Nora Aunor wants iconic doll Maria Leonora Theresa back

Nalaman ni Nora Aunor na “buhay” pa si Maria Leonora Theresa nang may magpakita sa kanya ng litrato ng manika, na naka-post sa Instagram account ng entertainment writer na si Allan Diones. Matagal nang hindi nakikita ni Nora ang 42-year-old doll na diumano’y nasa pangangalaga noon ni Mrs. Elma Cruz, ang pumanaw na ina ni Tirso Cruz III.


Hindi promo para sa mga pelikulang Maria Leonora Teresa ng Star Cinema at Dementia ng Octobertrain Films/The IdeaFirst Company, Inc. ang panawagan ni Nora Aunor na isoli sa kanya ni Tirso Cruz III si Maria Leonora Theresa, ang 3-foot ceramic faced doll na itinuturing noon na anak ng phenomenal Guy & Pip loveteam.

Umapela si Nora na ibalik sa kanya si Maria Leonora Theresa sa presscon kahapon ng Dementia, ang horror movie niya na ipalalabas sa mga sinehan sa September 24.

Nalaman ni Nora na “buhay” pa si Maria Leonora Theresa nang may magpakita sa kanya ng litrato ng manika, na naka-post sa Instagram account ng entertainment writer na si Allan Diones.

Matagal nang hindi nakikita ni Nora ang 42-year-old doll na diumano’y nasa pangangalaga noon ni Mrs. Elma Cruz, ang pumanaw na ina ni Tirso.

Para malutas ang misteryo ng pagkawala ni Maria Leonora Theresa, isang source na nakakaalam sa buong kuwento ang kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ayon sa impeachable source, matagal nang nawawala si Maria Leonora Theresa mula nang sumakabilang-buhay ang ina ni Tirso at ipinagbili ang bahay nito sa New Manila, Quezon City.

Napasakamay ng butihing ina ng aktor ang iconic doll nang maghiwalay noon at magkaroon ng malaking away sina Nora at Tirso.

Diumano, nadamay sa away ng dalawa ang manika kaya naputol ang isang paa nito.

Nakalimutan na ni Nora ang tungkol kay Maria Leonora Theresa, hanggang may magpakita sa kanya ng litrato ng legendary doll na simbolo noon ng loveteam at real-life love affair nila ni Tirso.



VALENCIA RESIDENCE. Hindi lamang si Maria Leonora Theresa ang “ipinapasoli” ni Nora.

Nagbiro rin ang Superstar na ibalik sa kanya ni Regal Entertainment Inc. producer Lily Monteverde ang dating bahay niya sa Valencia St., Quezon City.

Sa ginanap na presscon ng Dementia kahapon, sinabi ni Mother Lily ang pagmamahal niya kay Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I became rich because of Ate Guy.

“You know why? She gave me Valencia.

“Thank you, Ate Guy, from the bottom of my heart, talagang mahal na mahal kita.”

Sinagot naman siya ni Nora ng: “Ako rin Mother, soli mo na lang yung Valencia.”

May interesting anecdote si Mother Lily tungkol sa Valencia residence ni Nora noong kasagsagan ng kasikatan nito.

Pinuntahan noon ni Mother Lily si Nora sa bahay nito sa Valencia para sa isang movie project na iaalok niya.

Gandang-ganda si Mother Lily sa bahay ni Nora at habang nasa sala siya at naghihintay na harapin ng aktres, sinabi niya sa sarili na darating ang araw na magiging kanya ang Valencia residence.

And the rest is history.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN