Frencheska Farr says no to beauty contest and sexy pictorial: "Hindi ko pa kaya talaga.”

She has proven herself to be a good actress in the movie Emir, and she’s not just a singer but a songwriter as well. Frencheska Farr at 22 is living her dream of a lifetime to act, sing, and dance.


Noong Linggo, September 14, nag-celebrate ng kanyang ika-22 kaarawan sa Sunday All Stars ang singer-actress na si Frencheska Farr.

Pero bago ito, nauna na siyang nagkaroon ng isang simpleng selebrasyon last Tuesday, September 9, na mismong araw ng kanyang kaarawan.

Kuwento ni Frencheska sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okey naman po. Simpleng celebration lang kasama ang family ko.

“Nagpunta kami ng La Union, nag-beach kami, relax lang, kasama ang buong pamilya… bonding lang.

“Mahilig kaming mag-surf... a La Union, meron kaming pinagse-surf-an dun."

Natatawang kuwento pa niya, “Actually, hindi ko naisip na parating na pala yung birthday ko.

“So, kahit yung party para sa mga supporters ko, hindi rin ako nakapag-schedule.

“Pero plano ko pa rin mag-celebrate din with them.”

Ano ang pinaka-special gift na kanyang natanggap sa nakaraan niyang birthday?

“Special na sa akin na birthday gift ’yong kasama ko ang family kasi hindi ko sila laging nakakasama, e.

"Three days lang naman kami sa La Union, pero sulit na ‘yon."

Mayroon ba siyang naging wish on her birthday?

“Naku, marami akong wish sa buhay, e.

"Pero right now, talagang good health lang para sa akin at sa family ko.

“At saka more work, ‘yon lang naman.

“Siyempre, pinagtatrabahuhan ko yung mga pangarap ko na... matupad talaga.”

BOYFRIEND. Sa birthday celebration niya sa La Union, bukod sa kanyang pamilya ay kasama rin daw ni Frencheska ang non-showbiz boyfriend niya.

“Siyempre, close naman sila ng family ko, kasama rin siya.”

Gaano na katagal ang kanilang relasyon?

“Sige na nga, sasabihin ko na... magti-three years na rin, matagal na rin po kami.”

Nauuso ang wedding proposals ngayon, hindi kaya sila ang susunod na may ganung announcement din?

“Ay, naku po! Matagal pa po, hindi namin napag-uusapan. Bata pa po ako!" napahalakhak na sabi ni Frencheska.

Dagdag niya, “Twenty-two pa lang po ako. At naka-focus talaga ako sa music ko ngayon at sa career.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At what age does she think she’ll be ready to settle down?

“Siguro when I’m 30, mga eight years pa.

"In reality, iyon talaga ang iniisip ko," sabi niya.

Hindi kaya mainip na ang boyfriend niya na ganun katagal pa pala?

“Hindi naman siguro… sana hindi!

“Naisip ko naman, bata pa kami. At gusto naming i-enjoy pa muna ang buhay namin.”

Ano ang striking sa katangian ng boyfriend na naka-attract sa kanya nang una silang magkakilala?

“Cute siya, mabait, kalog, and very understanding.

“Marami ang nagsasabi, kamukha niya si Miguel Tanfelix na mas matanda!” tawa na naman niya.



CAREER. Masaya rin daw si Frencheska sa takbo ng kanyang career.

Bukod sa Sunday All Stars ay nagti-taping din siya ngayon para sa Second Chances, ang primetime series ng GMA sa direksiyon ni Laurice Guillen na ipalalabas bago mag-Pasko.

Pangunahing tampok dito sina Jennylyn Mercado, Camille Prats, Rafael Rosell, at Raymart Santiago.

Kuwento ni Frencheska, “Ginagampanan ko po yung role bilang kaibigan ni Jennylyn. Isa po akong veterinarian.

“Hindi po kontrabida yung character ko, pero okey din naman ako na mag-portray ng salbaheng character.

"Kasi challenging din na gumanap na kontrabida, e.

“At saka maganda rin na medyo iba-iba yung ginagawa natin, hindi palaging mabait ka.

“At saka para natsa-challenge ko ang sarili ko, yun lang naman iyon, e.”

Hindi lang mahusay kumanta si Frencheska kundi magaling din siyang umarte. Napatunayan niya ito nang magbida siya sa pelikulang Emir (2010).

Saad niya, “Nami-miss ko ring magbida ulit, pero hindi naman po ako choosy sa pagtanggap ng roles o projects.

“Ako naman po, kung ano yung opportunity na darating, tinatanggap ko.

“At kahit na anong sabihin natin, work is work.

"And thankful lang ako, e. Kasi kahit papa’no, may project na tuluy-tuloy kahit papa’no."

Ano naman ang update sa kanyang singing career?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon po, sumusulat ako ng original song ko.

"I’m looking forward na mai-record na ito at mai-release.

“At excited na ako para rito. Marami-rami na rin po akong nasulat na mga songs.

“Pero nagpu-focus ako dito sa isa. Dahil gusto naming mailabas itong single bago matapos ang taon.”

BEAUTY-QUEEN MATERIAL. Marami ang nagsasabi na pang-beauty queen ang dating ni Frencheska.

Hindi ba pumapasok sa isip niya ang sumali rin sa beauty contest?

“Naku po, maraming nagtatanong sa akin… iniisip ko rin talaga ‘yan, pero iba po yung passion ko talaga.

“Ang passion ko talaga are performing, singing, and dancing.

"Kumbaga, yung makapag-perform ako onstage na kumanta at talagang may stage and lights.

“Iyon talaga ang pangarap ko. So right now, sabi ko… focus talaga ako do’n.”

May takot ba siyang rumampa na naka-two piece lang sa swimsuit competition ng isang beauty pageant?

"Yun din. Hindi ko kaya!" bulalas niya.

So, hindi rin niya kaya ang mag-pose nang sexy sa isang men’s magazine?

“Hindi naman po ako nagsasara ng pintuan dahil opportunity ‘yan.

“Pero sa ngayon, hindi pa po. Parang hindi ko pa kaya talaga.”

O baka ayaw rin ng boyfriend niya?

“Ay, hindi po. Ano naman ‘yon… very understanding.

"Kumbaga, kung ano yung gusto ko, iyon din ang gusto niya.

“So, up to me lang talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN