Joanna Marie Tan admits past relationship with Jake Vargas: “Sobrang matagal na po yun, kaya parang wala na.”

Joanna Marie Tan talks about her past relationship with Jake Vargas: “After po ng First Time. Kasi mahirap po e, kasi may loveteam sila tapos iyon po yung talagang pa-boom yung career ni Jake.”


Dapat pala ay sa Yagit kasama ang young female star na si Joanna Marie Tan.

Pero sa halip ay sa Strawberry Lane siya inilagay ng GMA-7.

Kuwento ni Joanna Marie, “Nakapag-workshop and storycon na ’ko [for Yagit] ’tapos nagulat po ako, kinabukasan ano na, plug shoot na ng Strawberry Lane.

“Tinawagan nila ako. Nagulat ako, dito na po ako nakasama.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joanna Marie sa presscon ng Strawberry Lane sa Imperial Palace Suites, Timog Rotonda, Quezon City, noong Martes, September 9.

Dahil isa siya sa mga bida sa Strawberry Lane ay mas natuwa si Joanna Marie.

“Sobra! Mas napaganda! Sobrang thankful ako!” bulalas niya.

Sa Yagit sana ay support lamang sana siya bilang kontrabida.

“Kaya sobrang na-overwhelm ako dahil hindi ko akalain na, yung Yagit nga po sobrang blessing na sa akin kasi work, e.

“’Tapos mas napaganda, mas maganda yung binigay sa akin ni God na project. Sobrang saya po.”

Ang iba pang female lead stars sa Strawberry Lane ay sina Bea Binene bilang si Clarissa, Kim Rodriguez bilang si Jack, Rita de Guzman bilang si Lavinia, at si Joyce Ching bilang Dorina.

ROLE. Bilang si Lupe ay mabait si Joanna Marie sa Strawberry Lane.

Deskripsyon ni Joanna sa kanyang papel, “Magiging mabait. Kasi lahat ng characters namin, lahat ng babaeng character may twist yung character.

“At yung character ko, si Lupe kasi ano siya, e... may pangarap siyang yumaman, may ambisyon siya sa buhay. Kasi feeling niya ’pag mayaman na siya, wala nang mang-aapi sa kanya.

“Abangan din nila kasi parang, may sakit siya, may pagka-klepto siya kaya siya napunta sa Bahay Bagong Pangarap.”

Nasa Strawberry Lane din sina Jake Vargas bilang si Gabo, Jeric Gonzales bilang si George at si Kiko Estrada bilang si Paulino.

Sumali sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga! si Joanna Marie noong 1999 na ang nanalo ay si Dindin Llarena. Third runner-up si Joanna Marie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw siya nai-intimidate na ang mga kasama niya sa Strawberry Lane ay mga nagbida sa mga teleserye na tulad nina Bea, Kim, at Joyce.

Pagpapasalamat niya, “Siyempre po proud dahil, ’di ba? Parang... ang totoo po to be honest, I really felt special na pinagkatiwala sa akin ng GMA ito ngayon kasi hindi ko po talaga expected.

“Na parang for the first time magandang role po talaga yung nabigay sa akin. At saka yung role ni Lupe kasi tatatak sa mga tao, e. Kasi sa kanilang apat siya yung medyo baliw-baliw.

“Feeling ko sobrang mamahalin siya lalo na ng mga gays kasi yung character niya medyo ganun, medyo babaeng bakla.

“At saka hindi po ako mai-intimidate sa kanila dahil off-cam naman sobrang mababait sila ’tsaka lahat po sila nakasama ko na dati.

“Si Kim although first time namin ito parehas kami ng co-manager si Tita Jenny Molina po.

“Sobrang light hindi ka makakaramdam ng pressure pag kami-kami ang magkakasama.

“Kaya yung taping namin ang saya, mae-excite ka talaga na mag-taping kasi kumportable ka sa mga kasama mo.”

ADMITS PAST RELATIONSHIP WITH JAKE. Kahit sila ni Bea ay walang ilangan.

Naging magkarelasyon dati sina Joanna Marie at Jake at ngayon ay sina Bea at Jake ang magkasintahan.

Noong umpisa nga ay ayaw i-reveal ni Joanna Marie na naging sila ni Jake. Pero sa kapipilit namin ay sinabi rin niya sa amin.

“Na-pressure ako bigla, na-pressure ako,” ang tawa nang tawang sinabi ni Joanna Marie.

“Sobrang matagal na po yun, kaya parang wala na.

“After po ng First Time.

Ang First Time ay show ng GMA noong 2010 na pinagbidahan nina Jake at Bea at nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. Supporting character sa show si Joanna Marie pero sa bandang huli ng show ay naging ka-love triangle nina Bea at Jake si Joanna Marie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tapos na ang show noong nagkaroon ng relasyon sina Joanna Marie at Jake. Hindi umabot ng isang taon ang relasyon nila dati ni Jake.

“Kasi mahirap po, e. Kasi may loveteam sila ’tapos iyon po yung talagang pa-boom yung career ni Jake.

“Siyempre naintindihan ko po, ano siya e, breadwinner ng family niya, talagang wala po kaming time sa isa’t isa.

“’Tapos nung time na po na iyon, naging SK Federation po ako ng Caloocan, Vice-President po ako so busy po kami pareho.

“Kaya wala po kaming time sa isa’t isa,” kuwento pa niya.

Mutual daw ang naging desisyon nila noon ni Jake na mag-break.

NO ISSUES WITH BEA. Alam daw ni Bea na naging sila ni Jake.

“Pero sobrang matagal na yun kaya parang wala na,” dagdag pa niya.

Wala raw awkwardness sa pagitan nila ni Bea.

Patuloy pa ni Joanna, “Nakakatawa nga kasi nung nag-taping kami, siguro dahil sobrang tagal na rin nun, parang wala na.

“Kaya nakakatuwa dahil walang ilang, walang awkward, kaya okey lang.

“Sabay-sabay pa nga po kaming kumakain, sabay-sabay kaming nagtu-toothbrush.”

Wala raw nanliligaw ngayon kay Joanna Marie.

“Kasi parang ang tagal ko nga rin po bago ako nagkaroon ulit ng bagong soap, six months after Annakarenina po, bago itong Strawberry Lane.

“Nasa bahay lang po ako, nagpapayat.”

BREAK FROM STUDIES. Hindi muna nag-aaral ngayon si Joanna Marie.

“Dahil everytime na mag-start akong mag-aral, magkakaroon po ako ng show, e.

“Siyempre po, ’di ba, parang breadwinner din po ako sa family namin so nanghihinayang ako, yung pinangtu-tuition fee ko. Lagi akong bumabagsak kasi mahirap sa school namin, three absences lang talagang bagsak ka na.

“Siguro after nitong Strawberry Lane mag-iipon muna ako ng pang-tuition fee ’tapos mag-aaral ako ulit.”

Kung bibigyan siya ng solo project someday, si Alden Richards ang choice ni Joanna Marie na maging leading man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa cast ng Strawberry Lane sina Sunshine Dizon (bilang Elaine), Christian Bautista (bilang si Richard), TJ Trinidad (bilang Jonathan), Ms. Chanda Romero (bilang si Ms. Digna), at Sheryl Cruz (bilang Monique).

Sa direksyon ni Don Michael Perez, mapapanood na ito simula sa Lunes, September 15 pagkatapos ng 24 Oras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN