(UPDATED) Comedienne Kitkat finally reveals that she has been married for three years

Kitkat admits to getting a nose job for the second time: "Sabi ko sa kanya [Waldy, her husband], bukod sa pag-aartista, para rin sa kanya itong ginagawa ko. Para ’di siya magsawa sa akin. Sabi ko sa kanya, ’Paganda ako nang paganda, wala kang karapatang mambabae.’ Kasi ’pag yung babae, mas pangit sa akin, talagang ipagkakalat ko ’yan."


Tatlong taon na palang kasal ang komedyanang si Kitkat sa isang Filipino-American.

Off the record ang rebelasyon ni Kitkat sa umpisa ng interview sa kanya ng PEP. ph (Philippine Entertainment Porta) sa press launch ng bagong show ng TV5, ang Trenderas, noong September 9.

Ngunit sa bandang huli ay pumayag na rin siyang ipaalam sa publiko na kasal na nga siya.

Ang mister niya ay si Waldy Fabia, 36, na kapatid ng celebrity chef na si Jeremy Fabia.

Bakit ayaw sana niyang ipagsabi na mayroon na siyang asawa?

Paliwanag ni Kitkat, "Kasi kasal kami sa Amerika, hindi dito.

"Hindi ko pa pina-file dito.

"Pangalawa, ngayong nagiging sexy comedienne na ako, ayoko namang puwersahan nating pag-usapan.

"Kung tayo, alam niyo, okay lang.

"Kung yung iba, hindi alam, okay lang din, ganun lang."

LOVE STORY. Kasunod nito ay ikinuwento ni Kitkat ang love story nila ni Waldy.

"Magpa-five years na kami... Matapos akong manakawan noon, siya na ang naging dyowa ko.

"Kababata ko siya, noong bata pa ako, crush na crush ko siya.

"Sabi ko ’pag dumadaan siya sa harap ng bahay namin, ’’Paglaki ko, mapapangasawa ko ’yan!’

Kung matatandaan, taong 2008 nang akusahan ni Kitkat ang dati niyang live-in partner na si Alfred Santos Lumanlang ng diumano’y pagnanakaw ng mga alahas at pera sa kanyang ATM.

Dagdag pa niyang kuwento, "Destiny, kasi noong manakawan ako, tumawag siya [Waldy] sa akin.

"Kinumusta niya ako. "Sabi niya, ’Kumusta ka, gusto mong magkape?’

"Sabi ko naman agad, ’Ngayon na, gusto mo ngayon na?’

"After nun, ayun na.

"Nung bata pa ako, crush na crush ko talaga siya.

"Sabi ko nga, paglaki at magandang-maganda na ako, hindi ko siya papansinin."



BLOOMING. Ang asawa raw niya ang dahilan kung bakit lalong nagpapaganda si Kitkat ngayon.

Bukod sa maputing-maputi na siya, aminado siyang nagpaayos siya ng kanyang ilong for the second time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi niya, "Sabi ko sa kanya [Waldy], bukod sa pag-aartista, para rin sa kanya itong ginagawa ko.

"Para ’di siya magsawa sa akin.

"Sabi ko sa kanya, ’Paganda ako nang paganda, wala kang karapatang mambabae.’

"Kasi ’pag yung babae, mas pangit sa akin, talagang ipagkakalat ko ’yan!"

Dugtong pa ng comedienne, "Natutuwa naman siya na kahit matagal na kami ay nagpapaganda pa rin ako for him.

"Hindi lang dahil sa artista ako, ’di ba?

"’Pag dadating nga ’yan, kunyari maliligo na ako, magpapabango na ako.

"’Di ako lumalabas sa kanya na pangit ako, gusto ko lagi akong maganda."



TRANSFORMED. Kapansin-pansin nga ang malaking ipinagbago ng pisikal na anyo ni Kitkat.

Natatawang sabi naman niya, "O, tingnan niyo, sinasabi niyo na ang laki ng transformation ko!

"Pero sa totoo lang, ilong lang ang pinagawa ko.

"Baka dahil sa nagre-retainers ako [sa ngipin].

"Yung jaw ko ay inaayos kasi nagla-lock ako, e.

"Dati kasi, yung nakikita niyo ako, tabingi ang mukha ko.

"So, nung inayos yung jaw ko, maganda ang structure."

SECURE. Hindi ba nai-insecure ang kanyang mister dahil mas lalo siyang nagiging attractive sa ibang lalaki?

Aniya, "Lagi nga niyang sinasabi na baka raw madali ko siyang ipagpalit.

"Kasi noong bata pa ako, lagi kong sinasabing gusto kong makapag-asawa ng mayaman.

"’Tapos lagi niyang sinasabi, ’Hindi naman ako mayaman, hindi naman ako artista, baka ipagpalit mo ako.’

"Sabi ko, ’Siyempre, hindi, ikaw na ang pinili ko.’

"Kahit ganito naman ako kabulgar o kaingay, sa totoong buhay, seryoso naman ako pagdating sa buhay."

Wala pa silang anak at wala pa raw silang planong magkaanak sa ngayon.

"Wala, ang peg ko ay si Ate Regine [Velasquez]. Puwede pa, ’di ba?

"At saka, sayang naman ang kaseksihan ko. Next-next time na.

"At saka, anong tawag dun... hindi pa ako emotionally ready, physically ready, hindi pa ako financially ready, ipon pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpi-pills ako, e. Kaya nga ni-lipo [liposuction] ako dahil tumaba ako sa pills."

Ayon pa kay Kitkat, "Hindi naman siya nagde-demand, e.

"May anak na rin kasi siya na thirteen years old.

"Anak lang, ha, pero wala sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN