Shyr Valdez recounts fond memories of Mark Gil: “A very good actor and a wonderful person.”

Shyr Valdez recalls working with Mark Gil: “Kasi when we were doing the movie [Search And Destroy: The Gracia Burnham Story], he was very helpful sa akin. Kasi iyon pa lang yung panahon na bumabalik ako sa showbiz, ’di ba? So, kailangan ko ng mga guidance and all that, and he was very generous in giving that to me. So, nakakalungkot because gone too soon siya talaga.”


Naapektuhan ang character actress na si Shyr Valdez sa pagkamatay ng aktor na si Mark Gil.

Nagkasama kasi sila sa indie movie na Search And Destroy: The Gracia Burnham Story noong 2007.

Dito gumanap si Shyr bilang American missionary na si Gracia Burnham at si Mark naman ang gumanap bilang asawa nitong si Martin Burnham, na kapwa kinidnap ng grupong Abu Sayyaf sa Dos Palmas Resort sa Palawan noong May 2001.

Sa panayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) kay Shyr sa press launch ng GMA drama series na Hiram na Alaala, ibinahagi ni Shyr ang kanyang pagkalungkot sa pagpanaw ni Mark.

Kuwento niya, “Nagulat ako talaga!

Actually, meron akong napanood na interview kay Gabby [Eigenmann, anak ni Mark], sabi niya, okay naman ang daddy niya.

"So, I said, ‘Okay.’ I wasn’t alarmed at all.

“Then a friend of mine sent me a message, patay na nga raw si Kuya Mark.

“Sabi ko, ‘Ha? Anong nangyari?’

“’Tapos iyon na.

“And then, nung nag-sink in na siya sa akin talaga, dun na ako medyo... naiyak ako.

“Kasi when we were doing the movie [Search And Destroy], he was very helpful sa akin.

“Kasi iyon pa lang yung panahon na bumabalik ako sa showbiz, ’di ba?

"So, kailangan ko ng mga guidance and all that, and he was very generous in giving that to me.

“So, nakakalungkot because gone too soon siya talaga.

"Very young, a very good actor and a wonderful person.”

BONDING WITH MARK. Apat na araw daw na dire-diretso silang nag-shooting ng indie film sa Subic kaya nakapag-bonding sila ni Mark.

Patuloy pa niyang kuwento, “’Tapos, kaming dalawa, nakasalampak lang kami sa lupa, sa putikan.

“Nandun lang kami, wala kaming ginagawa, nagkukuwentuhan kami, nag-uusap kami, on how to attack the role and all that stuff.

“And I was really honored when that movie was offered sa akin kasi Mark Gil yun. Sino ba naman ako, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nakakalungkot na wala na siya and he’s a wonderful actor, sa totoo lang.”

Hindi raw nakapunta si Shyr sa burol ni Mark.

“Kasi taping namin ng Hiram Na Alaala noong wake.

"Actually, noong nalaman ko nga, sabi ko, ’Saan yung wake?’ and at that time kasi, it was the [Eigenmann] family first.

“So, nung mag-call sila ng wake for everyone to go, hindi ako available, kasi nasa ospital kami nagte-taping.

“Natapos kami mag-uumaga na talaga, e.

“But I offered prayers for him, definitely,” sabi niya.

ROLE IN NEW SERIES. Sa Hiram na Alaala ay gumaganap si Shyr bilang si Araceli Corpuz.

Detalye niyang kuwento, “Araceli is the aunt of Otep or Joseph Corpuz [played by] Rocco Nacino.

“Ako na ang nagpalaki sa kanila because magkapatid yun, si Kenneth Paul who is playing Chris Corpuz at saka si Rocco.

“Namatay nang maaga ang magulang nila, so ako ang nag-alaga, ako ang nagpalaki.

"I’m a very loving aunt to the two, in particular, Otep.

“Unfortunately, si Araceli, may pangarap maging mayaman, may pangarap siya na magkaroon siya ng maraming pera.

“And through Joseph Corpuz, since nasa military siya, alam niya kung paano magkakaroon ng magandang future.

"Kumbaga, maibabalik sa kanya yung paghihirap na ibinuhos niya doon sa dalawang bata.

“Unfortunately, nagkaroon ng girlfriend at gusto nang mag-asawa si Otep, kaya si Araceli, malaki ang galit kay Andrea, played by Kris Bernal.”

Madalas na kaeskena ni Shyr sina Kris, Rocco, at Dennis Trillo na gumaganap naman bilang si Ivan Legaspi.

“Silang tatlo mainly, kasi magkakapalit si Rocco at saka si Dennis.”

IN PRAISE OF DENNIS. Napakahuhusay raw ng mga artistang kasama niya, ayon kay Shyr.

“Si Dennis, as an actor he is—as I would describe it, ha—he is a gem in the rough. Alam mo yun?

“Because Dennis, he is very sensitive. He is very passionate with what he’s doing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And sa lahat ng atake na ginagawa niya, kahit na nagre-rehearse lang kami, nakikita mo yung intensity ng acting niya.

“Pagpa-pan ang kamera sa kanya, akala mo maglalaro lang sa isang area ang mata ni Dennis? Hindi! Iikot ’yan.

“Yung flow ng dialogue, ninanamnam niya yun, hindi lang yung dialogue niya, hindi lang yung mga dapat niyang sabihin, kundi yung naririnig niya, ninanamnam niya yun.

“So, makikita mo yung function ng acting niya, ang layo ng itinakbo.

“Kaya sobrang nakakahiyang hindi mo galingang umarte, sobrang nakakahiyang rehearsal pa lang hindi ka na aarte. Alam mo yun?

“And Dennis is, he’s an actor that will last for many generations, sa totoo lang,” pagmamalaki ni Shyr.

HAPPY FOR MARIAN. Ang manager ni Shyr ay si Rams David, na siya ring nagpapatakbo ng career ni Marian Rivera.

Kaya maituturing na “magkapatid” sina Shyr at Marian sa management.

Saad ni Shyr, “Yes! Kaya nga it was really nice when we did Carmela [Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw Ng Mundo] together.”

Masaya si Shyr para sa nalalapit na kasal nina Marian at Dingdong Dantes sa December 30.

“Of course, I’m happy for her!

"Si Yanyan, she’s already made.

"Alam mo yung sa tingin ko, iyon na lang yung kulang sa kanya, to be a wife and a mother. To be a family woman.

“Alam mo, sabi ko, ‘Itong si Yanyan, ’pag nag-asawa’t nagkaanak, napakasuwerte ng mga bata.’

"Kasi she’s a very loving daughter, she’s a very loving granddaughter to her lola, and yung mga bata sa set, ay maryosep, tuwing magte-taping kami [ng Carmela], lagi siyang may pasalubong. Playful siya with the kids.

“Kaya sabi ko, ‘This girl is going to be a wonderful mom!’

“I’m just really happy for her, really I’m happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN