Jeron Teng on Jane Oineza: "Super special siya and super proud ako sa lahat ng na-achieve niya."

When Jane Oineza was asked why she chose Green Archers’ Jeron Teng to be her escort on her 18th birthday celebration, the Kapamilya actress answered, “Kasi wala na rin akong maisip na ibang escort, kung hindi siya.”


Tuloy ang pagdiriwang ng debut ng Star Magic talent na si Jane Oineza sa kabila ng pagbuhos ng malakas na ulan kagabi, September 14, Linggo, sa Fernwood Gardens, sa Quezon City.

“Sobrang happy ako kasi akala ko tapos na inside the PBB house.

"Then nagulat ako kasi dito sa labas, magse-celebrate pa pala ako once more.

“And it feels great na nakapunta lahat ng important people in my life,” pahayag ni Jane sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press na dumalo sa kanyang birthday celebration.

Ang actual 18th birthday ni Jane ay noon pang July 22, ngunit nasa loob siya ng Bahay Ni Kuya, bilang isa sa housemates ng Pinoy Big Brother All In.

Si Jane ang itinanghal na 3rd Big Placer sa naturang reality show ng ABS-CBN.



WHY JERON AS ESCORT? Sa nasabing panayam, katabi ni Jane ang kanyang escort noong gabing iyon, ang De La Salle Green Archers basketball player na si Jeron Teng, na napapabalitang nanliligaw sa young actress.

Inusisa si Jeron kung ano ang nararamdaman niya na siya ang napiling escort ni Jane.

Sagot niya, “Siyempre, super happy ako.

“Nung sinabi nga niya sa akin, hindi ako naniniwala.

"Sabi ko, ‘Hindi joke ‘yan, ha?’ Akala ko niloloko ako, e.

“Siguro, for me, it’s an honor rin to be her escort sa special day niya, to remind how blessed she is.

"So, I’m happy for her."

Sundot na tanong kay Jane: Bakit si Jeron ang napili niyang maging escort?

“Kasi wala na rin akong maisip na ibang escort, kung hindi siya,” sagot ng dalaga.

Hirit naman ni Jeron: “So, last option ako?”

Tugon ni Jane sa kanyang escort: “Ibig sabihin, ikaw lang yung option. Ikaw lang. Special day ito for me, so gusto ko…”

Diretsahan namang tinanong ng press ang basketball player kung nililigawan nga ba niya si Jane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paiwas niyang sagot, “Sa amin na lang siguro ’yon.”

Pero kung maging sila man, hindi ba nila ito ididenay?

Tugon ni Jeron, “I won’t deny. Open na open naman ’ata ako.”

Gaano ka-special sa kanya si Jane?

“Super special siya and super proud ako sa lahat ng na-achieve niya.

"I’m just happy for her. I’ll be here for her."

Matipid naman ang naging sagot ni Jane nang kunan siya ng reaksiyon sa sinabi ni Jeron.

“Happy, happy…”

Inusisa rin si Jane sa pamba-bash sa kanya nang nanood siya sa laban ng koponan nina Jeron, ang Green Archers, laban sa University of the East Red Warriors noong Miyerkules, September 10.

Natalo ang La Salle kontra sa UE sa larong iyon/

Dahil dito, sinabi ng ilan na si Jane ang dahilan ng pagkatalo ng koponan nina Jeron.

Pahayag ni Jane tungkol dito, “Pumunta naman ako para sa kanya, hindi para sa kanila.

“So, basta ako, kung magaling siya maglaro, okay na. Proud ako sa kanya.”

Ano naman ang birthday wish ni Jane ngayong 18 na siya?

Sagot niya, “Siguro more blessings to come.

"Yung mg kasama ko ngayon, yung special na tao, lahat ng nandito, sana makasama ko pa in many, many more years."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN