Chanda Romero advises young stars: “Don’t get into a relationship just for the sake of having one.”

Chanda Romero shares her love advice to today’s generation of young stars: “Napansin ko kasi sa mga young ones ngayon, they fall in love so fast. Hindi naman natin masisisi because bata, e. Dumaan din ako sa ganyan before. But I don’t let my heart rule over my mind.”


Mas gumanda raw ang paningin ni Ms. Chanda Romero sa kanyang buhay simula noong kinasal siya last year sa kanyang boyfriend of seven years na si Jose Mari “Mayi” Alejandro.

Sa October 25 ay ise-celebrate nila ni Mayi ang kanilang first wedding anniversary.

Pinatunayan ng 60-year-old award-winning actress na it’s never too late para makahanap siya ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya.

“Last year, at age 59, hindi ko na inaasahan na ikakasal pa ako. Kumbaga, I have given up hope for a man who will ask me to marry him.

“But all of a sudden, this man came into my life. Even if it took us seven years to really get to know one another and become husband and wife, it was worth the wait.

“Life has more meaning now than before.

“Kasi nga you look forward to somebody waiting for you when you come home tired from work. Someone calling you and asking how was your day.

“May nag-aalaga na sa ‘yo and at the same time, may inaalagaan ka rin. You have someone na masasabihan mo ng ‘Good night’ and he will answer back.

“It’s a whole different life now and it never occurred to me that it will still happen to me at my age.

“So I am telling everybody out there—it’s never too late!” pahayag pa ni Chanda nang makapanayam namin siya sa press launch ng bagong GMA-7 primetime series na Strawberry Lane.

Suki ng GMA-7 si Chanda Romero at nakalabas na siya sa karamihan ng teleserye ng naturang network mula 1995 via Villa Quintana.

Ginawa rin niya ang Ikaw Lang Ang Mamahalin, Narito Ang Puso Ko, Now & Forever: Linlang, Princess Charming, Impostora, Dyesebel, Luna Mystika, Zorro, Adik Sa ‘Yo, Kaya Kong Abutin Ang Langit, The Last Prince, Dwarfina, Sisid, My Beloved, Faithfully, My Husband’s Lover at Kambal Sirena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Strawberry Lane ay gaganap si Chanda bilang si Digna, ang taga-bantay at taga-disiplina sa mga batang inaalagaan niya sa Bahay Bagong Pangarap.

Kabilang sa mga bata ay ang tween stars ng Kapuso Network na sina Bea Binene, Joyce Ching, Joanna Marie Tan, at Kim Rodriguez.

WORKING WITH YOUNG STARS. Ikinakatuwa ni Chanda na nabibigyan siya ng pagkakataon to work with new and fresh actors tulad na lang ng cast ng Strawberry Lane.

“So far, walang mga pasaway sa kanila. They are all professionals.

“Nakakatuwa kasi very disciplined sila. Makikita mo silang very serious sa kanilang pag-memorize ng script at sa pag-atake nila ng mga characters nila.

“Pero kapag wala naman sila sa harap ng kamera, they act their age.

“Mga bata ang mga iyan at dumaan din tayo sa mga edad nila na they are very playful, they interact with one another at may kanya-kanya silang stories on boys,” tawa pa ni Chanda.

CAREER ADVICE. Bilang senior star sa teleserye, ano ang maipapayo niya sa mga kabataang artista ngayon, lalo na sa mga nakakatrabaho niya sa Strawberry Lane?

Saad niya, “Kung may maipapayo ako sa mga young stars ngayon, I guess it’s just the basic—love their careers. Mahalin nila ang trabaho nila para mamahalin sila pabalik nito.

“I’ve been in this business for as long as I can remember. I’ve seen fellow actors just taking this job for granted and I’ve seen what happened to them.

“Yung mga nagmahal talaga sa trabahong ito, makikita mo naman kung saan sila nakarating.

“Kung sino ang mga napapanood pa nila hanggang ngayon, sila ang mga nagmahal ng kanilang trabaho and they are rewarded for doing that.

“Kaya itong mga batang ito, I want them to really love what they are doing at hindi yung nagbe-breadtrip lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They should learn more and soon after, they can share their experience sa mga bago pang darating.”

LOVE ADVICE. Isa pang gustong iparating ni Chanda sa mga kabataan ngayon ay ang ma-enjoy nila ang kanilang kabataan at huwag maging seryoso sa kanilang lovelife.

“Napansin ko kasi sa mga young ones ngayon, they fall in love so fast.

“Hindi naman natin masisisi because bata, e. Dumaan din ako sa ganyan before. But I don’t let my heart rule over my mind.

“Huwag silang masyadong seryoso sa lovelife dahil marami pang mangyayari sa buhay nila. Don’t get into a relationship just for the sake of having one.

“Just enjoy life. Enjoy this moment that you have this wonderful career. Just remember how lucky they are to be doing this.

“Marami diyan na gustong mag-artista pero they don’t have it—they don’t have that luck.

Kaya sa mga masusuwerte, put it to good use. Enjoy it and make the most out of it,” dagdag-payo pa ni Mrs. Chanda Romero-Alejandro.

Isa si Chanda sa mahuhusay na aktres na nagsimula noong dekada ’70. Lumabas siya sa mga pelikulang may temang action, drama, comedy, horror, sexy, at fantasy.

Naka-partner niya ang mga sikat na leading men noon tulad nila Christopher de Leon, Eddie Garcia, Phillip Salvador, George Estregan, Ronaldo Valdez, Michael de Mesa, Jun Aristorenas, Apeng Daldal, Dindo Fernando, Mark Gil, Eddie Gutierrez, Anthony Alonzo, Gabby Concepcion, Jay Ilagan, Bembol Roco, Chiquito, Rey Malonzo, Efren Reyes, Jr., Tito, Vic & Joey at Fernando Poe, Jr.

Nakapanalo ng acting award si Chanda mula sa Gawad Urian as Best Supporting Actress in 1978 for Boy Pana at mula naman sa FAMAS as Bst Supporting Actress in 1981 for Karma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN