Dondon Monteverde reacts to PAMI statement on Erik Matti-Lovi Poe issue

Kubot producer Dondon Monteverde reacts to PAMI’s decision to support Lovi Poe and talent manager Leo Dominguez with regards to Erik Matti’s Facebook rant. Dondon says, “I hope that PAMI could have done their due diligence so that they could really make an objective judgement call as to whether they will stand behind or tolerate their member or be forthright with a strong sense of integrity to give a disciplinary sanction instead.&r


Dismayado ang movie producer na si Dondon Monteverde sa paghahayag ng suporta ng mga miyembro ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) sa manager ni Lovi Poe na si Leo Dominguez.

Ito ay kaugnay ng pagbatikos ng direktor na si Erik Matti sa pagtanggi ng kampo ni Lovi na gawin ng aktres ang sequel ng Tiktik: The Aswang Chronicles.

Si Lovi ang gumanap na pregnant girlfriend ng bidang si Dingdong Dantes sa first installment ng pelikula.

Sa sequel nitong Kubot: The Aswang Chronicles, entry sa 2014 Metro Manila Film Festival, bagamat hindi na siya ang gaganap na partner ni Dingdong ay kailangan pa rin ang karakter ni Lovi sa simula ng istorya.

Sa pamamagitan ng Facebook ay inihayag ni Direk Erik ang kanyang pagkadismaya at inis kay Lovi at sa manager niyang si Leo dahil sa ginawa sa kanila ng Kapuso actress.

Bukod sa pagiging direktor ng The Aswang Chronicles ay isa rin sa mga prodyuser ng pelikula si Erik.

Read: Director Erik Matti lambasts Lovi Poe for refusing to shoot Aswang Chronicles sequel

PAMI’S STATEMENT. Ilang araw pagkatapos maglabas ng kanyang sama ng loob si Direk Erik sa Facebook, kung saan gumamit siya ng matatalim na salita laban kay Lovi, ay nagpulong ang mga miyembro ng PAMI, kung saan kabilang si Leo.

Kasama sa pagpupulong na ito ang talent managers na sina Dolor Guevarra, Ethel Ramos, Norma Japitana, Girlie Rodis, Aster Amoyo, Malou Choa-Fagar, Popoy Caritativo, Carlo Orosa, Veana Fores, Manny Valera, June Torrejon Rufino, Shirley Kuan, Ricky Gallardo, Angge Lee, Arnold Vegafria, Chit Ramos, Bettina Aspillaga, Rowena Salido, at ang manager ni Lovi.

Pagkatapos ng meeting na ito ay naglabas ng maikling statement ang PAMI, kung saan kinondena nila ang naging pahayag ni Direk Erik at inihayag nila ang pagsuporta sa kanilang miyembro.

Narito ang maikling pahayag ng PAMI:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After careful deliberation, PAMI expressed its support to Dominguez and condemned the reckless, arrogant, and vulgar statements of Matti in his social media account.”

DONDON REACTS. Kahapon, September 15, ay nagsalita na rin ang co-producer at co-founder ni Direk Erik sa Reality Entertainment na si Dondon Monteverde tungkol sa isyung ito sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Si Dondon ay anak ng Regal matriarch na si Lily Monteverde at tumatayong manager ng ilang athletes, kabilang na si James Yap at ang magkapatid na Jeron at Jeric Teng.

Ikinagulat daw ni Dondon ang paglalabas ng statement ng PAMI bilang pagsuporta kay Leo nang hindi man lamang naririnig ang kanilang panig.

Saad niya, "I am not in the habit of posting my grievances on social media, but today I have to make an exception.

"Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) released in one of their statements in support of their member, Leo Dominguez, against the Facebook complaint of my director, talent and co-producer in Reality Entertainment, Mr. Erik Matti, regarding the non-compliance of the contractual obligations of Lovi Poe.

"I am surprised at how PAMI arrived at a consensus to support Leo Dominguez without even hearing our side of the story.

Sinegundahan ni Dondon ang sinabi ni Erik na pinirmahan nina Lovi at Leo ang kontrata para sa Tiktik: The Aswang Chronicles "including any sequel or prequel of the said franchise..."

Kalakip nito ay ang screen grab ng bahaging iyon na nasa kontrata:


THE CONFIRMATION & THE NEGOTIATION. Ayon pa kay Dondon, tatlong beses kinumpirma sa kanya ni Leo ang partisipasyon ni Lovi sa kanilang pelikula.

"First, with me through a conversation I had with Leo finalizing Lovi to reprise her role as Sonia, together with also getting the services of Isabelle Daza as the new leading lady of Kubot: The Aswang Chronicles 2 (who is also represented by Leo Dominguez).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The second time was when production already started getting schedules from Lovi Poe, which the handler of Leo Dominguez provided us for two shooting days, but with the condition that she will be called late in the set, and that she will be paid PHP 400,000.00 for her two-day appearance. A price we deem a bit too steep given that her previous contract, for at least fifteen days package fee is only PHP 200,000.00. With inflation and all, and the sudden change in rate card is really a way of saying no to the project.

"The third time was when we already asked help from GMA Films through Joey Abacan. Joey was able to negotiate a lower fee of PHP 90,000.00 per day, which we deemed a fair enough amount for her services, thereby we accepted their demand."

UNCOMFORTABLE WORKING WITH DINGDONG. Sa kabila nito, matapos mapagkasunduan ang presyo para sa dalawang araw na serbisyong ibibigay ni Lovi, napag-alaman umano ni Direk Erik na hindi pa rin matutuloy si Lovi.

Ang panibagong dahilan daw ng kampo ng aktres ay hindi ito kumportableng makatrabaho si Dingdong Dantes, na co-star ni Lovi ngayon sa GMA primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real.

Pahayag ni Dondon, “After all these negotiations and making preparations for Lovi’s shoot, Erik Matti received a phone call from Roselle Monteverde informing him that Lovi does not want to be part of the project because she is uncomfortable working with Dingdong Dantes, whose fiancée, Marian Rivera, allegedly gave Lovi a cold shoulder.

"The first thing I did upon hearing about it was to call Dingdong and ask if it’s true, which Dingdong denied, saying that he and Lovi are even working together at least three times a week on a taping for a teleserye called Ang Dalawang Mrs. Real.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And even if what my sister, Roselle, claimed was true, haven’t Leo and Lovi heard of the word professionalism?"

Dahil dito at ’di na pagsagot ng kampo ni Lovi sa kanilang mga tawag at text messages, sabi ni Dondon, “I totally understood what Erik felt when he posted that Facebook complaint about Lovi and Leo.”

Sa huli, nagpahayag ng pagsuporta si Dondon sa naunang pahayag ni Direk Erik.

“Something wrong was done to me and Erik as producer and director.

"I totally respect the opinion of my friend, Erik.

"What he said may be a bit harsh, but he has every right to his freedom of expression.

"To some, or to most even, it may be unpopular, but his honest, irreverent burst of anger straight from the heart, is something that I fully respect.

"I’d rather have a partner that’s direct and truthful, than one who is politically correct, a hypocrite and dishonest, just like some of our industry colleagues that we hope we could change little by little, in this lifetime."

Ed’s Note: Bukas ang PEP sa panig ng lahat ng sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN