Tom Rodriguez on Dennis Roldan getting life sentence for kidnapping: “Akala ko biro, akala ko baka mali, baka ibang tao.”

Tom Rodriguez says he was shocked when he heard that his My Destiny co-star Dennis Roldan was sentenced to life imprisonment for a 2005 kidnapping case. “The only thing I can make a comment on is [based] on what I saw of him as a person, working with him... I would never have known or thought of all those things kasi napakabait niya, so gracious, magalang, and so warm and compassionate na, nagulat ako, e!”


Sa pagpapatuloy ng exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Tom Rodriguez kahapon, September 13, sa San Mateo, Rizal sa shooting ng indie horror movie na Tiyanak (kung saan bida si Judy Ann Santos), napadako ang usapan namin tungkol sa aktor na si Dennis Roldan.

Sa My Destiny ay gumaganap na ama ni Tom (bilang si Lucas/Matthew Andrada) si Dennis.

At tulad nga ng alam natin, kailan lamang, nitong Agosto ng kasalukuyang taon ay nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo si Dennis dahil sa kasong kidnapping na nangyari noong 2005.

SHOCKED. Kaya bilang gumaganap na ama niya sa My Destiny, hiningan namin si Tom ng reaksyon tungkol sa nangyari kay Mr. Roldan.

Ayon kay Tom, “I was so shocked kasi I only met him during the show [My Destiny].

“First time ko ma-meet siya and I’ve never known anything about his past so I can’t make any judgments or make any statements regarding that kasi wala akong alam, wala akong idea.

“The only thing I can make a comment on is [based] on what I saw of him as a person, working with him.

“And you know this is just based on experience lang, kung ano lang yung nakita ko.

“I would never have known or thought of all those things kasi napakabait niya, so gracious, magalang, and so warm and compassionate na, nagulat ako, e!

“He would give me a hug when he sees me. We hug when we say goodbye, pag pack-up na siya [sa taping].

“And actually, we took a lot of great scenes na magkasama kami the night before that thing happened.

“I remember nung pack-up na siya. I hugged him goodbye, as in he gives the tightest hugs, and he left.

“The next day, diretso na ako sa dry run ng game show, dun ko nakita yung news.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang tinutukoy ay ang bagong game show ng GMA na Don’t Lose The Money kung saan si Tom ang host.

“Akala ko hoax, akala ko biro, akala ko baka mali, baka ibang tao.

“And I was really shocked, I didn’t know what to think of it.”

PLANS TO VISIT. Wala na raw communication sina Tom at Dennis.

“So far, wala, kasi sunud-sunod yung trabaho, e. Pero I have been planning on visiting [him], kami ni Direk Al Tantay [na nasa My Destiny rin].

“We want at least to visit,” lahad niya.

Sa kuwento ng My Destiny, dahil nga sa pagkakaaresto kay Dennis ay pinalabas na namatay ang karakter nito sa serye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN