Kristel Moreno hurt by below-the-belt comments about her Star Magic Ball gown

Kristel Moreno on negative comments about her gown at the Star Magic Ball: "Naiyak talaga ako kasi, parang yung ibang comments, sobra naman. Hindi na yung hitsura ko ang nilalait, pagkatao ko na. Yung sabi nila na ‘may bilbil, mataba,’ opinyon nila yun, wala na akong magagawa. Ang sa akin lang, medyo foul na ang iba, personal na masyado."


Isa si Kristel Moreno sa pinag-usapan nang husto sa 8th Star Magic Ball, na ginanap noong September 6, sa Shangri-La Makati.

Ito ay dahil sa suot niyang gown na halos aninag na ang buo niyang katawan.

Yun nga lang, maraming natanggap na pamumuna at pamba-bash si Kristel mula sa netizens dahil hindi raw niya nadala nang tama ang suot na gown.

Sa panayam sa kanya ng The Buzz na ipinalabas kahapon, September 14, inamin ni Kristel na nasaktan siya sa mga nabasa niyang comments sa social media.

“Naiyak talaga ako kasi, parang yung ibang comments, sobra naman.

“Hindi na yung hitsura ko ang nilalait, pagkatao ko na.

“Yung sabi nila na ‘may bilbil, mataba,’ opinyon nila yun, wala na akong magagawa.

“Ang sa akin lang, medyo foul na ang iba, personal na masyado.

“Ang masasabi ko lang, sorry kung hindi niyo nagustuhan ang hitsura ko.

“Wala kaming intensiyon… hindi naman intensiyon ng designer ko, si Rocky, na kung anuman ang magiging opinyon ng ibang tao.

“Still, sorry kung may nalaswaan doon sa damit.”

Si Rocky Gathercole ang designer ng gown na isinuot ni Kristel sa Star Magic Ball.

Si Rocky daw ay designer ng maraming sikat na Hollywood stars, at may balita pang ang katulad daw ng disenyo ng gown na isinuot ni Kristel sa Star Magic Ball ay isusuot ni Jennifer Lopez sa susunod nitong concert.

Sa kabila ng napakaraming batikos na natanggap ni Kristel dahil sa kanyang gown, nagpapasalamat pa rin daw siya dahil kahit paano ay napansin siya.

“Thank you na rin po. Kahit papaano, hindi ba?

“’Di ko naman intensiyon na gawin yun, pero still, thank you.

“Thank you at napansin niyo ako kesa hindi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN