Heart Evangelista too stressed to worry about wedding-date controversy; talks about reconciliation with her mom

Heart Evangelista on changes after her wedding: "Definitely that’s something I need to consider. Pero for me, ‘pag nag-asawa ka, I feel that nothing should change. I mean, for the better. Walang kailangang ibawas. Kung ano yung gusto mong gawin, yun pa rin ang gagawin mo. Anyway, Chiz naman has never been the type na pinagbabawalan ako with anything. So, siguro yun lang, magsu-soap pa rin ako… more on hosting siguro."


Wala pang maibigay na detalye si Heart Evangelista kaugnay sa preparasyon ng kanilang kasal ni Senator Chiz Escudero sa susunod na taon.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa GMA Studios matapos ang live airing ng Sunday All Stars, kung saan isa siya sa regular hosts, noong Linggo, September 14.

Ayon sa Kapuso actress-TV host, nasa second stage pa lang sila ng pakikipag-meeting sa kanilang wedding planner.

“Twice a week pa lang yung mga meetings namin, wala pa masyado, kasi second stage pa lang kami.”

Ano ba ang magiging theme o motif ng kanilang kasal?

“Malinis lang. White, very simple.”

Gaano karaming guests ang iimbitahan nila?

Pagsisiwalat ni Heart, “Dalawa yung wedding namin, e.

“Bale yung wedding namin [sa Balesin], konti lang, sa February 15.

“And then, sa February 18 yung dito.

“Yun ang marami, parang reception, dito na. Halos lahat na-invite na namin.”

Gaano na siya ka-excited sa magaganap na kasal?

Sabi ni Heart, “A, very exciting siya… excited ako.

“Pero nandun pa rin yung hindi pa siya nagsi-sink in sa akin kasi nakakalimutan ko. But, very excited.

“Hindi ko alam na napaka-espesyal pala yung moment na ganito, yung wedding para sa isang babae.

“Like, yung preparation, yung gown…”



THE WEDDING DATE. Base sa mga ibang lumabas na balita, dapat sana’y sa mismong araw ng birthday ni Heart, February 14, gaganapin ang kasal nila ni Senator Chiz.

Ngunit sa panayam ng The Buzz sa senador, sinabi nitong February 15 talaga ang gusto nilang petsa ng kanilang kasal.

Paglilinaw ni Heart tungkol dito, “Actually, wala pa kaming specific date… 14, 15 dapat yun.

“Pero I didn’t want to get married on my birthday kasi maraming tao ring hindi makakarating.

“’Tapos yung 15 ang original na gusto ko, kasi sa 15, thirty [years old] na ako. So, yun talaga.

“Kaya nga nung nagkagulo doon sa isa, nagulat kami dahil wala pa naman kaming final date para mag-react sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy na “sila” ni Heart ay ang TV host na si Cesca Litton at ang non-showbiz fiancé nitong si Tyke Kalaw, na nag-react sa pagkabigo nilang mai-book ang February 14 wedding date nila sa Balesin Island Club.

Nakansela raw ang booking nila rito dahil ibinigay ng may-ari ng exclusive island resort ang wedding date kina Heart at Senator Chiz.

Read: Cesca Litton claims her wedding in Balesin was bumped off in favor of Heart and Chiz

Nagpaabot ng mensahe noon si Heart na nais niyang kontakin o makausap si Chesca para linawin ang isyung ito.

Pero hindi na raw natuloy ang dapat sana’y pakikipag-usap niya kay Cesca.

Salaysay ng Startalk host, “Parang ayaw naman nilang ano, e… I tried, pero parang wala.

“At the end of the day, you can’t please everybody, ‘di ba?

“But we just wish them well, ganun.”

Ano ang ginawa niyang move para kausapin sana si Cesca?

Sabi ni Heart, “I asked two common friends to call her, ayun. Pero wala, ganun talaga.

“Sana makahanap sila… I was gonna tell her na wala naman kaming final date so, technically, Feb. 14 is still can be for you.”

Did she feel bad na hindi sila nagkausap?

Sagot ni Heart, “Not really, to be honest.

“Ang dami kong iniisip, like my parents is not going to the wedding… ang dami kong ganun, e.

“So, hindi ako masyadong na-stress dun.

“Meron pa akong humigit na stress kaysa doon.”

Nilinaw naman ni Cesca na hindi sina Heart at Chiz ang pinatatamaan niya sa reklamo nila kundi ang management ng Balesin Island Club.

Ano ang reaksiyon dito ni Heart?

“Well, it’s nice na na-clear nila yun.

“Kasi nung pinatawag ko yung friend ko, pinasabi niya [Cesca] na she won’t stop her friends from bashing me.”

Sina Heart at Cesca ay pareho naging dating girlfriends ng aktor na si Jericho Rosales, na kamakailan lamang ay ikinasal na rin sa TV personality na si Kim Jones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HEART’S PARENTS. Pinalinaw ng PEP kay Heart ang sinabi niyang baka hindi pumunta ang mga magulang niya sa kanyang kasal.

Matatandaang nagkaroon ng matinding alitan sa pagitan ni Heart at ng kanyang mga magulang na sina Rod at Cecile Ongpauco dahil sa mahigpit na pagtutol ng mga ito sa relasyon ng kanilang anak kay Senator Chiz.

Saad ni Heart, “Well, matagal-tagal pa naman.

“Five months and half pa naman para magawan ng paraan.

“So, sana they attend.

“Pero at the end of the day, you can’t have it all.

“Kung maha-heartbroken lang ang daddy ko to see me walk down the aisle to the next chapter of my life, dahil bunso ako, okey lang sa akin na i-shield siya from that pain and sadness… okey lang.

“Anyway, sabi naman niya, basta magkita kami the next day, back to normal.

“Hindi lang niya kayang makita [yung wedding ceremony].”

Isang araw pagkatapos mag-propose sa kanya ni Senator Chiz, nag-post si Heart sa Instagram ng larawan nila ng kanyang ina at isang kapatid.

Base sa larawang ito, inakala ng lahat na naayos na ang gusot nila ng kanyang ina.

Paliwanag ni Heart tungkol sa reconciliation nilang mag-ina, “Well, at the end of the day, siyempre kahit ano pa ‘yan, nanay mo pa rin ‘yan.

“The moment nung magkita kami, parang okey na siya, parang ganun.

“We just decided to… we don’t have to agree on everything.

“Ang importante, we don’t miss out on each other’s lives… life is too short.”

Pinuntahan daw ni Heart ang ina niya kinabukasan matapos ang engagement nila ni Senator Chiz sa Sorsogon.

Umiyak ba siya nang magkita sila ng kanyang mommy?

“Wala. Hindi ako umiyak. Wala lang, very casual,” sabi ni Heart.



ENGAGEMENT. Paano nabago ang buhay niya pagkatapos ng engagement nila ni Senator Chiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Heart, “Well, parang medyo sumeryoso ako sa lahat-lahat.

“Napaisip ako sa mga next steps ko sa life ko, sa career ko.

“Mas naging focus ako sa mga bagay-bagay.

“And aside from that, I took it easy na parang hindi ko nginarag ang sarili ko.

“Ini-enjoy ko yung moment dahil minsan lang mangyari sa buhay yung engaged ka.”

May magiging pagbabago ba sa pagtanggap niya ng trabaho kapag ikinasal na siya?

“A, well, definitely that’s something I need to consider.

“Pero for me, ‘pag nag-asawa ka, I feel that nothing should change.

“I mean, for the better. Walang kailangang ibawas.

“Kung ano yung gusto mong gawin, yun pa rin ang gagawin mo.

“Anyway, Chiz naman has never been the type na pinagbabawalan ako with anything.

“So, siguro yun lang, magsu-soap pa rin ako… more on hosting siguro.”

Napangiti naman si Heart sa tanong namin kung itutuluy-tuloy na ba niya ang pagtitipid, gaya ng nabanggit niya sa amin sa nakaraang interview na hindi na siya masyadong gumagastos at gusto na niyang mag-save pa.

Saad niya, “Definitely, nandun na tayo, pero siyempre, parang dahil ikakasal na ako, ini-enjoy ko na din yung buhay-dalaga.

“In short, na parang I gave myself a certain amount para i-shopping o i-enjoy bago ako ikasal.”

Mag-aanak na ba sila kaagad ni Chiz?

“Hindi. Siguro mga three years pa.”

Kailan at saan naman nila balak mag-honeymoon?

Ayon kay Heart, “Depende sa trabaho niya.

“Pero okey lang kung saan let’s say… we haven’t travelled before.

“We’ve seen some parts of the world already.

“Kung kailan siya libre, okey lang ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN