James Reid reveals initiating breakup with his last girlfriend

James Reid on possibility of falling for screen partner Nadine Lustre: "I’m not open right now. So… I mean, I’m not at that point yet right now. I’m not ready."


Single ngayon ang Viva heartthrob na si James Reid.

Pero inamin nitong ngayon taon lang siya nakipaghiwalay sa kanyang huling naging girlfriend.

Anong nangyari at nag-break sila?

Paliwanag ni James, “I decided na I need to focus on me.

“I can’t get to this level if I didn’t do it alone.

“I’m glad I made that decision because I won’t be who I am now.”

Wala na raw silang communication ng ex-girlfriend niya.

Masasabi bang isa itong bad breakup?

“Yes,” pag-amin ni James.

Inamin din ng Fil-Aussie actor-singer na siya ang nag-initiate ng breakup nila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa launching ng Cosmo Bachelor Bash 2014 noong Martes, September 9, sa Luxent Hotel.



NADINE LUSTRE. Ang ka-loveteam ngayon ni James ay si Nadine Lustre.

Pero maliban sa pagiging magkatambal, ano ba talaga meron sa kanila? Lumalabas na ba sila on a date?

Sabi ni James, “We hang out a few times outside, dinner... things like that.”

Silang dalawa lang ni Nadine?

“Yeah, a few times. But usually with Andre [Paras] and Yassi [Pressman],” banggit niya sa co-actors nila ni Nadine sa Diary ng Panget.

Wala ba talaga silang relasyon?

“We’re both focusing on our career… but she’s good kisser!” sabay tawa niya.

Sa presscon proper ng Cosmo Bachelor Bash ay sinabi ni James na ang nakakapag-turn on sa kanya ay ang babaeng “good kisser.”

Sinabi rin niya ito noon sa presscon ng Talk Back and You’re Dead.

Consistent pa rin ba siya sa pagsasabing “good kisser” si Nadine?

Sagot ni James, “She is a good kisser. We had a lot of practice.”

Hindi ba isinasara ni James ang posibilidad na maging sila ni Nadine?

“Uhm, I’m not open right now. So… I mean, I’m not at that point yet right now. I’m not ready.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



OTHER PARTNERS. Maliban kay Nadine, sino pa ang gusto niyang makatrabaho sa ABS-CBN?

Ayon kay James, “I’d be happy to work with anyone. I feel I still have a long way to go.”

Hindi ba natatakot si James na kapag itambal siya sa ibang female stars ay baka hindi ito mag-click dahil identified na siya team-up nila ni Nadine?

“We both grow together. I mean, we help each other to get to the point we are now.

“I mean, maybe in the future.

“But for now, we’re working. We love working.”

May mga nagsasabing kung hindi dahil kay James ay hindi aangat at makikilala si Nadine. Kahit si Nadine ay nagsasabing malakas ang hatak ni James.

Nakangiting reaksiyon dito ni James, “Well, thank you, Nadine.

“Pero, no, Nadine helped me so much.

“She taught me a lot and she held my hand the way all through.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN