Richard Gomez on Sharon Cuneta’s decision to quit TV5: "Basta kung ano yung desisyon niya, suportahan na lang natin."

Richard Gomez says he’s happy that Sharon Cuneta remains optimistic despite her struggles in career and personal life.


Hiningan ng reaksiyon si Richard Gomez tungkol sa desisyon ni Sharon Cuneta na umalis ng TV5 network, kahit sa 2016 pa sana magtatapos ang exclusive contract ng huli.

Read: Sharon Cuneta leaves TV5 with "unresolved issues"

Ngunit iginiit ng actor-TV host na wala siyang ideya kung ano ang plano ni Sharon sa showbiz career nito ngayon.

“Wala lang. Maybe nag-decide lang siya.

"Maybe nag-decide lang siya, baka it’s a better path na ganun ang ginawa niya.

“Hindi ko alam kung anong details nun, e. Baka malalaman pa lang natin.

"Hindi ko talaga alam kung bakit," saad ni Richard.

Nakatakda sanang pagbidahan nina Richard at Sharon ang TV5 sitcom na My Pirated Family noon pang first quarter ng 2014.

Ngunit bago pa tinapos ni Sharon ang kanyang ugnayan sa Kapatid network ay napabalitang hindi na matutuloy ang naturang proyekto.

Pagkumpirma ni Richard, “Wala, hindi na natuloy. Na-shelved na [yung sitcom].

“So, hindi ko alam kung saan pupunta si Sharon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling reporters si Richard sa studio ng Quiet Please!, sa TV5 Media Center, Mandaluyong City, ngayong araw, September 12.

HAPPY FOR SHARON. Ilang linggo bago inanunsiyo ng Megastar ang tungkol sa pag-alis niya sa TV5, naglabas siya ng saloobin tungkol sa dinanas niyang "mid-life crisis" noong siya ay tumuntong ng 40 hanggang 42 years old.

Bukod dito ay inamin ni Sharon na naging pabaya siya sa sarili, na naging sanhi ng paglamlam ng kanyang career.

Parehong 48 years old ngayon ang dating magkarelasyon at onscreen loveteam na sina Richard at Sharon.

Sabi ni Richard tungkol sa dinanas na depresyon ni Sharon, “Wala, I don’t wanna comment.

"Basta kung ano yung desisyon niya, suportahan na lang natin."

Sa kabilang banda, masaya si Richard na kahit ano pa man ang pinagdadaanan ni Sharon ay nanatiling positibo ang pananaw ng huli sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base kasi sa Twitter posts ng Megastar ay desidido itong magbawas ng timbang para sa mga susunod niyang proyekto.

Read: Sharon Cuneta clarifies mid-life crisis issue: "I have been done with my ’mid-life crisis’ for many years now, so please don’t worry any longer

Kung sakaling makapag-usap sila, anong payo ang ibibigay ni Richard kay Sharon?

“Sasabihin ko sa kanya na I’m happy for her na nakapag-decide siya ng ganun.

“Number one, sa pagpapayat niya. Siyempre appearance niya, e.

“Alam mo naman tayong mga artista, unang-unang tinitingnan yung appearance natin,” saad ng actor-TV host.

BLESSINGS. Sa parte ni Richard, nagpapasalamat siya na patuloy ang pagdagsa ng magagandang proyekto ngayong taon.

Ilan sa mga ito ay ang Star Cinema film na She’s Dating The Gangster at Cinemalaya entry na The Janitor.

Bukod sa paghu-host ng TV5 game show na Quiet Please!, ipapalabas na rin sa Oktubre ang bago niyang pelikula na Almost A Love Story (formerly known as The Trial).

Saad ni Richard, “Siguro maganda lang yung career path.

"‘Tsaka dapat kasi iniingatan mo yung trabaho. Kailangang maganda yung quality ng trabaho.”

Malaking bagay rin daw ang pagkakaroon ng magandang disposisyon sa buhay.

“You just have to live a happy life. Kailangan positive lang lagi ang outlook.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN