Lea Salonga to watch Miss Saigon in London: "I’m going to cry when I see Rachelle Ann Go, Jonjon Briones..."

Lea Salonga on getting the Pilita Corrales Lifetime Achievement Award from Star Awards for Music: "Am I not too young to receive a Lifetime Achievement Award? Am I not supposed to have one foot in the grave first before that happens?"


Malaki ang pasasalamat ni Lea Salonga sa kakatapos na PMPC Star Awards for Music 2014 para sa dalawang awards na natamo niya mula mula sa Philippine Movie Press Club.

Binigyan si Lea ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award at nakuha rin niya ang Female Concert Artist of the Year award para sa concert niyang Playlist.

Nakangiting saad ng international award-winning star sa mga karangalang natamo, “Ang sarap makauwi ng award, ano?

"I was very touched that the PMPC chose me to get the Pilita Corrales Lifetime Achievement Award for the Star Awards.

"It’s something really, really sweet that the lifetime of my career has been recognized.

“Ang feeling ko lang, and I said it on stage also, am I not too young to receive a Lifetime Achievement Award?

"Am I not supposed to have one foot in the grave first before that happens?

“But it’s nice… it’s also inspiring."

Kitang-kita naman ang pagkagulat ni Lea nang tawagin ang pangalan niya para sa Concert Performer Award.

Wala raw siyang inihandang acceptance speech dahil hindi niya inaasahang makakamit ang tropeyo.

Patuloy na pahayag ni Lea sa kanyang naging reaksiyon, “Nagulat talaga ako kasi the list of awardees…

"Okay, medyo crazy yata ito, there’s Sarah [Geronimo], and then all of these concert-performers na babae, ano ito?

“And everybody put out excellent work this year. So, I really didn’t know which way it was going to go.

“The concert category was really exciting... very, very exciting.

"Like you scream even if you don’t win because the concerts were all so good.

"I mean, Arise [Gary V.] was… I didn’t see it yet, but it was like paulit nang paulit. That’s how good it was.

“I guested pa in Sarah’s concert and it was like, ’Oh, my gosh, the concert category was too amazing!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lea pagkatapos ng program-show ng Star Awards for Music 2014, na ginanap noong Linggo ng gabi, Septermber 14, sa grand ballroom ng Solaire Resort Hotel and Casino.



BEAMING. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ni Lea na noo’y palabas na ng venue.

Tila napakaespesyal sa kanya ng napagwagihang karangalan gayong ilang tropeyo na ang napanalunan niya sa Tony, Olivier, Outer Critics Circle, at Theater World mula sa pagkakaganap niya sa lead character ng Miss Saigon simula West End hanggang Broadway.

Saad niya, “Iba, e, iba.

"Masarap makatanggap siyempre ng award dito, kasi it’s your peers.

"It’s members of the press at home that get to nominate and eventually award you.

“It’s different, e, ’pag nanggagaling talaga from home.”

Patungong London si Lea para sa concert tour ng Il Divo at marahil ay nakaalis na ito.

Detalye niya sa kanyang itinerary, “I have to head to London… the staff that I can get from the Philippines, nakuha ko.

"So, I kinda be there for a week.”



MISS SAIGON. May chance ba na makapanood siya ng Miss Saigon, ang West End musical na naglunsad sa kanya bilang isang award-winning theater actress?

Sagot ni Lea, “Oh, my God! Oh, yes! I have my tickets.

"And I’m watching a bunch of other West End shows.

"But for sure, the Cameron Mackintosh office has reserved tickets for me and so I’m so excited.

"I’m going to cry when I see Rachelle Ann Go, Jonjon Briones...

"Iiyak na talaga ako kasi magkasama kami sa original company sa London.

“So, it’s going to be a very, very exciting time.

"Plus talagang ginawa kong destino yung London para lang to see them."

Si Rachelle ang gumaganap bilang Gigi, habang si Jonjon naman ang gumaganap bilang The Engineer sa pagbabalik ng Miss Saigon sa West End.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin niya, mapi-pressure yung buong cast kapag nalaman nilang nandoon siya?

“Bigla silang kabahan? No!” sabay tawa ni Lea.

“Sana naman hindi ano. I wanna see a great show as I possibly can.

"Kasi kung kabahan sila at magkalat, yung show ang kawawa.

“Wala naman sigurong kakabahan o magkakalat.

"I’m sure hasang-hasa na sila kasi they opened in May and it’s now September.

“So, I’m going to get the show that every audience in the West End has already been enjoying.”


May comment ba siya sa unti-unting pagkilala sa London theater scene kay Rachelle?

Tugon ni Lea, “I know, she’s getting so much recognition.

"It’s wonderful for her to show how talented this girl is.

"Na ganun siya kagaling na mapapansin talaga ng mga audiences, ng press, ng lahat ng mga nanood sa kanya.

"Talagang mapapansin siya."

Tungkol naman sa pag-audition sa mga international show na pareho nilang naranasan ni Rachelle Ann, saad ni Lea, "Number one, you have nothing to lose. Number two, ang galing mo naman talaga."

TOUGHER THE VOICE. Pagdating naman sa nalalapit na pagsalang muli ni Lea sa panibagong season ng The Voice Philippines, ibinalita niyang tapos na sila ng blind audition taping.

Ito na raw ang pinakamahirap na blind audition na naengkuwentro niya.

Sabi nga niya, “I’m trying to get some sleep para maka-recover.

"Talagang it was the most exhausting blind audition process we had.

"Much more tiring than season one or even [The Voice] Kids.

“We have more people auditioning for us than we did in season one.

"We have more people auditioning for us than for Kids.

"And, I think, because it’s season two, yung mga pandinig namin, parang nagli-level up.

"Parang it has to be better than the previous season.

“We cannot accept very good, we have to accept exceptional, we have to accept great.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And yung mga exceptional … we find some of the most raw.

"Yung mga hindi nahahasa sa gig, minsan mga kumakanta lang sa videoke, sa mga tahanan nila.

"Sila yung mga lumalabas na magagaling.

“We have people na hasang-hasa na sa mga gig who don’t shine and who don’t... like float to the top.

“So, yeah, it’s a process that can be frustrating, it’s a process that can be very exhausting.

"Pero worth it yung fatigue kasi marami rin kaming nakuha na mala-halimaw yung kanilang galing.”



ONLY WITH AGA. Sa tribute production number para sa kanya na ginawa ng The Voice Kids at ni Pops Fernandez, ilang film clips mula sa kanyang dalawang pelikulang na kasama si Aga Muhlach ang ipinakita sa screen.

Hindi ba niya nami-miss ang paggawa ng pelikula?

Sagot ni Lea, “Nami-miss din.

"Ako, pumayat na ako, ewan ko lang sa partner ko?” na ang tinutukoy niya ay si Aga.

“Hanggang ngayon parang hindi pa yata lumiliit?” na ang gusto niyang sabihin ay ang katawan ni Aga.

Yun ba ang usapan nila na magpapayat muna si Aga?

“Oo, mukhang hindi yata mangyayari yun kaya hanggang The Voice lang ’ata ako?”

Kailangan ba si Aga talaga ang leading man?

“Ideally. It’s just comfort level kasi I look at somebody’s eyes.

"Ako kasi minsan, nagba-barrier ako and because with him, I’ve done two films.

“Film is not a medium that I’m comfortable in.

"Not like being on stage, not like being on TV, iba, e.

“On film, it’s different. I’m not in my comfort zone.

"I’m not in a very secure place and he [Aga] is, so ideally…

"Because I can look at him and I feel secure.

"I can look at him whatever kung ano ang tapon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And if there’s something wrong, he can tell me, ’It’s wrong, we have to do it again.’”

Wala na bang ibang option na leading man?

“Wala. No, not for me, I’m sorry. But he gotta do something first.”

Mawawala raw si Lea ng ilang buwan pero siguradong babalik siya sa una o ikalawang linggo ng November para sa battle round ng The Voice season two.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN