Kylie Padilla on blooming romance with Rayver Cruz: "Tingnan ko muna kung worth it yung guy."

Kylie Padilla on possibility of having a relationship with Rayver Cruz: “Ayokong madaliin kung meron man. Cute naman siya. Mabait, e. He gives me laughter.”


Ang co-star nila sa pelikulang Dilim na si Joross Gamboa ang nagsabi sa entertainment writers na magkakatuluyan sina Kylie Padilla at Rayver Cruz.

“Maniwala kayo sa akin!” ang confident na sabi ni Joross sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling miyembro ng media sa pictorial ng cast ng Dilim, ang upcoming movie ng Regal Entertainment Inc.

Ginanap ang pictorial ngayong gabi, September 14, sa Valencia residence ng Regal matriarch na si Lily Monteverde, sa San Juan City.

Pero kahit hindi sabihin ni Joross ang kanyang obserbasyon tungkol kina Kylie at Rayver, kumbinsido ang entertainment press na magkakaroon ng relasyon ang dalawa bago matapos ang shooting ng Dilim dahil sa kanilang mga kilos at malalagkit na tinginan sa isa’t isa.

Hindi itinatago ni Kylie ang paghanga niya kay Rayver, pero hindi pa raw siya handang makipagrelasyon pagkatapos ng nangyari sa kanila ng ex-boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

Sabi ng Kapuso actress, “Tingnan ko muna kung worth it yung guy.

“Nagkamali na ako dati, kasi first boyfriend nga, so ang dami kong mali.

“Hindi ako naniniwala sa ligaw kasi parang ang feeling ko, hindi ‘yon yung guy. Yun lang yung best foot forward niya.

“Sabi ko sa kanya [Rayver], just be yourself. Ayokong madaliin kung meron man.

“Cute naman siya. Mabait, e. He gives me laughter.”

Nakikinig si Rayver sa mga sinasabi ni Kylie kaya hindi niya napigilan na magtanong ng: “Paano kung balikan ka niya?”

Mabilis namang sagot ni Kylie: “Nandiyan ka na.”

Tiniyak ni Kylie na kahit natapos na ang shooting ng Dilim, magkikita at lalabas sila ni Rayver dahil ayaw nilang maging “shooting friends” lamang sila.



NO REASON TO ERASE. Hindi na emotional si Kylie kapag tinatanong ito tungkol kay Aljur.

In fact, hindi niya binubura ang mga video nila ng dating boyfriend na napapanood sa YouTube.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Bakit ko buburahin? Huwag naman, daming likes.

“Sayang naman ang good memories… [pero] hanggang don na lang ‘yon.

“I can’t say na fully recovered na ako, kasi kung fully recovered ka, handa ka na sa lahat.

“Hindi pa… may mga wall pa.”

Patuloy ni Kylie, “Actually, there was a time, nung pagkagaling ko sa Australia, sobrang ano ako kay God… ganoon pa rin naman, pero si God talaga noon.

“’Tapos in time, dumating na yung mga blessing, nakikita ko na uli yung worth ko.”

Inamin ni Kylie na nawalan siya ng self-esteem nang hiwalayan siya ni Aljur at hindi maintindihan ang ginawa sa kanya ng ex-boyfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN