Isabelle de Leon admits crush on Bamboo

Isabelle de Leon hesitantly admits her crush on Bamboo: “Pero ina-admire ko lang po kasi, ’di ba, songwriter rin, ang galing na performer? Napakabait niya, ’di ba?”


Dati nang kilala bilang isang mahusay na batang aktres si Isabelle de Leon na mas kilala dati bilang si Isabella de Leon at sa naging karakter niya bilang si Duday sa sitcom na Daddy Di Do Du kasama si Vic Sotto.

Tumigil daw si Isabelle sa pag-aartista noon at nagtapos ng high school, pero nang magbalik ito, sa ABS-CBN siya napapanood at nakagawa rin ng ilang teleserye.

Sabi nga ni Isabelle nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Trenderas noong September 9 sa TV 5 Reliance Studio sa Mandaluyong, nag-aral nga raw siya.

“Tinapos ko po yung high school ko at nag-aral din po ako ng mga musical instruments at nagsulat po ako ng kanta,” bungad niyang pahayag.

Twenty years old na si Isabelle at dalawang taon na lang daw ay matatapos na niya ang Mass Communications course niya sa Trinity College.

May album din daw siya ngayon sa PolyEast Records, ang Love Zone na lahat ng kanta ay orihinal na komposisyon niya.

FIRST PROJECT WITH TV5. Ayon kay Isabelle, hindi naman daw siya nakakontrata sa TV5, pero ang Trenderas daw ang kauna-unahan niyang proyekto.

“Masaya naman po and I’m so grateful na binigyan po ako ng chance ng TV5 na maging part po ng Trenderas,” sabi pa niya tungkol sa pinagbibidahan niyang bagong musical drama series ng TV5 na magpa-pilot telecast ngayong gabi.

Umaarte na siya noon pa, hindi na bago sa kanya ang pag-arte. Pero ngayon, may album din.

Kung siya ang tatanungin, pag-arte o pagkanta ang mas gusto niyang gawin?

“Actually, kahit naman noon pa po, musically inclined na po talaga ko and yung buong family namin.

“Nagkataon lang po na naunang na-tap yung acting.

“Para sa akin po kasi talaga, with all honesty, parehas ko pong gusto kasi, parehas naman pong puso ang ginagamit sa pag-awit at pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap pong mamili,” aniya.

Binalikan namin noong child star siya kunsaan, napansin din siya sa pelikulang Magnifico at kung babalikan niya nga ang pagiging batang aktres, masasabi ba niyang nagawa niya halos lahat noon?

“Hindi ko po masasabi, pero kahit paano, grateful po ako na may nakakaalala kay Duday. Grateful po ako sa opportunity na yun,” lahad pa niya.

REUNION WITH VIC SOTTO. Huling beses daw niyang nakita si Vic ay nang maimbitahan siyang mag-judge sa Little Miss Philippines.

Ano naman ang naging reaksiyon ni Bossing sa kanya?

Kuwento pa niya, “Sabi ko po sa kanya, may album po ako. Tuwang-tuwa po siya at sabi niya, ’O, kailan ka pa natutong magsulat ng kanta, Duday?’

“Duday pa rin pong talaga. ’Tapos hayun po, masaya po silang lahat. Si Kuya Bitoy [Michael V], ang saya niya rin po.”

Hindi ba nagulat na dalaga na siya?

Pahabol pa niya, “Actually, yun po, nagulat din po, biglang dalaga na raw po.”

Noong huling beses ay may problema siya sa GMA-7, sila ng kanilang ama.

Kumusta naman yun?

Ayong kay Isabelle, “Feeling ko naman po, naayos naman po kung anuman po yun.”

Pero nagkaproblema nga ba siya?

“Hindi ko po matandaan,” natawang sabi niya.

NO REGRETS. Hindi siya nakakaramdam ng pagsisisi na tumigil siya dati sa pag-aartista at hindi siya dumaan sa mga pa-cute stage?

“Wala po akong regret kasi, doon ko po nagawa yung sa music nga. Doon po ako nakapagsulat ng kanta.

“May 40 songs po ako at the moment at sobrang na-enjoy ko rin po ang social life ko. Na-appreciate ko rin po ang pakikipag-friends at yun nga po, natapos ko ang pag-aaral ko.”

Ngayong bida na siya sa Trenderas kasama ang dalawa pang trenderas na sina Katrina Velarde at Lara Maigue.

Sa seryeng ito maipapakita ni Isabelle ang kanyang talento sa pag-arte at pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Isabelle rin po ang pangalan ko rito. Ako yung smart tindera na anak ni Mother Pearl, si Rez Cortez po.”

CRUSH ON BAMBOO. Hindi pa raw siya nagkakaroon ng boyfriend. Pero kinikilig na sinabi nitong may crush siya.

Pero nang tanungin namin kung sino, noong una’y ayaw pang aminin.

“Baka sabihin ang landi ko,” natatawang sabi niya.

Sino nga ang crush niya?

Lahad niya, “Si Bamboo po. Pero ina-admire ko lang po kasi, ‘di ba, songwriter rin, ang galing na performer? Napakabait niya, ‘di ba?”

Biro tuloy namin sa kanya, bakit hindi ito nag-audition sa The Voice at baka maging mentor pa niya si Bamboo.

Natatawang sagot naman niya, “Actually, masaya po ako, kasi Polyeast [her record label] din po siya.

“Pero ano lang po yun, admiration lang po,” paglinaw niya.

Bakit hindi pa siya nagkaroon kahit puppy love?

“Hinihintay ko rin po ang God’s best at yung career nga po ang tututukan ko. Yung mga opportunity naman po, hindi naman palaging nandiyan.

“Kailangan ko rin pong ibigay ang best ko sa mga opportunity na ipinapahiram sa akin,” sabi pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN