Lauren Young confirms sister Megan’s appendectomy

Lauren Young says her sister Megan had an appendectomy three weeks ago. “She had her appendix taken out. But she’s fine now. It happens. Sometimes, your appendix has to be taken out. Gano’n yung nangyari sa kanya. But you know, she’s perfectly fine now. The operation went well. There’s nothing to worry about. Now she’s back to work.”


Para kay Lauren Young, normal at hindi maiiwasan na nakukumpara siya sa kanyang nakakatandang kapatid na si Megan. At okey lang naman daw ito sa kanya.

Alam naman daw niya na may kanya-kanya silang katangian kunsaan saan sila mas napapansin at nakikilala.

Kung sa pagiging beauty queen namayagpag nang husto ang kanyang ate na si Megan na siyang kauna-unahang Pinay na nanalong Miss World, pakiramdam naman daw ni Lauren na sa pag-arte siya unti-unting nag-e-excel ngayon.

“It’s my thing talaga!” natawang sabi nga niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainmenht Portal) at iba pang miyembro ng media sa presscon ng bagong primetime series ng GMA-7 na Hiram na Alaala kagabi, Huwebes, September 11.

“It’s my thing talaga.

“But well, you know, she’s also a very good actress. Kontrabida ang mga roles na kadalasang ipunu-portray niya.

“At ako na nga ang sumusunod sa yapak ng ate ko, ’di ba? Nagiging kontrabida na rin ako.

“But ’yon… she’s a very good actress.”

Pero sa pakiramdam niya, mas magaling ba siyang aktres kumpara kay Megan?

“Yeah!” tawa ulit ni Lauren.

MISSING HER SISTER. Dahil abala si Megan sa kanyang reign bilang Miss World, talagang nami-miss daw ni Lauren ang pagsasama nilang magkapatid at ng pamilya.

Kuwento ni Lauren, “Kapag umuuwi siya, saglit lang siya. And then sa Manila lang tapos [aalis] na naman siya.

“She travels all around the world. From Europe, to the States, to Asia… so I think she’ll really appreciate it if we all went home to Subic.

“Ang tagal na naming hindi nakakauwi do’n. So you know, just a relaxing time in our house with the family.

“And parang catch up lang. A recap of what [has] happened to all of us.

“I’m very proud of my sister and all of her achievements. And I just wish her more success.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wish her the best.”

NOT FOLLOWING MEGAN’S FOOTSTEPS. Hindi ba siya na-e-engganyo na sundan ang yapak nito bilang beauty queen?

“Hindi talaga! Ayoko talaga,” nangiting paniniyak ni Lauren.

“Ayoko talaga. Si Megan kasi, kahit sinasabi niya na ayaw niya… she had experienced it na before.

“It’s like… may interes na siya, e.

“Ako talaga… zero interest with beauty pageants. Sa acting talaga ang passion ko. Ito ang hilig at interes ko.

“Gusto kong manalo ng acting award someday.

“Kung si Megan, pinangarap maging beauty queen, ako naman I just want to be the most versatile actress.”

APPENDECTOMY. Three weeks ago ay umuwi sa Pilipinas si Megan at napabalitang sumailalim sa isang operasyon.

“She had her appendix taken out. But she’s fine now.

“It happens. Sometimes, your appendix has to be taken out. Gano’n yung nangyari sa kanya.

“But you know, she’s perfectly fine now. The operation went well. There’s nothing to worry about

“Now she’s back to work,” detalye pa ni Lauren tungkol sa pagpapatuloy ni Megan ng kanyang mga obligasyon bilang Miss World.

Nag-alala ba sila ng pamilya nang sumailalim sa operasyon si Megan?

Sagot niya, “It wasn’t critical naman. And she recovered very fast.”

ROLE. Masaya at kuntento raw si Lauren sa takbo ng kanyang acting career sa ngayon. At okey lang daw sa kanya kung medyo may pagka-kontrabida ang papel niya sa Hiram na Alaala kung saan gumaganap siya bilang girlfriend ni Dennis Trillo na mauugnay naman sa karakter ni Kris Bernal na sa istorya ay nobya naman ni Rocco Nacino.

Lahad niya, “The thing kasi with my character here, hindi siya dapat bina-brand na kontrabida.

“Ang kontrabida kasi, isang taong masama lang, na laging may masamang ginagawa.

“But my character here, makikita naman na she’s genuinely a nice person. May puso at konsiyensiya din siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero dahil sa mga nangyayari sa buhay niya, siyempre hindi niya napipigilan to act that way. Kasi kawawa rin siya.

“Nakita niya yung boyfriend niya na sobrang mahal niya. Tapos hindi man lang siya kinikilala.

“Iisipin niya na the guy is cheating on her. Kaya she’s driven to act that way.

“So it might come off that she’s mean. But you really just have to understand where she’s coming from.”

DATING NON-SHOWBIZ GUY. Ano naman ang update sa lovelife niya ngayon? Meron na bang bagong nagpapakilig sa puso niya?

“Sakto lang!” sabay ngiti ni Lauren.

Non-showbiz ba yung lalake?

“Ahh… I’m sticking to dating non-showbiz [men]...

“Naging magulo ang showbiz life ko. So I want to keep quiet. I want to focus on my work.

“But I’m very, very happy professionally and personally,” diin niya.

Are they exclusively dating?

“Hindi ko alam, e.

“Wala pa naman kaming commitment.

“I think ano… after everything that I went through, I’m just really enjoying the dating stage and getting to know someone,” panghuling saad ni Lauren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN