Francis Magundayao denies courting crush Ella Cruz

Kapamilya talent Francis Magundayao on working with Kapuso stars: “Dito po, wala munang network war. Naniniwala po akong magiging napakaganda nito. Kasi nga po, galing sila sa ibang network, galing ako sa ibang network. Meron po kaming something in common, which is acting, at naniniwala akong may matututunan ako sa kanila.”


Aminado man ang ABS-CBN teen actor na si Francis Magundayao na crush niya si Ella Cruz, hindi naman daw nangangahulugan ito na nililigawan na niya ang Kapamilya teen actress.

“Hindi ko po maide-deny, inaamin ko po., nagustuhan ko po si Ella.

“Hindi po maiwasan kasi siya po yung first kong ka-loveteam, nagkasama po kami dati.

“Opo, nagustuhan ko po si Ella. Pero magkaibigan lang po kami, and wala pong namamagitan sa amin.

“Hindi ko pa po siya nililigawan,” sabi ng 15-year-old actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Francis sa story conference at press launch ng kinabibilangan niyang pelikula, ang Saranghaeyo #Ewankosau, na ginanap noong Setyembre 7, sa Belleville Café sa Scout Rallos St., Quezon City.

Pero posible bang ligawan niya si Ella in the future?

Sagot niya, “Naniniwala po ako na may tamang oras, may tamang panahon sa bawat sitwasyon.”

Pinapayagan na ba siyang magkaroon ng lovelife ng parents niya?

“Hindi po!” sabay tawa niya.

“Hindi naman po sa bawal, hindi rin naman po sa puwede.

“Kumbaga, nandiyan po sila para mag-guide sa akin at sinasabi nila ayon sa experience nila kung ano yung napagdaanan nila.

“Ang sabi nila sa akin, mag-aral muna at mag-focus muna ako sa career ko, at sumusunod po ako.”



BIG BREAK. Samantala, labis ang excitement na nararamdaman ni Francis para sa maindie (mainstream-indie) movie na Saranghaeyo #Ewankosau, sa direksyon ni Roman Perez Jr. at sa ilalim ng produksiyon ng Bagong Buwan Artist Collective.

Ito kasi ang hinihintay na big break ni Francis sa big screen.

Isa siya sa mga bida rito kasama sina Barbie Forteza, Jon Lucas, at Elisse Joson.

Kasama rin sa cast sina Alice Dixson, Alwyn Uytingco, Martin Escudero, Leo Martinez, Eric Quizon, Jim Pebanco, John Matthew Uy, at Joshua Davis.

Plano nilang ipalabas ito sa mga sinehan sa Disyembre 3 bago ang Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa istorya, mai-involve sa isang love square ang mga karakter nina Francis, Barbie, Jon, at Elisse.

Ayon kay Francis, “Magiging ka-love triangle ko po sina Barbie at Elisse dito.

“Pero magiging square po siya dahil kay Jon.

“Kasi po kaya ako kinuha ni Barbie para makapag-eksena siya kay Jon.

“So, doon po lalabas yung medyo may pagka-comedy, medyo magiging nakakakilig, nakakaiyak, nakakalungkot, nakakagalit.

“Sana po magustuhan ng mga tao yung finished product.”



NO NETWORK WAR. Isa pa sa ikina-excite ni Francis sa Saranghaeyo ay yung makakatrabaho niya ang mga artista mula sa ibang network.

Mahirap daw kasing mangyari ito sa telebisyon dahil sa network war, pero magagawa nila rito sa pelikula.

Saad niya, “Dito po, wala munang network war.

“Naniniwala po akong magiging napakaganda nito.

“Kasi nga po, galing sila sa ibang network, galing ako sa ibang network.

“Meron po kaming something in common, which is acting, at naniniwala akong may matututunan ako sa kanila.”



BARBIE FORTEZA. Hindi ba siya nag-aalala dahil ang fans niya ay alam na may iba siyang ka-loveteam sa ABS-CBN, pero dito sa Saranghaeyo ay itatambal siya kay Barbie na taga-GMA?

Sagot ni Francis, “Naniniwala po akong sumusuporta po ang fans ko kahit sino po ang i-partner sa akin, ’tulad po dito.

“Naniniwala po ako na dahil po nag-e-enjoy kaming gawin yung craft namin, which is acting, so wala pong kahit anong malisya ito, trabaho lang po.”

Ano naman ang first impression niya kay Barbie?

“Alam ko po talaga kasing magaling siyang umarte. Alam ko pong may dating siya.

“So, nung first time ko po siyang makita, like, ‘eto na si Barbie Forteza, hindi puwedeng mahuli ako.

“Gagalingan ko na lang din po,” sabi ng teen actor.



SANA BUKAS PA ANG KAHAPON. Sa telebisyon naman ay napapanood si Francis sa ABS-CBN primetime teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, kung saan ka-loveteam niya si Michelle Vito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw niya, “Magkaibigan lang po kami ni Michelle at nag-e-enjoy po kaming magkatrabaho sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.”

Masaya si Francis na makatrabaho ang bida ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na si Bea Alonzo dahil isa raw ito sa mga idolo niyang artista, along with John Lloyd Cruz and Angel Locsin.

Sabi niya, “Nung malaman ko nga po na makakasama ko si Ate Bea, natuwa po talaga ako.

“Isa po kasi talaga siya sa mga hinahangaan kong artista.

“’Tapos nung nakatrabaho ko na siya, hindi lang pala siya magaling umarte kundi napakabait pa.

“Mas lalo ko po siyang hinangaan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN