-kilig, mga ganyan, pero hindi naman siguro aabot sa ganung [intimate scenes].”

Pero sila ni Rita de Guzman—na kasama rin sa Strawberry Lane—ay nagkaroon na ng love scene sa indie film na Asintado, entry sa Cinemalaya Independent Film Festival ngayong taon.

“Si Direk Louie kasi… Direk, sorry, ha!” natatawang pagtukoy ni Jake sa direktor ng Asintado na si Louie Ignacio.

Nagulat din daw si Jake na may love scene pala sila ni Rita sa Asintado.

“Akala ko kiss lang, na smack. Hindi, e, talagang, ‘Kailangan gawin mo ito, ganyan.’

“Pero mas okay na po yung parang medyo iba… nabigla lang din ako kay Direk.”

Halimbawang may pelikula ulit siyang gagawin at on-the-spot din ay may isang napaka-daring scene na ipagawa sa kanya, gagawin ba niya?

“Hindi po, hindi ako papayag.

“Siyempre, hindi mo naman kailangang gawin yung ganun, e, ‘di ba?” natawang sabi ni Jake.

Paano kung kailangan sa eksena?

“E, di kakausapin ko si Direk, ‘Direk, ano, e, medyo ano pa… para sa privacy…’

“Hindi, kasi ano po, ‘di ba, sa age ko ngayon, parang ang level ko, mga ganito-ganyan.

“Kasi mahirap din, baka masira ka sa tao, ‘di ba?”



WHOLESOME IMAGE. Kaya kahit marami na sa male stars ang rumarampa sa fashion shows nang naka-topless o naka-underwear lamang, si Jake ay hindi pa raw kayang gawin iyon.

“Sa ngayon po kasi, parang ang katawan ko ngayon po, parang hindi pa ganun na pang-Cosmo, e,” sabi niya.

Wholesome image pa rin ang gustong i-project ni Jake sa ngayon.

Ayaw rin daw kasi ng manager niyang si German Moreno.

“Si Kuya Germs, ayaw ni Kuya Germs kasi, ‘di ba, nakakasira din daw sa role yun.

“’Tsaka ang image ko daw po kasi ngayon, parang pang-teenager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang hindi naman daw puwede yung mga ganyang naka-brief ka, naka-ganyan.

“So, mas maganda na yun.

“Siguro po darating yung pagkakataon na puwede na.”

In two years daw ay baka sakaling magawa na niya na magpaka-daring. Twenty-two years old si Jake ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN