Derek Ramsay, Mary Christine Jolly reach an agreement after closed-door meeting

Nagharap si Derek Ramsay at ang asawa nitong si Mary Christine Jolly sa isang closed-door meeting, kasama si Makati City Prosecutor Erwin Dimayacyac, kaninang hapon, September 18.


Hindi natuloy ang pagsusumite ng reply-affidavit ng kampo ni Mary Christine Jolly, kaugnay ng paghahain nito ng reklamong paglabag sa R. A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act laban sa aktor na si Derek Ramsay, kaninang hapon, September 18, sa Makati Prosecutor’s Office.

Ito ay dahil ni-reset ni Prosecutor Erwin Dimayacyac ang pagsusumite ng reply-affidavit ni Mary matapos ang closed-door meeting niya sa complainant at kay Derek sa kanyang tanggapan kanina.

Sa panayam ng media kay Prosecutor Dimayacyac, ibinahagi nitong may positibong development sa naganap na pag-uusap nina Mary at Derek nang wala ang kani-kanilang mga abugado.

Pag-uusapan daw ng magkabilang kampo ang isang "agreement" para sa "support, visitation rights, annulment, and citizenship" ng anak nina Mary at Derek.

Nakiusap din ang city prosecutor sa media na huwag nang ilabas ang nilalaman ng reply-affidavit ni Mary dahil hindi naman ito naihain ngayong araw.

Ngunit marami nang media outfits ang naglabas ng nilalaman ng reply-affidavit, kabilang na ang PEP, dahil ipinamahagi na ang kopya nito ng legal counsels ni Mary.

Giit ni Prosecutor Dimayacyac, walang saysay ang naturang reply-affidavit dahil hindi pa ito subscribed.

Samantala, nagbigay ng maikling pahayag sina Mary at Derek sa media pagkatapos ng kanilang closed-door meeting.

Sabi ni Mary, "We will try to be amicable for the kid."

Ayon naman kay Derek, "We took a step forward for his future."

Sinadya raw ni Derek na magtungo sa Makati Prosecutor’s Office, kahit hindi required ang kanyang presence, dahil gusto niyang makita at makausap ang anak.

Saglit na nakausap ni Derek ang anak nang hindi nakaharap si Mary.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN