Rocco Nacino keeps mum on real reason behind Lovi Poe-Erik Matti issue

Rocco Nacino refuses to reveal the reason behind Lovi Poe-Erik Matti rift: “I can’t say, e. It has to come from her and her manager. That’s what I have to say lang, money is never an issue with Lovi.”


Isang sundalo ang papel na gagampanan ni Rocco Nacino sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Hiram na Alaala.

Sa press conference ng serye sa Studio 7 ng GMA noong September 11, biniro siyang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kumusta naman ang mga hiram na alaala niya.

“Magaganda naman, wala namang hinihiram ng alaala ngayon.

“Ang mga alaalang meron ako ngayon ay masasaya at enjoy naman,” natawang sagot niya.

Sabi pa niya, nakikita naman daw sa kanya na masaya siya ngayon.

TRAINING FOR ROLE. Bilang preparasyon para sa kanyang role bilang isang sundalo sa Hiram na Alaala, dumaan daw siya sa training.


“Nag-training kami sa PMA, yun na yung punta namin sa Baguio, yung mga ginagawa namin sa baril. It was physically demanding, challenging, pero masaya ako na pinaghandaan ko.

“Mahilig pa ako sa action,” sabi niya.

Noong bata raw siya, ang pangarap niya ay maging isang doktor. Graduate si Rocco ng Nursing at isa siyang licensed nurse.

Pero hindi raw niya pinangarap na maging sundalo.

“Ngayon, tinatanong nila ako kung gusto kong maging sundalo. Sundalong doctor siguro puwede. Puwede naman, posible naman yun, why not?” nakangiting sabi niya.

Pero sa mga karakter na ginagampanan niya, talagang gusto raw niya yung mga temang aksyon.

“Tuwing tinatanong ako, I always say, action. Action-drama,” diin niya.

CHALLENGE. Bukod sa physical challenge ng karakter niya, ano pa ang ibang hamon sa kanya ng bago niyang primetime series?

“Yung hamon ng character ko. From being young to being a PMA cadet, to graduating. Yung pagsabak sa giyera and transition of being lost and coming back, yun ang challenge,” aniya.

Ano yung naging motivation niya bilang unang beses na pagganap niya sa papel na sundalo?


“Madali lang, madali lang... I look at them, yung mga pinagdadaanan nila, mga nakikita ko, paghihirap nila para maging sundalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a good experience and very thankful ako I had the chance to experience that,” lahad pa niya.

Hindi na rin daw masasabing bago kay Rocco ang mga alam niyang nararanasan ng mga sundalo.

Sabi niya, “Medyo sanay na rin ako dahil nakapag-duty ako sa V. Luna [General Hospital]. Marami akong naging pasyente na sundalo.

“I feel for them. I have a soft spot in my heart for them. Yun nga, they give their arms and legs for the country.”

REUNION WITH KRIS. Makakasama niya ulit bilang leading lady si Kris Bernal. Ano ang bago ngayon sa muli nilang pagsasama?

“Yun nga, she’s taking on a more mature role. Nakita ko naman sa kanya from the last project na nagkasama kami and I’m happy to be working with her again.

“Yun nga, third project na namin together at gamay na namin ang isa’t isa,” pagpuri ni Rocco sa co-star.

Pangalawang pagsasama na rin daw nila ni Dennis Trillo.

HAIR ISSUES? Tinanong din namin si Rocco kung totoong nagkaroon ng konting isyu dahil kailangang pagupitan muli ng maigsi ang buhok niya para sa taping.

Paliwanag niya, “Hindi naman. Noong simula pa lang, sinabi na sa akin na kakalbuhin ako.

“To feel the role, to portray the role talaga, pumayag naman ako.

“Pero yun nga, may time na noong humahaba na ang buhok ko at kailangang balikan ang eksena, kailangang pagupitan ulit.

“I had questions lang, pero hindi naman isyu. Parang nasagot naman agad. I gladly did it naman. Nagpagupit naman ako at wala namang problema.”

FASHION SHOW. Malapit na ang “The Naked Truth,” ang Bench Underwear Fashion show.

Ano na ang mga ginagawa niyang paghahanda para rito?

Ayon kay Rocco, “Dieting, working out, and being excited. Kasi siyempre, kapag kinakabahan ka ’tapos malapit na, parang very negative ang dating sa ‘yo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May espesyal na kanin at pasta lang daw siyang kinakain ngayon.

“Actually, kaming dalawa ni Lovi [Poe] ang naka-discover no’n. Gumagawa kami ng recipe para ro’n.

“At saka, yun nga, nag-research din kami,” dagdag niya.

LOVI-ERIK ISSUE. Kailan lang nga ay nagkaroon ng isyu ang girlfriend niyang si Lovi dahil sa pinost sa Facebook ng director ng Kubot, The Aswang Chronicles na si Erik Matti.

Sa isang mahabang post, ipinakita ni Erik ang galit niya kay Lovi.

Nasaktan ba siya para sa girlfriend?

Sagot niya, “Of course, of course, girlfriend ko yun, ayoko ng ginagano’n.”

Paano niya nalaman na may ganoon na isyu?

“Siya ang may sabi sa akin. I was surprised, really surprised. Nagulat ako. Of course, I was upset.

“Ayokong magalit din. I was trying to understand things kung bakit ganun. I know the real reason din naman kung bakit.

“Bago kami nag-take action, I was just there, nakinig lang ako sa kanya. I cheered her up kasi nga, she felt down.”

Nalungkot talaga si Lovi?

“Nalungkot siya kasi, sabihan ba naman siya ng ganun. Siyempre ako, ayoko ng ginaganun siya,” ulit niya.

DEFENDING LOVI. Bilang boyfriend ni Lovi na napagsalitaan ng hindi maganda, anong take niya?

Pahayag ni Rocco, “Siyempre yun nga... but if I will face him, si Direk Erik, I will talk to him. Lalaki sa lalaki. Hindi naman dapat umabot sa galit.

“You just have talk it out. Siguro kung sino man yung mali, magsu-sorry rin. They’re gonna take action naman.

“Sa akin naman, wala ako sa posisyon para gumawa ng sariling action, but yes, I’m always here to defend Lovi dahil I know kung paano siya.

“Even her co-actors and co-actresses, alam kung ano talaga siya. She’s very professional and like what I’ve said, yung mga cameo na one day or two days na shoot, pinapatulan niya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Money is never an issue to her. She’s always for the quality of the craft.”

Ano nga ba ang totoong dahilan na hindi nagawa ni Lovi ang Kubot?

“I can’t say, e. It has to come from her and her manager. That’s what I have to say lang, money is never an issue with Lovi.”

Para sa kanya, “foul” ba ang ilan sa mga salitang nasulat ni Direk Erik patungkol kay Lovi?

“Yeah, of course, of course...”

Nabanggit din na hindi na nito idi-direk si Lovi sa kahit anong proyekto.

Kung sakali, siya ba, papayag naman na maging direktor pa rin si Erik?

“Siyempre, papayag akong makipag-usap muna sa kanya bago ako mag-trabaho. Siyempre, may isyu, kailangan maayos munang lahat.

“Kung may isa sa amin na may sama ng loob, hindi magwu-work ang project. Dapat makapag-usap muna kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN