FIRST READ ON PEP. La Salle badminton player Gerald Sibayan confirms relationship with Ai-Ai delas Alas

Halos 30 taon ang agwat ng edad ni Ai-Ai delas Alas at ng kanyang napapabalitang boyfriend na si Gerald Sibayan, na badminton player ng De La Salle University.


Umamin na si Gerald Sibayan na girlfriend nga niya ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Si Gerald ang dating star player ng badminton team ng De La Salle University (DLSU). Huli siyang naglaro para sa kanilang koponan nito lamang Agosto.

Twenty years old pa lamang si Gerald at nag-aaral ng kursong Sports Management sa DLSU.

Dalawang taon pa ang bubunuin ni Gerald sa kursong ito at pagkatapos nito ay plano niyang mag-aral upang maging piloto.

Si Ai-Ai ang tumatayong manager ng badminton team ng La Salle, kung saan din nag-aaral ang panganay niyang anak na si Sancho.

Sa Facebook chat, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald kung matagal na bang naging sila ni Ai-Ai.

Matipid na sagot ni Gerald: “Opo. God bless you.”

Sa artikulong nailathala dito sa PEP kahapon, atubiling pangalanan ni Ai-Ai ang kanyang bagong nobyo o kilalanin ito mula sa larawang lumabas.

Ayaw rin daw niyang masyadong maging publiko ang relasyon nila dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad.

Magdiriwang si Ai-Ai ng kanyang ika-50 karaawan sa November 11.

Read: Ai-Ai delas Alas refuses to reveal identity of new boyfriend

Sa panayam ng PEP kay Ai-Ai noong Hulyo, nagpahiwatig ang komedyana na mayroon na siyang dini-date muli pagkatapos ng masalimuot na pagwawakas ng kanyang kasal kay Jed Salang.

Sabi pa niya tungkol sa bago niyang manliligaw: “Napakabait, napaka-maalalahanin, napaka-gentleman.”

Kuwento pa ni Ai-Ai, mas bata ito, guwapo, at tinitiyak niyang hindi raw ito manloloko.

Read: Ai-Ai delas Alas hints at new romance: "Happy ako, getting to know..."

Sinubukan ng PEP na kunan ng reaksiyon si Ai-Ai tungkol sa pagkumpirma ni Gerald sa kanilang relasyon at pagpu-post nito ng kanilang larawan sa Facebook.

Ngunit piniling manahimik muna ng Kapamilya star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN