Derek Ramsay warns against poser offering indecent proposals

Derek Ramsay on his poser who targets mainly real estate agents: “Sabi ko huwag silang makipag-meet kasi delikado ‘yan. I’ll take care of it, ire-report ko na lang, ’tapos may pinadala nga sa akin yung isang fan na website nga na yung mga scammers, naka-report yung number na yun dun.”


Isang poser ng aktor na si Derek Ramsay ang balitang kumokontak sa ilang real estate agents, nagpapanggap na siya ang aktor, naghahanap ng isang condo unit at kapalit nito ay nag-aalok ng indecent proposals sa ilang nakakausap na mga ahente.

Sa phone interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derek ngayong Sabado, September 13, nagbabala ang hunk actor na huwag i-entertain ang tawag at texts ng nasabing poser niya lalo’t nag-aalok ito ng indecent proposals sa mga ahenteng nakaka-usap

Kuwento ni Derek, “It’s kind of annoying.

“Actually, may nagsabi sa akin niyan a few months ago. Nagpasalamat ako sa taong yun pero parang ’di na niya ako kinontak so pinabayaan ko na lang.

“And then may nagkontak uli sa akin, natuwa nga ako kasi this person is caring enough to trying to contact me na there’s this guy na tumatawag sa mga ahente na bumibili daw ako ng condo para sa nanay ko na kaboses ko daw and all.

“Binigay ko ang number ko to this person and I called, sabi ko ikuwento niya kung ano ba nangyari.

“Yun nga, tumawag, nagsasabi na siya si Derek Ramsay and he’s interested in buying a condo for my mom daw.

“I guess kilala niya ako kasi alam nila kung gaano ako kalapit sa pamilya ko.

“Makikipag-meet ’tapos ’di pupunta, ’pag tumatawag yung agent sa kanya ’di niya sasagutin, ’tapos the following day daw tatawag, magte-text, sasabihin I’m not feeling well ’tapos makikipaglandian na to the agent.

“Ang sabi nung isang nakausap ko na girl, he gave me a number over Twitter, she sent me a direct message, she told me na nag-o-offer daw ng indecent proposal.”

TRACKING DOWN THE POSER. Ayon kay Derek ay malakas ang loob ng nasabing poser niya dahil kahit nagbabala na siya na ipapa-track niya ang nasabing number ay hindi nito pinapatay ang kanyang telepono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “Tinawagan ko yung number nung poser, matapang, ’di niya pinapatay.

“Sinagot niya once, ’di nagsalita ’tapos I kept calling and calling ’di naman niya pinapatay yung phone.

“Sinabihan ko rin siya na ipapa-track namin yung number niya ’pag ’di siya tumigil, naka-on pa rin yung cellphone niya.

“I put the cellphone on Twitter, ang daming tumatawag sa number na yun and they told me na ’di nga sumasagot yung poser pero ayaw talaga niyang patayin yung phone.”

Nagsabi na rin ang aktor sa mga kinokontak ng kanyang poser na huwag na huwag makikipagkita dito kapag nakipag-scehedule ng meeting.

“I just told them if they contact you, kasi kumokontak pa rin daw, nakikipag-meet.

“Sabi ko huwag silang makipag-meet kasi delikado ‘yan. I’ll take care of it, ire-report ko na lang, ’tapos may pinadala nga sa akin yung isang fan na website nga na yung mga scammers, naka-report yung number na yun dun,” saad pa niya.

AMAZING RACE, SEASON 2. Matagal-tagal na rin ng huling napanood sa telebisyon, masayang binalita ng hunk actor na sa darating na Oktubre ay mapapanood muli siya sa Season 2 ng The Amazing Race.

Amazing Race will start in October. Sobrang excited, I’ve been waiting for this project.

“Yung Season 1 we had a great time going all over the country and that’s one of the major reasons kung bakit lumipat nga ako sa 5 dahil in-offer nila sa akin ang project na ito.

“I’m a fan of the show, I’m a fan of traveling and I’m a fan of competition. Nung nabalitaan ko na may Season 2, sobra akong natuwa,” masayang balita ni Derek.

Ginagawa rin ang pelikulang English Only Please, kunsaan katambal niya si Jennylyn Mercado. Tinanong namin si Derek kung hindi siya napi-pressure dahil mabibigat ang makakalaban nila sa darating na 2014 Metro Manila Film Festival gaya ng Praybeyt Benjamin 2, Feng Shui 2 at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ng hunk actor, “First time naming mag-rom-com [romantic comedy], kami ni Jen.

“Ang ganda ng feedback, it’s MMFF, teaser pa lang puro positive na yung feedback, sabi nga raw may chemistry kami ni Jen, parang natural lang daw.

“Hayun, excited kami pareho na lumabas in December. ’Di pa namin tapos, pagbalik ko at pagbalik ni Jen, she’s in London right now, tatapusin na namin yung movie.

“’Di ko na iniisip yun, ’di ko na iniisip kung sino kalaban.

“I’ve said this so many times before, I’m a team player, ang importante gumawa kami ng magandang project.

“So far, sa response ng mga nakapanood ng teaser, it’s very positive, ’pag kumita bonus yun but so far sobra akong natutuwa sa mga napapanood kong rushes.

“It’s all coming together, yun nga, pagkatapos ng Janitor na kakaiba ang role ko dun, heto naman extreme naman, medyo comedy.

“First time ko talagang magro-rom-com, it’s a different side of me na ’di serious na Derek Ramsay.”

Masaya ding binalita sa amin na ipapalabas pala sa mga sinehan nationwide ang pelikulang The Janitor.

“Nabalitaan namin yung good news na ire-release nga raw yung Janitor in cinemas nationwide. Sa mga ’di nakapanood sa Cinemalaya... Ire-release yata ng Star Cinema.”

ON JENNYLYN. Single ngayon si Derek gayon din naman si Jennylyn, pero sa kabila nito ay siniguro ng aktor na wala sa isip niya ang tawag ng pag-ibig lalo’t naging magkaibigan sila ng kapareha.

“Jen and I got along the first day we met each other sa set and I was very happy na ganun nga kasi walang ilangan.

“Nabanggit ko nga na parang siya ang female version ko kasi mahilig mag-sports, ’di nagpapahinga, talagang kung walang trabaho, she’s in her active lifestyle, she’s into Ironman [triathlon event] and all that, very active siya just like me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s a good girl pero ayokong munang isipin yung mga ganyang klaseng bagay. I enjoy working with her, I enjoy talking with her as a friend.

“We became friends in the short period of time na naging magkatrabaho kami pero walang pumapasok sa utak ko na ganyang klaseng bagay.”

ON KRIS. Naging malapit na kaibigan si Kris Aquino kung saan sa ngayon ay patuloy silang tinutukso ng kontrobersyal na TV host.

Agad naming tinanong ang aktor kung siya ba ang nag-aya ng date kay Kris, pero hindi raw nito mapagbigyan dahil sa hectic nitong schedule.

“No matter what people say and whatever they are throwing at us, Kris and I are friends.

“Our friendship is getting stronger and stronger, yun naman ang importante sa amin.

“Basta ako I want her to be happy and vice-versa she wants me to be happy.

"Sabi ko nga, kung magkaka-boyfriend siya kailangan approve ko and kung magkaka-girlfriend ako if ever, kailangan approve niya.”

“Date? No, nagkukuwentuhan kami ni Kris, maraming gustong makipag-date sa kanya na hindi siya kinakaya, she’s a super woman, her schedule is so full.

“’Di ko alam kung paano niya ginagawa, siguro wala pa siyang oras na mabigay para sa sarili niya in that aspect of her life, yung lovelife niya.

“Nakukuwento niya na maraming nag-aano, na gustong makipag-date sa kanya.”

ONGOING CASE. Bukas na aklat sa showbiz ang kasong isinampa sa kanya ng hiniwalayang asawa na si Mary Christine Jolly kung saan humihingi ito ng lump sum na 48 million para sa anak nilang si Austin.

Sa ngayon ay ipinauubaya na lang ni Derek ang magiging desisyon sa korte pero labis-labis ang pasasalamat niya sa mga taong patuloy na nagtitiwala at naniniwala sa kanya.

“I’m just letting the court take its course. It’s in the court, I trust the court will make the right decision so nandun naman yung affidavit niya, yung affidavit ko, let’s just let the law take its course.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t think naman I would’ve survived and gone through this pain I am going through if it wasn’t through the support of my friends and family.

“People who know me, yung mga ’di pa ako nakikilala personally but have seen how I am through what I have done with my work, how I’ve been open to everybody in almost ten years I’ve been in the industry.

“Nakakatulong talaga ang suporta nila, every day I get messages, comments or prayers for me. That makes me strong and I have to be strong for my son.

“Yung mga namba-bash, nanghe-hate, nirerespto ko ang opinions nila but it will be nice for them to know the facts first before they judge,” pahayag pa ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN