Kris Bernal slams ex-boyfriend Carl Guevara’s stories about their relationship

Kris Bernal on ex-boyfriend Carl Guevara: “Nakakagulat lang na may mga sinasabi raw siya na ganito ako, kesyo hindi ko raw siya sineryoso. Unfair naman iyon para sa akin. I tried to keep quiet about it pero bakit sa kanya pa nanggagaling yung mga sali-salita? May hindi tama doon, ’di ba?”


Kahit matagal bago mabigyan ng bagong teleserye ang Kapuso leading lady na si Kris Bernal, never naman daw siyang nagreklamo.

Alam naman daw niya na pinag-iisipang mabuti ng kanyang home network ang susunod niyang pagbibidahan na teleserye.

“Naniniwala naman ako na bago nila ako bigyan ulit ng bagong show, talagang iniisip nila kung ano ang babagay sa akin.

“Siguro nga mahaba lang ang patience ko. Hindi ako yung matanong na tao, e. Kung ano na lang ang sabihin nila sa akin, yun ang susundin ko.

“Mahirap naman na yung parang nagmamarunong ka or nagmamadali ka. Baka mas lalo pang tumagal kung may ganyang attitude.

“Kaya it’s better to wait dahil alam ko naman na meron.

“’Tsaka kapag wala naman akong teleserye, marami naman akong nagiging guestings. May Sunday All Stars naman ako.

“Tapos may mga regional shows pa. Kaya well-compensated pa rin naman ako kahit na inabot ng nine months bago ako nabigyan ulit ng teleserye,” pahayag ni Kris nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng bagong GMA-7 teleserye na Hiram na Alaala noong nakaraang September 17 sa Studio 6 ng GMA Annex Building.

PATIENCE PAYS OFF. Huli ngang teleserye na pinagbidahan ni Kris ay ang Prinsesa ng Buhay Ko na natapos noong January pa. Hindi ba minsan naiinggit si Kris sa ibang Kapuso stars na kapag natapos na ang isang teleserye ay may kasunod agad?

“Hindi naman ako gano’n kasi,” mabilis na sagot ni Kris.

“Kung may nababalitaan naman ako na nabibigyan ng bagong project, siguro nakahanda na iyon para sa kanila.

“Naniniwala naman ako na may tamang project para sa bawat artista. ’Tsaka nasa tamang timing din.

“Tulad ngayon, natutuwa ako na ang bagong project ko ay makakasama ko si Dennis Trillo. E, matagal ko nang dream na maging leading man siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos kasama pa si Rocco Nacino na ilang beses ko nang naging leading man.

“Kaya magandang blessing ito for us kasi ibang-iba ang kuwento. Medyo mabigat at puro iyakan ito.

“Masasabi ko nga na ito na yung pinakamatinding teleserye na ginawa ko. In terms of story at sa mga artistang kasama namin, iba siya. Malaking project siya and I am proud na nakasama ako dito,” ngiti pa ni Kris.

ON CARL. Zero ang lovelife ni Kris dahil tapos na ang relasyon niya sa aktor na si Carl Guevara.

Hindi naman itinanggi ni Kris na hindi sila nag-uusap o nagkikita ni Carl simula noong naghiwalay sila.

“Maayos naman kaming nag-usap. Pero after nga no’n, wala ng communication.

“Siguro busy siya, kasi nga nasa TV5 siya ngayon, ‘di ba? Marami yata siyang gagawin na show doon.

“Sa akin naman, wala akong dapat na ikasama ng loob kasi maayos naman ang pag-uusap namin. Ewan ko lang sa kanya.

“Kasi siya naman itong hindi na nakikipag-communicate, e. Kaya hindi ko tuloy masabi kung friends pa ba kami o hindi,” paliwanag niya.

IS CARL BADMOUTHING KRIS? Hindi nga nagugustuhan ni Kris na may mga sinasabi si Carl tungkol sa kanya at nababalitaan pa niya ito sa ibang tao.

“Ganito na lang. Never akong nagsalita about sa relasyon namin. Kung hindi ko man inamin before na kami, may rason naman iyon at alam ni Carl iyon.

“From the start naman, alam niya na may ganitong limitation. May mga hindi puwedeng gawin.

“Carl knows that, pero nakakagulat lang na may mga sinasabi raw siya na ganito ako, kesyo hindi ko raw siya sineryoso. Unfair naman iyon para sa akin.

“I tried to keep quiet about it pero bakit sa kanya pa nanggagaling yung mga sali-salita? May hindi tama doon, ’di ba?” diin pa ni Kris.

ON AND OFF. Nanggaling nga kay Carl na dalawang taon daw silang nagkaroon ng relasyon ni Kris. Pero ayon naman sa aktres, hindi raw official iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“On and off kasi kami ni Carl. Kaya parang hindi naman umabot ng two years. Hindi naman siya bilang, e.

“Marami kaming hindi napagkakasunduan talaga. Kaya nangyayari yung mga tampuhan sa amin noon.

“Kaya naiisip ko nga na it’s better na ganito na lang ang nangyari. Mahirap na yung may stress sa buhay.

“Pero ang masasabi ko naman, mabait si Carl. Wala akong naging reklamo sa personality niya. Yun nga lang, wrong timing lang talaga. Maybe we deserve to be happy with other people,” sabi pa niya.

NOT RUSHING INTO A RELATIONSHIP. Dahil single na ulit si Kris, ayaw daw muna niyang mag-entertain ng mga manliligaw. May isang non-showbiz guy nga raw na gusto siyang ligawan pero ayaw itong paasahin ni Kris.

Diin niya, “Ayokong matawag akong nagpapaasa sa mga lalake.

“May mga nagsasabi na nga na gano’n ako. Unfair naman kasi wala naman akong pinapaasa. Kapag sinabi ko namang hindi puwede, hindi talaga puwede.

“Gusto ko munang single ako. Trabaho na muna tayo. Matagal akong nabakante sa paggawa ng teleserye kaya lahat ng energy ko ay dito sa Hiram na Alaala ko muna ilalagay.”

ON ALJUR’S HASTY DECISION. Hindi rin mapigilan na malungkot si Kris para sa kanyang dating loveteam na si Aljur Abrenica.

Malaki nga ang panghihinayang ni Kris dahil maganda na nga ang tinatakbo ng career ni Aljur, pero bigla itong gumawa ng isang desisyon na tila hindi nito masyado pinag-isipan nang mabuti.

“Hindi ko na kasi nakakausap si Aljur. Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyayari sa kanya until nga pumutok yung balitang gusto na niyang umalis sa GMA.

“Sana lang, napag-isipan niya nang mabuti ang ginawa niyang iyon. Yung hindi siya basta nakinig sa mga taong nasa paligid niya.

“Yun kasi ang mali rin kay Aljur. Mabilis siyang maniwala sa mga sinasabi sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana lang sinubukan niyang kausapin kaming mga mas matagal na niyang kaibigan. Kung nalaman ko lang sana yung gagawin niya, nasabi ko sana sa kanya na pag-isipan niya ng ilang beses.

“Para naman sa akin, hindi naman siya pinabayaan ng GMA. Kung tutuusin nga, mas sunud-sunod pa ang mga trabaho niya kesa sa akin.

“Tulad noong ginagawa namin yung Prinsesa ng Buhay Ko, nagsabay pa iyon sa pagsimula niya ng taping ng Kambal Sirena.

“Pero I hope na nasa magandang posisyon si Aljur ngayon. Kung sa tingin niya ay may ipinaglalaban siya, then ipagpatuloy niya. I just wish na maging maayos ang lahat sa kanya,” dasal ni Kris para kay Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN