Ai-Ai delas Alas refuses to reveal identity of new boyfriend

Isa sa mga lalaking kasama ni Ai-Ai delas Alas sa larawang ito ang sinasabing boyfriend niya ngayon. Kuha ang larawang ito sa isinagawang pamisa ni Ai-Ai para sa kaarawan ni Blessed Virgin Mary noong September 8. Ayaw direktang sabihin ng Comedy Queen kung sino sa mga kasama niya ang boyfriend niya, pero inamin niyang medyo malayo ang agwat ng kanilang edad.


May ilang reporters ang naglabas ng litrato ni Ai-Ai delas Alas sa kanilang Instagram account, kung saan kasama ng Box-Office at Comedy Concert Queen ang ilang miyembro ng badminton team ng De La Salle University (DLSU).

Isa sa mga kasama ni Ai-Ai sa naturang larawan ang kasalukuyang karelasyon niya.

Nakiusap lang si Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na huwag nang banggitin ang pangalan ng boyfriend niya at huwag nang sabihin kung sino ito sa litrato.

Ayaw rin niyang sabihin sa amin kung ilang taon na ang boyfriend niya dahil sa malaking agwat ng kanilang edad.

Inamin lang niyang halos kaedad ito ng isa sa mga anak niya.

Pero ayon kay Ai-Ai, ito na ang pinakahuli niyang karelasyon.

Madalas nang nakakasama ni Ai-Ai ang non-showbiz boyfriend niya at dinadala niya minsan sa ilang showbiz events, pero hindi niya ipinapakilala sa media.

“Huwag na natin siyang pag-usapan,” sabi ni Ai-Ai nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamisa niya sa kaarawan ni Mama Mary, na ginanap sa clubhouse ng Ayala Heights, noong Lunes, September 8.

Nasa pamisa rin ang boyfriend ni Ai-Ai, pero hindi sila nagpapahalata sa harap ng mga tao.

Sabi ni Ai-Ai, mas gusto na kasi niyang tahimik na lang at huwag nang i-showbiz ang kanyang lovelife.

Dagdag pa niya, “Nadala na ako sa maingay, e. Saka huwag na, nauudlot kasi, e. Hayaan na nating tahimik ang kapaligiran.”

Ang lovelife daw niya ang isa sa ipinagdarasal ni Ai-Ai nang mabuti, na makabawi siya agad pagkatapos ng dalawa niyang failed marriage.

“Na-feel ko na natapos na ang lahat na sakit... natapos na. Parang kapayapaan na lang ang hatid,” sabi niya.

Wala pa raw sa isip nila ang magpakasal, at hindi nga raw nila ito pinag-uusapan.

Mas gusto raw niyang ganun na lang muna at huwag na munang umasa sa kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May plano na ba silang pakasal?

“Okay na yun… pero siyempre depende rin sa plano ni God. Pero as of now, no,” sagot ni Ai-Ai.

Patuloy raw siyang nagdarasal at nagpapasalamat dahil tingin ni Ai-Ai ay nalagpasan na niya ang lahat na masasakit na pinagdaanan niya sa kanyang mga nakaraang relasyon.

“Na-feel ko na natapos na ang lahat na sakit... natapos na. Parang kapayapaan na lang ang hatid,” sabi nito.

Naramdaman na raw ni Ai-Ai ang kasiyahan sa kanyang buhay kasama ang bago niyang karelasyon.

“Hindi lang happy, contented.

“Sarado na ang tindahan. Yung feeling na this is it,” nakangiti niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN