Toni Gonzaga too busy to get engaged this year: “Bigay na natin sa kanilang lahat itong taon na ‘to.”

Toni Gonzaga is taking some time off from hosting jobs to focus on her concert, Celestine, in celebration of her 15 years in showbiz.


Maraming surpresang inihahanda si Toni Gonzaga para sa kanyang nalalapit na Celestine concert.

Pero tiniyak niyang hindi kasama rito ang inaasahan ng ilan na proposal mula sa longtime boyfriend na si Paul Soriano.

“Ako na ang magsasabi, wala,” diin ni Toni sa press conference para sa kanyang anniversary concert kahapon, September 11, sa Jet 7 Bistro sa Timog Avenue, Quezon City.

Malabo raw mangyari na mag-propose kay Toni ang director-boyfriend sa harap ng buong madla.

“Unang-una, wala sa personality ni Paul.

“Pangalawa, masisira ang boses ko, sayang naman ang show, kasi iiyak lang ako.

“Feeling ko, wala naman sa personality ni Paul.”

Dagdag pa niya, “Feeling ko, hindi siya ganun ka-predictable, wala sa personality niya ‘yon.

"At saka alam niya kung paano namin pinaghirapan ang concert.

“Baka maiyak lang ako nang maiyak, ma-out of focus ako.

"Tingin ko, wala.”

Hindi rin daw niya ito inaasahang mangyayari ngayong taon.

Pabiro niyang sabi sa entertainment reporters, “Actually, hindi ko siya wini-wish this year kasi booked na yung mga locations.

“Baka ma-overbooked, nag-aagawan na sa venue.

“Wala na ngang venue, nagkasabay na nga yung iba sa venues.

“Bigay na natin sa kanilang lahat itong taon na ‘to.”

Sa ngayon, sabi ng TV host-actress-singer, “Ako, I’m concentrating on Celestine. Mairaos ko lang ‘to, okay na ako.

“‘Yon ang talagang nilu-look forward ko, this whole year.

"Itong October 3 ang pinakaimportanteng araw sa taon ko.”



SPECIAL CONCERT. Bagamat kilala ring singer si Toni, aminado siya na minsan ay hindi niya napagtutuunan ng pansin ang parteng ito ng kanyang showbiz career.

“Siguro kaya hindi rin ako nakakapag-concert kasi I have so many commitments on TV palagi.

“I have so many commitments sa mga programa na ginagawa ko.

“Nagkataon na palaging bagong season nang bagong season.

“Ang hirap pasukan ng schedule [ang concert].”

Katuwiran pa niya, “Yung singing, yung concert, hindi siya puwedeng gawin ng overnight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It takes a lot of preparation, it takes a lot of body conditioning para ihanda mo ang sarili mo sa two-hour full show.

“Hindi siya nagagawan ng panahon.

“Kahit nagagawan ng panahon, minsan papasok naman yung mabibigyan tayo ng movie.

“Minsan nagkakasabay-sabay.

"As much as I want to do a concert annually or every two years, hindi nabibigyan ng chance.”

Kaya para sa kanyang ika-15 anibersaryo sa showbiz, sabi ni Toni, “Nagpaalam kami sa management if I’ll be given time na makapag-concert.

"Para naman magkaroon ng celebration yung 15 years.”

Sa ngayon, ang kumpirmadong makakasama ni Toni sa Celestine ay ang Starting Over Again co-star niyang si Piolo Pascual, ang kapatid niyang si Alex Gonzaga, at kapwa Kapamilya host na si Vice Ganda.

Gaganapin ang 15th anniversary concert ni Toni sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, sa October 3.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN