Dominic Roco on possible reconciliation with dad Bembol: "I think it’s too late already."

Mukhang malabo pa ring maayos ang sigalot sa pagitan ng mag-amang Bembol Roco at Dominic Roco. Sa huling panayam kay Dominic, sinabi nitong dati ay hinangad niyang maayos ang relasyon nila, pero ngayon daw ay tila malabo pa ito.


Tila hindi pa rin napaplantsa ang gusot sa pagitan ng mag-amang Bembol Roco at Dominic Roco.

Matagal-tagal na rin ang naging alitan ng mag-ama at inakala ng lahat ay naayos na ito.

Pero sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News kay Dominic sa pocket presscon ng Ang Dalawang Mrs. Real noong September 11, mukhang hindi pa nagkakaayos ang mag-ama.

Sabi ni Dominic nang kumustahin namin ang relasyon nila ng ama, “Parang dati pa rin.

"I’d I see him, okay lang yung, ‘Hi, hello,’ that’s it. I wouldn’t…"

Hindi naman daw apektado ang young actor sa klase ng pakikitungo nila sa isa’t isa.

May effort ba para matapos na ang mga ilangan?

Saad niya, “Nagkaroon ng mga efforts.

"Like I said before, the damage has been done.

"I think it’s too late already."

Nag-ugat ang alitan ng mag-ama nang nagkaroon ng ibang pamilya si Bembol.

Paano niya nasabing "too late" na para maayos ang gusot sa pagitan nila?

Lahad ng 24-year-old actor, “No comment. Ako, hindi ko alam.

"Ako, I’m old enough to say na I know what happened, I know what he did."

Napatawad na ba niya ang ama dahil sa pag-abandona sa kanila?

Aniya, “Yeah. Life goes on.

"He’s happy where he is, I’m happy where I am.”

Kasama raw ni Dominic at kakambal niyang si Felix sa kanilang tinitirhang bahay ang isa pa nilang kapatid na lalaki at ang kanilang ina.

Sa ngayon ba ay nag-reach out na ang ama para sustentuhan ang kanilang pamilya?

Sagot ni Dominic, “No, no.”

Naghahangad pa ba siyang magkaayos sila?

Diretso niyang sagot, “Dati, oo. Kasi nga, like I said, I’m old enough. Tanggap ko na, e.”

Samantala, masaya naman si Dominic na kahit finale week na ng Ang Dalawang Mrs. Real ay naging matagumpay ito pagdating sa ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN