Tom Rodriguez admits sending out "feelers" to Carla Abellana: “Parang pumoporma, iba yung nanliligaw.”

Tom Rodriguez clarifies that he’s not formally courting Carla Abellana just yet: “I don’t know what the proper term is, pero alam mo yung nagpaparamdam?”


“We’re good, we’re good! I mean our friendship is getting stronger, I think I am blessed to have someone like her as a… talagang our friendship is getting stronger, getting deeper.

“I think I’m blessed to have someone like that,” pahayag ni Tom Rodriguez nang kumustahin namin ang sitwasyon sa pagitan nila ni Carla Abellana.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom kahapon, September 13 sa shooting ng indie horror movie na Tiyanak kung saan bida si Judy Ann Santos.

Ginanap ang shooting kahapon sa San Mateo, Rizal.

Tinanong namin si Tom kung ano ang nararamdaman niya kapag may mga taong hindi naniniwala na wala pa nga silang relasyon ni Carla.

“Well, that’s up to them, e. Basta I don’t wanna rush things.

“Siyempre it’ll be nice, you know, if anything does happen. I would be lucky, I would be so lucky.

“Anyone would be lucky, to have that, I mean, whooo!” at tumawa si Tom.

“I would definitely be lucky kung ganun, pero at the same time, alam ko na ’pag minamadali, there could be pitfalls, e.

“Kasi it’s happened to me in the past na when you rush into things too quickly...

“Siguro time will tell. I don’t wanna jump into things lalo na ngayon with this kind of schedule,” at muli siyang natawa.

TAKING IT SLOW. Ang “taking things slow” ba ay desisyon nilang pareho ni Carla?

Ayon kay Tom, “I can’t speak for her e, kasi it never comes up naman."

Pero para sa kanya, "Parang siguro, it comes with age na rin, and experience, na parang, ‘Ay, ito yung naging problems ko in the past.’

“Siguro ngayon parang relax lang, just calm down, ganun-ganun.

“Kung ano, what happens, happens.

“Parang we’ll see, parang tingnan mo, you’re optimistic but at the same time, you don’t wanna jump naman kaagad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkapareha sina Tom at Carla sa GMA drama series na My Destiny.

FAMILY FIRST. Factor din ba na pareho silang career-driven ni Carla, na trabaho muna bago personal life kaya hindi sila parehong nagmamadali?

Pagsang-ayon niya, “Siguro, yeah! Kasi we both have goals. I know she has her goals and she’s worked so hard. Kaya iyon yung ine-emulate ko rin, e.

“Kasi ako, I really wanna build a life for my family, although ang pamilya ko never akong inoobliga, never akong gina-ganun.

“I mean I’m the eldest sa family namin and I would like to, at least, mabigyan ng bahay ang parents ko, mapa-retire sila dito, malapit sa mga pamangkin ko.

“Yung alam mo yung talagang secure sila. Ayokong isipin na, ‘O, paano ’pag kailangan ng medicine sila Mommy? Paano kung ganito na si Daddy?’

“Gusto ko secure sila, safe sila, so iyon yung priority ko. If I have that out of the way, my next priority sana would be to save up for my future family naman.

“Pero I don’t wanna start doing that until my parents are secure, e.

“Those are my own personal goals. My family first, then I can start thinking about saving for my future.

“Iyon lang, simple lang yung goals ko in life, actually.”

GETTING TO KNOW CARLA BETTER. Kailan lang ay umamin si Tom na nanliligaw na nga siya kay Carla.

Gaano katagal na siyang nanliligaw kay Carla?

“Hindi nanliligaw, parang pumoporma, iba yung nanliligaw.

“Siguro I didn’t think how heavy that word is. Hindi ko na-ano.

“I don’t know what the proper term is pero alam mo yung nagpaparamdam?” paglinaw niya.

Gaano katagal na siyang “nagpaparamdam” kay Carla?

Kuwento niya, “Not that long din, e. Actually it happened sa My Destiny nga, na ano lang, siguro kasi everyday, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everyday na palaging magkasama, you really get to know a person...

“You really get to see them.

“Speaking outside of all these stuff, masasabi ko lang, I’m a fan... of her craft.

“And as a person, napakabait! I don’t know if people see that a lot but she’s genuinely a nice person. And beautiful—beautiful inside and out.

“Grabe the things she does for her friends..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN