Ruffa Gutierrez and Shaina Magdayao bury the hatchet

“I think, in God’s perfect time, hindi mo na kailangang pilitin ang isang bagay, nangyayari na lang naturally. It was the right thing to do because the guy is already part of our past,” says Ruffa Gutierrez about her reconciliation with Shaina Magdayao.


Masayang ibinahagi ni Ruffa Gutierrez ang ’di inaasahang pag-aayos nila ni Shaina Magdayao.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa nang kapwa sila ma-link sila sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Ayon kay Ruffa, nagkita sila ni Shaina sa isang gym kamakailan at dito raw nila tinuldukan ang isyu sa kanilang dalawa.

"I can say na si Shaina, she made the first move.

“She said, ‘Hello’ and ako naman, ‘Hello!’

“Ganun lang kasimple.

"Sabi niya, ‘Tapos na ‘yon, ha?’

"We just talked and I said, ’Tapos na.’”

Saad pa niya, “For me, time heals all wounds.

“Hindi naman indirectly nag-away kami dahil sa lalaki, pero ganun na nga ang nangyari.

“Girls only fight about that, and because of outfits and inggitan.

“Para sa amin, tapos na yung isyung ‘yon.

"We’re all happy where we are right now, that’s a past issue."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Ruffa sa press conference ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez kaninang tanghali, September 15.



“MAGAAN SA LOOB.” Gumaan daw ang loob ni Ruffa sa nangyaring pag-aayos nila ni Shaina dalawang linggo na ang nakalilipas.

Sa katunayan, nag-post pa noon si Ruffa sa kanyang Instagram account (iloveruffag) ng larawan nilang dalawa ni Shaina, kasama ang kani-kanilang coach sa House of Pain gym.

Sabi pa niya sa caption: “Back at the #HouseOfPain with @cjaplyo2 & guess who I bump into? After all these years dito pa kami nagkita. ☺️ and just like that, all’s well that ends well. Peace, Shaina! ✌️😇 #happyday”

Sa panayam kanina, sinabi ni Ruffa na mainam na ang nangyari.

“Kaysa naman yung naglalakad ka, naninigas yung leeg mo, hindi kayo nagpapansinan, medyo may awkwardness."

Dagdag pa niya, “I think, in God’s perfect time, hindi mo na kailangang pilitin ang isang bagay, nangyayari na lang naturally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was the right thing to do because the guy is already part of our past.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN