Dennis Trillo overwhelmed by Star Cinema support for The Janitor: “Parang kinilig ako na hindi ko maintindihan.”

Dennis Trillo on when he first heard about Star Cinema’s help in releasing his indie film, The Janitor: “Hindi ko akalain na Star Cinema pa ang magre-release ng pelikula namin, ’di ba? Bakit, ’di ba? Anong meron? Bakit nila ginawa yun? So ako, ’Wow!’”


Dahil siya ang tinaguriang “Drama King” ng GMA, tinanong namin si Dennis Trillo: Kung siya ang papipiliin, sino ang gusto niyang maging “Drama Queen” sa mga female stars ng GMA?

Aniya, "Ah, maraming magagaling, e. Maraming magagaling.

“Siguro mahihirapan akong pumili lang ng isa,” pag-amin ni Dennis.

Name three.

“Naku, baka maraming magalit, e. Magagalit, baka mag-away, baka mag-away-away sila,” sabay tawa ng aktor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa press launch ng Hiram na Alaala, ang bagong drama series na pinagbibidahan niya, kasama si Kris Bernal at Rocco Nacino. Ginanap ang launch noong Huwebes, September 11 sa Studio 6 ng GMA Network Center.

MARIAN RIVERA. Kinumusta rin namin kay Dennis si Marian Rivera.

Dating magkasama sa iisang manager, kay Popoy Caritativo, sina Dennis at ang Primetime Queen.

Okay pa ba sila ni Marian?

“Matagal na kaming hindi nag-uusap mula nung umalis siya sa poder ng Luminary Management.

“Pero gusto kong isipin na oo, dahil wala namang masamang nangyari. Kung anuman yung naging desisyon nila e, para sa kani-kanilang mga careers naman yun,” saad niya.

Kaya wala ring problema kay Dennis kung sakaling makakasama niyang muli sila ni Marian sa isang project.

“Oo naman! Magaling naman siyang artista. Maganda yung Temptation of Wife, yung ginawa namin, and yung mga iba pang projects na pinagsamahan namin.

“Siyempre nakaka-miss din namang katrabaho yung Kapuso Queen, ang Primetime Queen,” sabi pa niya.

WEDDING INVITE. Kung iimbitahan siya sa kasal nina Marian at Dingdong Dantes sa December 30, pupunta ba siya?

“Wala pa yata [na imbitasyon].

“Oo, pag inimbita, bakit naman hindi a-attend, ’di ba?

“Oo naman,” ani Dennis.

Ano ang naging reaksyon ni Dennis nang malaman niyang ikakasal na ang dalawa?

“Medyo expected ko na rin naman yun. Matagal ko nang naririnig yung balita na yan. And finally kinonfirm na nila.

“Kaya hindi na ako nagulat nung lumabas yung balita,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDIE MOVIE. Ipapalabas ang indie movie ni Dennis na The Janitor sa October 8 at Star Cinema ang magre-release nito.

Magpu-promote ba siya sa ABS-CBN?

Sagot niya, “Palagay ko kailangan. Siguro kahit isang show man lang or sa Aquino & Abunda [Tonight].”

GRATEFUL TO ABS-CBN. Handa ba siyang tumuntong muli sa bakuran ng Dos?

Sa Kapamilya network nagsimula si Dennis bago naging Kapuso prime talent.

Pagsang-ayon niya, “Oo naman, oo naman. Medyo kakabahan ako sa umpisa na pumasok dun dahil ang tagal na, e.

“Pero ano, natutuwa talaga ako na sinuportahan ng Star Cinema [ang The Janitor] dahil sa lahat naman ng magre-release hindi ko akalain na Star Cinema pa ang magre-release ng pelikula namin. ’Di ba?

“Bakit, ’di ba? Anong meron? Bakit nila ginawa yun?

“So ako,’Wow!’

“Parang, kinilig ako na hindi ko maintindihan.

“Na, ‘Totoo ba itong nakikita kong picture, Star Cinema release? Wow!’”

Hindi kaya may interes ang ABS-CBN na kunin siyang muli?

“Hindi ko alam!” natatawa niyang sagot.

NETWORK TRANSFER. Magpapakuha ba siya ulit sa ABS?

Tanggi niya, “Hindi, may kontrata pa kasi ako sa GMA, e.

“Kakapirma ko lang e, itong year na ito.”

At ngayong siya na ang Drama King ng GMA, aalis ba siya?

“Iyon na nga! Mahal ko naman ang GMA at talagang grabe naman yung pag-aalaga nila sa akin kaya hindi ko muna iniisip na lumipat or ano.

“Pupunta lang ako dun sa ABS para mag-promote, para magbigay-pugay at sinuportahan nila yung pelikulang sobrang proud din kami,” pagklaro niya.

Sa Hiram na Alaala na ipapalabas sa September 22, gaganap si Dennis bilang si Ivan Legaspi, si Kris Bernal naman ay gaganap bilang si Andrea Dizon, si Lauren Young bilang si Bethany Sandoval, at si Rocco Nacino ay gaganap bilang si Joseph Corpuz.

Sa direksyon ni Dominic Zapata, mapapanood rin sa naturang GMA drama series sina Jackielou Blanco bilang Regina Legaspi, Shyr Valdez bilang Araceli Corpuz, Dexter Doria bilang Ola Dizon, Antonio Aquitania bilang Benedict Corpuz, Allan Paule bilang Xander Dizon, Julia Lee bilang Gelai, Kenneth Paul bilang Chris Corpuz, Rap Fernandez bilang Bruno, Nina Ricci Alagao bilang Martina Sandoval, at si Miss Lotlot de Leon bilang Annabelle Sta. Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN