Derek Ramsay comes face-to-face with Mary Christine Jolly and their son

Derek Ramsay on surprise appearance at Makati Prosecutor’s Office earlier today, September 18: "Career? Tinapon ko yun sa gilid pagpasok ko sa loob ng kuwarto. So, wala akong pakialam sa career ko. Anak ko ang inuna ko dito."


“That’s the reason why I’m here. I wasn’t required to be here. I came because of my son.”

Ito ang pahayag ni Derek Ramsay nang biglaan siyang sumulpot sa nakatakda sanang pagsumite ng estranged wife niyang si Mary Christine Jolly ng reply affidavit sa Makati Prosecutor’s Office ngayong araw, September 18.

Napag-alaman umano ng aktor mula sa kanyang legal counsel na si Atty. Joji Alonso na kasama ni Mary ang kanilang 11 taong gulang na anak.

Naging emosyunal ang bata nang una niyang makaharap ang ama sa loob ng closed-door meeting nina Derek at Mary sa opisina ni Assistant City Prosecutor Erwin Dimayacyac, bandang 2:30 P.M.

Ilang sandali pa ay lumabas din ang bata upang magkausap nang masinsinan sina Derek at Mary, na hindi kaharap ang kani-kanilang abugado.

Ngunit bandang 4:20 P.M., lumabas si Mary ng opisina ni Fiscal Dimayacyac, habang ang anak nila ni Derek ay binigyan ng pagkakataong makausap ang aktor.

FATHER-SON REUNION. Sa panayam ng entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inilarawan ni Derek kung ano ang pakiramdam niya nang makapiling kahit sandali ang kanyang anak.

“If it was my decision, I wouldn’t let him be here. And I don’t think he should see all of these.

"But it is what it is. Like I said, I came here so I could see him, talk to him.

“There were some things that hurt. It came from him and from their camp.

“Like I said, we took a step forward for his future,” paliwanag ng 37-year-old actor.

Nagbigay rin ng reaksiyon si Derek sa hindi natuloy na pagsumite ni Mary ng reply-affidavit laban sa inihaing counter-affidavit ng aktor noong August 21.

“Whatever she stated in her affidavit, she said she’s retracting everything.

“I don’t really care about anything that’s been said about me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know the truth. The truth will prevail.

“But the reason why I am keeping my mouth shut is because of my son.

“I don’t wanna say anything.

“And again, I will not speak ill of the mother of my child, no matter what she throws at me.

“I’ve been an open book.

"And it’s nice to see that people are supporting me.

“Career? Tinapon ko yun sa gilid pagpasok ko sa loob ng kuwarto.

“So, wala akong pakialam sa career ko. Anak ko ang inuna ko dito.

“Masaya ako na nakita ko ang anak ko,” halos mangiyak-ngiyak na saad ni Derek.

Ayon pa sa Kapatid actor, handa siyang magkaroon ng maayos na relasyon kay Mary para sa ikabubuti ng kanilang anak.

“If I need to maintain a good relationship with her—I’ve been trying—I will do it.

"I will do it for my boy," giit niya.

Positibo nga ba ang resulta ng pag-uusap nila ni Mary?

Sagot ng aktor, “I guess, it’s a baby step in the right direction.”

MARY’S REACTION. Sa hiwalay na panayam kay Mary, tumanggi rin ang 33-year-old Indian-Filipino na magbigay ng detalye tungkol sa napagkasunduan nila ni Derek sa closed-door meeting kasama ang fiscal.

Ganunpaman, kinumpirma ni Mary na maganda ang kinalabasan ng paghaharap nila ni Derek ngayong araw.

“It has been the most productive out of all the meetings.

“I think we really try to put the past behind.

"We really just focused on the child and what’s best for the child.

“We will try to be amicable. We will try our best for the kid,” saad ni Mary.

Nilinaw rin ni Mary kung bakit naging emosyunal ang kanilang anak ni Derek noong umpisa ng meeting.

“Yeah, he cried.

“E, kasi, he was a little scared and intimidated.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He didn’t want to go through that. He doesn’t want to be asked questions.”

Bakit niya isinama ang bata sa Makati Prosecutor’s Office?

Paliwanag ni Mary, “Because he wanted to defend his mom. He wanted to submit a letter to the judge. That’s how he felt.”

WHAT’S NEXT? Samantala, kinumpirma ni Fiscal Dimayacyac na nakatanggap siya ng liham mula sa anak nina Mary at Derek.

Ngunit ayaw nang idetalye ng fiscal kung ano ang nilalaman ng naturang sulat.

Ang mahalaga raw ay nagkaroon ng “compromise” sa pagitan ng magkabilang kampo.

Dahil pinagbawalan sina Derek at Mary na magsalita tungkol sa naganap na closed-door meeting, mismong si Fiscal Dimayacyac na ang nagbahagi ng pinakabuod ng pag-uusap ng mag-asawa.

“Pag-uusapan sa agreement nila yung support, annulment, visitation rights, at saka citizenship [ng bata].”

Bahagya ring inilarawan ng fiscal ang takbo ng pag-uusap nina Derek at Mary bago sila humantong sa maayos na kasunduan.

Kinailangan lang daw talagang ayusin ang “miscommunication” at “misunderstanding” sa pagitan ng dalawa.

“Nung una siyempre, medyo hindi [peaceful].

“Pero kailangan medyo mahaba ang pasensiya natin, kasi ngayon lang sila nag-usap for the first time in ten years.

“May sumisigaw, merong lumuluha.

“Normal lang yun kasi nga matagal silang hindi nag-uusap, e.

“Pero ngayon, nagkasundo naman sila,” saad ni Fiscal Dimayacyac.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN