Cedric Lee, Zimmer Raz expected to post bail today

Ikinatutuwa ni Atty. Howard Calleja ang desisyon ng Taguig Regional Trial Court na pagpiyansahin ang mga kliyente niyang sina Cedric Lee (kaliwa) at Zimmer Raz mula sa kanilang pagkakakulong dahil sa kasong serous illegal detention na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro.


Inaasikaso na ni Atty. Howard Calleja ang requirements para makalaya ngayong araw na ito, September 16, ang kanyang mga kliyenteng sina Cedric Lee at Simeon "Zimmer" Raz, ang mga akusado sa serious illegal detention case na isinampa ni Vhong Navarro sa Taguig Regional Trial Court.

Sa kanyang live interview sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN kanina, sinabi ni Atty. Calleja na medyo may kamahalan ang piyansa—P500,000 each—na pipilitin niyang makumpleto para makalaya na sina Cedric at Zimmer.

Saad niya, “Ngayon magpipiyansa. Papunta na po.

“We’re just trying to get the requirements at medyo mahal yung piyansa so we’re trying to get the requirements today.

“Hopefully, if we can get all the requirements during the day, within the day we can have them released.”

Nagpapasalamat si Atty. Calleja kay Judge Paz Esperanza Cortes ng Branch 271 dahil sa desisyon nitong payagan na mag-post ng bail sina Cedric at Zimmer para sa temporary liberty, kasunod ang pangako na kooperasyon sa korte para matapos na ang kaso.

Read: Taguig court grants bail petition of Cedric Lee, Deniece Cornejo, Zimmer Raz due to lack of "strong evidence"

“Sabi ko nga, kami po ay nagpapasalamat, pero mahaba po ang lakaran dito. Mahaba po ang proseso.

“Ngayon, kami po ay makiki-cooperate dito sa prosesong ito.

“I’d just like to state to my other good counsel Atty. Alma [Mallonga, Vhong’s legal counsel] na yung kanilang mga sinasabi, all of those have been presented in court.

“It is their duty to present also the burden of the prosecution to prove.

“However, we respect the decision of the court when it says that they ruled on that aspect.

“Sa amin, kahit anuman ang sabihin, it is not for us to say the merits to the public because this should not be tried in public, but ‘andoon naman sa korte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I think, both of us being lawyers, will respect the decision of the court and will follow the decision.

“Ang akin lang, the court has spoken with regards to bail and we are happy.

“We are thankful with the decision and this brings us one step closer, brings me and my client one step closer into getting the truth, in behalf of the client, and also getting the justice in behalf of the client.

“So, mahaba pa po ang proseso.

“Kami po ay magko-cooperate at tutulong at madalas pa kami magkikita ni Miss Alma Mallonga dun sa korte para matapos na ang kasong ito.

“Wala naman po kaming delay, tuluy-tuloy naman po para matapos na ito.”

Bukod kina Cedric at Zimmer, pansamantala ring makakalaya ang iba pang mga akusadong sina Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero, at Sajed “Jed” Fernandez Abuhijleh.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN