Senator Chiz Escudero and Heart Evangelista really want February 15, 2015 as their wedding date

Senator Chiz Escudero on February 15, 2015 wedding with actress Heart Evangelista: “Mas convenient. Pangalawa, mas makahulugan dahil 2-15-15 yun at magti-thirty years old na rin si Heart on the 14th [of February]. So, kapag in-add mo, sabi nga ng anak ko, 15 plus 15, 30 daw ang total nun.”


Nilinaw ni Senator Francis “Chiz” Escudero na talagang February 15, 2015 ang gusto nilang petsa ng fiancée niyang si Heart Evangelista para sa kanilang kasal

Sabi ni Senator Chiz sa The Buzz, “Mas convenient.

“Pangalawa, mas makahulugan dahil 2-15-15 yun at magti-thirty years old na rin si Heart on the 14th [of February].

“So, kapag in-add mo, sabi nga ng anak ko, 15 plus 15, 30 daw ang total nun.”

Hangad din ni Senator Chiz na sana ay matapos na ang isyu ng diumano’y pagkaka-bump off ng kasal ng TV personality na si Chesca Litton at ng fiancé nitong si Tyke Kalaw sa Balesin Island Club.

Pahayag ng senador, “It’s just between them and the management. I hope they can solve it.

“Masayang okasyon ang kasal. Hindi yun dapat pinagmumulan ng lungkot, galit o anumang away o kontrobersiya.”

Ayon sa ilang reports, ginamitan daw kasi ng “power” kung kaya’t na-bump off ang kasal nina Cesca at Tyle. Isang senador daw kasi ang mapapangasawa ni Heart.

Reaksiyon dito ni Senator Chiz, “Hindi ako yun at hindi namin ginagamit yun.

“Kaya takang-taka kami doon sa point na yun at the same time.”



HEART’S PARENTS. Sa isang panayam ni Heart, sinabi nitong kung may iniisip man siya at pinagtuunan ng pansin, ito ay ang asam niyang makarating ang kanyang mga magulang sa kasal niya.

Sinabi rin ni Heart na wala pang pamamanhikan na nagaganap, pero lahat daw sila ay umaasang mangyayari ito.

Kumusta na ang relasyon ni Senator Chiz sa mga magulang ni Heart na sina Rod at Cecile Ongpauco?

Tugon niya, “Papunta sa tamang direksiyon.

“Hayaan na lang nating panahon ang tamang makapagsabi.

“Pero at least, sa parte ni Heart at mga magulang niya, maganda na ang relasyon nila.

“Pagdating sa parte sa akin, darating din siguro yun. Hindi lang minamadali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi rin siguro dapat inuunsiyami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN