Lotlot de Leon on daughter Janine Gutierrez’s relationship with Elmo Magalona: "Kung in the end, e, aamin silang dalawa, di mas mabuti!"

Lotlot de Leon has her hands full as a freelance actress, but given a chance, she prefers a contract with a network she can call her home.


Ikinatutuwa ni Lotlot de Leon na mayroon na naman siyang bagong proyekto sa GMA Network pagkatapos ng Kambal Sirena.

Kasama si Lotlot sa cast ng upcoming primetime series na Hiram Na Alaala, na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Kris Bernal, Lauren Young, at Rocco Nacino.

Wala raw siyang kontrata sa Kapuso network, pero asam niya, “Sana nga meron!”

Bakit sunud-sunod ang mga proyekto niya sa GMA ngayon?

Ayon sa aktres, “Nagkakataon, kasi after Kambal Sirena, they had this role for me, they wanted to get me.

"Ako naman, ang ganda. Ang ganda ng role, may trabaho ka pa, it’s beautiful.”

Kung yung ibang reliable stars ay mas gusto na freelance, siya pala ay mas gustong may kontrata sa isang network.

“I’m actually very fortunate kasi, in all stations, in all networks, nakakapagtrabaho ako.

"At nabibigyan naman ako ng magandang role talaga.

"Pero siyempre, it’s different when you have a home that, you know, you really have nice show.

"Hindi yung dahil sa trabaho lang kung hindi may ilalaan sila sa ‘yo na magandang serye,” pahayag ni Lotlot.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot sa grand launch ng Hiram Na Alaala, noong September 11, sa Studio 6 ng GMA Network Center.

JANINE-ELMO. Bilang ina ni Janine Gutierrez, tila inaasahan na rin ni Lotlot na matatanong siya tungkol sa totoong estado ng relasyon ng anak at ni Elmo Magalona.

Natatawang sabi niya, “Dapat yata sila ang sumagot niyan, ‘di ba?”

Bilang ina, ano ang masasabi niya sa dalawa?

“E, nakikita naman kung ano ang galaw ng mga bata.

"Hindi naman para manghimasok ako, masaya naman sila pareho.

"Kung in the end, e, aamin silang dalawa, di mas mabuti!" natawang sabi ni Lotlot.

Dagdag niya, “Ang dami kasing bashers ng dalawa.

"Sa mga social media, people can really be mean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So siguro, silang dalawa, they want to enjoy each other’s company without anybody else na parang nakikialam.

“Although, siyempre, nasa industriya sila na kahit ano, puwedeng sabihin sa public.

"Hindi naman maiiwasan yun. Pero ano rin ‘yan… aamin din ‘yan.”

Boto ba siya kay Elmo?

“Oo naman... I know Elmo’s family—Pia [Arroyo] and Francis [Magalona].

"Wala pa si Elmo, kilala ko na ang mga ‘yan.

"Yes, oo… he’s a very good boy. He’s a good man. Yes, oo…”

Regular bang dumadalaw si Elmo sa bahay nila?

“Oo, minsan pumupunta sila sa bahay, ganyan… pupuntahan niya si Janine, dadalawin niya.

"Minsan sa bahay, magkukuwentuhan kami, catching up."

HANDS OFF. Siya ba ang tipo ng nanay na hindi nakikialam sa lovelife ng mga anak, lalo pa nga’t karamihan ng anak niya ay mga babae?

Ayon kay Lotlot, “Hindi naman ako sa nakikialam, pero I make sure that I know what’s going on.

"Kasi, kahit anong sabihin mo at pigil mo sa mga bata, kung yun talaga ang gusto nila..."

Nakaka-relate ba siya?

“Oo, medyo!” natawa niyang sabi.

“Lahat naman tayo, ‘di ba, dumating ang punto na naging suwail na anak.

"They are of age already, hindi naman na teenager ang mga ‘yan.

"Hindi para makialam ako, kung merong matutunan ako, sila na yun.”

Kasama ni Lotlot sa Hiram Na Alaala si Lauren Young, na naging karelasyon noon ni Elmo.

Hindi ba niya nararamdamang baka naiilang sa kanya si Lauren bilang nanay siya ni Janine?

Sabi ni Lotlot, “Si Lauren, no, no… hindi naman.

"Mabait naman si Lauren. Wala naman akong problema kahit na kanino.

"Pero sa ngayon, wala, wala naman.

"Mabait naman itong batang ‘to. Wala akong problema kay Lauren, she’s very nice.”

BOYFRIEND. Tungkol naman sa sarili niyang lovelife, natatawang sabi ni Lotlot, “Tahimik lang!”


Magdadalawang taon na raw sila ng Lebanese boyfriend niyang si Fred El Soury.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sabi ni Lotlot, “I don’t really like talking about him kasi hindi naman siya showbiz, e.

"May personal din siyang buhay. Hindi na para ipasok natin sa mundo nating magulo.”

Napag-uusapan na rin ba nila ang kasal?

“Of course, hindi naman kaagad-agad. Kung darating dun, darating dun.”

So, napag-uusapan na nila?

“Siyempre, hindi naman mawawala sa kahit anong relasyon.”

Payag ang mga anak niya kung sakaling magpapakasal siyang muli?

“I think so, pero hindi naman namin napag-uusapan ng mga bata.

"But my children are very intelligent. I’m sure naman, kahit paano, they will know it may happen.

"Pero ayoko namang pangunahan ang kahit na ano na puwedeng mangyari."

Matagal nang hiwalay si Lotlot sa dati niyang asawa na si Ramon Christopher.



CLOSE TO HOME. Bilang tunay na ina ni Kris Bernal ang karakter na ginagampanan ni Lotlot sa Hiram Na Alaala. At base sa teaser, malaki ang magiging partipasyon ni Lotlot dito.

Natawa ang aktres nang mabanggit na may ibang lalaki pa siya sa serye.

“Yung pangalawang buhay niya, may iba na.

"Ibig kong sabihin, anak ni Alan Paule at ako si Kris.

"Pero we didn’t end up together hanggang sa makilala ko si Antonio [Aquitania].

"Maganda, maganda kasi parang totoong buhay.

“Kumbaga, it can really happen to a family that you get separated from your children.

"Nagkaroon ka ng sarili mong buhay.

"Kaya lang kasi sa kanila, medyo hindi maganda ang pagkakahiwalay nila.

"Nagkaroon sila ng isyu at yun ang kailangang i-resolve."

Mas natawa si Lotlot sa sumunod naming tanong sa kanya kung nakaka-relate ba siya sa karakter niya.

“Medyo, slight,” sabi niya.

Sa totoong buhay, hinanap din niya ang tunay niyang mga magulang.

“Oo, in both ways, parang nahiwalay rin ako sa pamilya ko, sa father ko.

’"Tapos, my marriage didn’t end up well, naghiwalay kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, medyo it’s close to home."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN