Vhong Navarro cries over court’s decision to grant bail to Cedric Lee, Zimmer Raz

Vhong Navarro on the court’s decision to grant bail of Cedric Lee and Zimmer Raz: “Tuluy-tuloy pa rin naman yung kaso namin. Siguro nandiyan naman yung justice, kaya lang siguro, baku-bako lang ang daan.”


“It’s showtime!” ang nakangising sagot ni Cedric Lee nang itanong ng media ang kanyang plano matapos makapagpiyansa kahapon, September 16, ng P500,000 para sa temporary liberty niya.

Ito ay habang dinidinig ng Taguig Regional Trial Court ang kasong serious illegal detention na isinampa laban sa kanya at iba pa ng aktor na si Vhong Navarro.

Kasama ni Cedric na lumaya mula sa Taguig City Jail ang kanyang kaibigan at co-accused na si Zimmer Raz, na nagpiyansa rin ng kalahating milyong piso.

Limang buwan na nakulong sina Cedric at Zimmer na kapwa naaresto noong April 2014 sa Oras, Eastern Samar.

Nagpahayag ng pangamba si Vhong sa desisyon ni Judge Paz Esperanza Cortes ng Branch 271 ng Taguig City na payagan sina Cedric at Zimmer na magpiyansa.

Read: Taguig court grants bail petition of Cedric Lee, Deniece Cornejo, Zimmer Raz due to lack of "strong evidence"

Hindi napigilan ni Vhong na mapaluha sa exclusive interview sa kanya ni Marie Lozano ng ABS-CBN dahil sa desisyon ni Judge Cortes.

“Siyempre, nalungkot, na-depress, naiyak nga ako.

“Hindi ko alam kung saan nanggaling ang luha, bigla na lang bumgsak.

“Ngayon, unti-unti nang nagsi-sink in uli kasi ito na nga yung…

“Kasi before, nagbabalik yung kung ano yung naranasan ko noon sa loob ng condominium, sa mga paratang na ibinigay sa akin.

“Yung pagtutok sa akin ng baril. Kung ano-ano yung mga sinabi sa akin na puwedeng mangyari sa pamilya ko at sa akin,” emosyunal na pahayag ni Vhong.

Ipinarating ni Vhong sa kanyang mga tagasuporta ang pasasalamat dahil sa pagdarasal para sa kaligtasan niya. Mga tagasuporta na nagagalit din sa inilabas na desisyon ni Judge Cortes.

“Galit sila. Natutuwa ako kasi yung pagdadasal nila, patuloy pa rin.

"Kasi napakasimple kong tao. Ano ako, e, gusto ko lang, masaya lang, masaya lang.

“Ayoko ng may tao na inaagrabyado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga ibinibintang sa akin na isa akong rapist, napakasakit noon.

“Alam ko at alam ng Panginoon na hindi ko ginawa ‘yon, pero ibinibintang sa ‘yo.

“Ako, sinabi ko lahat kung ano yung totoo at meron kaming mga ebidensiya.

“Hindi ako nagloloko. Hindi ako gumawa ng istorya.

“Sinabi ko lahat. Meron kaming katibayan.

“Hindi ko alam, siguro, sa iba nga, e, hindi pa sapat ang katibayan.

“Tuluy-tuloy pa rin naman yung kaso namin.

“Siguro nandiyan naman yung justice, kaya lang siguro, baku-bako lang ang daan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN