Prince Stefan surprised by rumor linking him to Ian Batherson

Prince Stefan is back at work doing theater after mourning the passing of his mother. Meanwhile, he’s casting about for a new manager and TV projects as a freelancer.


Aksidenteng nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck alumnus na si Prince Stefan sa isang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, noong Martes, September 9.

Kinuha na namin ang pagkakataong iyon para tanungin siya mga balitang kumakalat tungkol sa kanya.

Nang tanungin kung bakit inactive siya sa showbiz nitong mga nakaraang buwan, sinabi ni Prince na sumakabilang-buhay na ang kanyang ina na matagal nang maysakit sa Iloilo.

“She passed away four months ago.

"Medyo masakit po para sa akin, kasi sobrang mahal ko ang mother ko.

“May mga trabaho na sana akong gagawin noon, pero nangyari nga iyon sa family namin.

“Siyempre, mas priority ko ang pag-asikaso sa mother ko.

"Kahit sa pagkakataong iyon, I want her to know na nandoon ako para maayos ang lahat.

“Kaya I took a break for a while kasi lagi akong nalulungkot.

"Pinalipas ko muna ang depression ko, ngayon okey na ako.

"Tanggap ko na mas nasa magandang lugar na ang mother ko,” saad ni Prince.



SNUBBED? Si Prince ang runner-up o First Prince noong StarStruck 4, kunsaan ang mga nanalo ay sina Aljur Abrenica (Ultimate Hunk), Jewel Mische (Ultimate Sweetheart), at sina Mart Escudero and Kris Bernal (Ultimate Loveteam). First Princess naman si Rich Asuncion.

Sabi ni Prince ay wala siyang natanggap na invitation mula sa GMA para sa events kaugnay ng pagbubukas ng ika-anim na season ng StarStruck.

“Okey lang naman po ‘yon.

"I guess they have their reasons para hindi na ako imbitahan kahit na naging part ako ng StarStruck.

“Hindi ko po naman maitatago na malaki ang nagawa ng StarStruck for me.

"Natupad ang dream kong maging artista. I owe a lot to StarStruck.

“I’m used to it na rin po na hindi ako naiimbitahan sa mga events ng GMA Artist Center.

"I will not take it against them. Life goes on for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ISSUES. Bilang magka-batch sila sa StarStruck, tinanong ng PEP si Prince kung ano kanyang reaksiyon sa kagustuhan ni Aljur na kumawala na mula sa kontrata nito sa GMA.

Ayon kay Prince, “May nagsabi lang po sa akin tungkol sa issue ni Aljur with GMA-7.

“Wala naman akong maku-comment kasi hindi ko alam ang tunay na nangyari, ’tsaka hindi naman kami nagkakausap ni Aljur.

“All I can say siguro is that I wish him well. Sana maging okey ang lahat para sa kanya.”

Sa kaso naman ni Prince, hindi pa rin matapus-tapos ang pagkukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.

Kailan nga lang ay na-link siya sa actor-model at produkto rin ng StarStruck (Batch V) na si Ian Batherson.

Sa isang gay website nga ay may loveteam pa sila na kung tawagin ay “Stefian.”

“Kami raw po ni Ian?” natatawang reaksiyon ni Prince.

“Wala po iyon. Kasi nagkasama po kami ni Ian sa isang event.

"E, magkakilala naman po kami because of StarStruck.

“Nakakatawa naman ‘yan, may naisip pa silang Stefian.

"I’m sure na matatawa rin si Ian sa balitang ito."

Diin niya, “There’s nothing between me and Ian.

"’Tsaka ang alam ko, he has a girlfriend, kaya imposible ang iniisip nila sa amin."

Pinabulaanan din muli ni Prince ang balitang may pinakasalan siyang kapwa-lalaki sa U.S. na nagngangalang “Cedric.”

“Matagal na rin ang issue na ‘yan and hindi pa rin natatapos.

“Nasabi ko na po before that Cedric is a close friend of my relatives in the U.S.

“Noong mag-vacation ako sa U.S. before, I met him through my relatives.

"Siya yung parang naging tour guide ko sa vacation ko with my relatives there.

“Parang kamag-anak na namin siya. Nabigyan lang ng malisya ng ibang tao iyon.

“Nakakahiya nga po kay Cedric kasi pati siya nadamay sa hindi magandang tsismis.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NEW IMAGE. May balita ring baka magpalit na ng pangalan si Prince para makapagsimula siya ulit ng kanyang showbiz career.

Saad niya, “Yung kinakausap ko ngang gusto kong mag-manage sa akin, he wants me to change my name.

"Kasi masyado na raw tainted yung Prince Stefan na pangalan.

"In order to start fresh again, a new name is being suggested.

“Pinag-iisipan pa namin kung ano ang bagay.

"Baka po magamit ko na rin yung isang name ko na Andrei."

Stephan Andrei Anlocotan ang tunay na pangalan ni Prince.

“Bahala na po kung ano ang magiging new name ko.

"Kung makakatulong ba to start my career again, then I’m all out for it."



THEATER. Pinagkakaabalahan ngayon ni Prince ang stageplay na Anastasia, na itatanghal sa AFP Theater sa October.

Sa teatro raw muna siya since wala na siyang kontrata sa GMA.

“Nag-expire na ang contract ko with GMA Artist Center kaya freelancer na ako ngayon.

"The last project I did with GMA-7 was Magdalena noong 2012 pa.

“May kinausap naman ako to be my manager. Mukhang magiging okey naman.

"He can get me work kahit sa ABS-CBN on a per-project basis.

“Habang wala pa namang TV projects, busy ako with theater.

"Thankful nga ako kay Gretchen Espina [Pinoy Idol grand winner], kasi siya ang producer namin sa stageplay na Anastasia.

“Kaya all my time, nasa rehearsals ako, kasi malapit na rin itong magsimula.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN