Jessy Mendiola hurt by bashers after UAAP Cheerdance hosting stint, reveals sister Pam Mendiola

“Matagal ko nang tinanggap na maku-compare talaga ako sa kapatid ko. Kasi mas nauna naman talaga siya and mas visible na siya sa Filipino audience. Okay lang sa akin kasi, in fairness sa kanya, pinaghirapan naman talaga niya yung showbiz career niya,” says Pam Mendiola about possibility of being compared to younger sister Jessy Mendiola.


Aminado si Pam Mendiola na nasaktan ang nakababatang kapatid niyang si Jessy Mendiola sa mga negatibong komento tungkol sa paghu-host ng Kapamilya actress sa nakaraang 2014 UAAP Cheerdance Competition.

“Sobrang nalungkot yung sister ko. Kinakabahan kasi talaga siya nun,” sabi ni Pam nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters matapos ang press conference para sa bagong mini-series ng TV5, ang Wattpad Series, na ginanap kahapon, September 18.

Matatandaang idinaan na lamang ni Jessy sa biro ang pagtanggap sa iba’t ibang reaksiyon ng mga tao sa paghu-host niya noong nakaraang Linggo, September 14.

Marami ang pumuna sa kanya sa maling pagbigkas niya ng plaques of appreciation na naging “pleyks of appreciation,” at ang without further ado ay naging “without further adieu.”

Sa kanyang Instagram account, sinabi lamang ni Jessy sa kanyang followers noong Lunes, September 15: “Good morning. Mahal ko kayo kahit ayaw niyo sakin ‘pleyks’ man.”

May larawan din siyang ibinahagi na nagsasabing: “There’s no need to be perfect to inspire others. Let people get inspired by how you deal with imperfections.”

Dahil sa sobrang apektado si Jessy sa mga punang natanggap, ayon kay Pam, “Natulog pa siya sa kuwarto ko.

“Ayoko din na nakikita siyang malungkot, kasi younger sa akin yun, mas protective ako sa ganun.”

Samantala, bilang ate ni Jessy, ipinagtangggol ni Pam ang kapatid.

“Okay lang yun, kasi baka nga naman hindi siya na-brief nang maayos, or hindi nakapag-practice nang maayos.

“Feeling ko, hindi lang naayos and, at the same time, kinabahan pa siya.”

Dagdag pa niya, “Gusto ko nga awayin isa-isa yung mga nag-tweet sa kanya, kaso lang ako naman yung [mapagbubuntunan].

“Sabi ko na lang na huwag niyang pansinin at makakalimutan din niya yun.”



MAKING HER OWN IDENTITY. Katulad ni Jessy, nakatikim na rin daw ng mga masasakit na salita si Pam mula sa bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi na lang daw niya ito pinapansin.

“Hayaan mo sila diyan, mag-bash sila, and sila ang mauubusan ng energy at hindi naman ako.”

Sa ngayon, nakahanda na raw si Pam na mas matindi pa ang mararanasan niyang pambaba-bash, lalo na ang pagkukumpara sa kanilang magkapatid.

Habang si Jessy ay kilalang-kilala na sa showbiz, si Pamela ay nagsisimula pa lamang buuin ang kanyang showbiz career.

Makakasama si Pam sa bagong programa ng TV5, ang Wattpad Series: Mr. Popular Meets Miss Unpopular.

Sabi niya, “Matagal ko nang tinanggap na maku-compare talaga ako sa kapatid ko, kasi mas nauna naman talaga siya and mas visible na siya sa Filipino audience.

“Okay lang sa akin kasi, in fairness sa kanya, pinaghirapan naman talaga niya yung showbiz career niya.”

Bilang kapatid ni Jessy, hindi itinanggi ni Pam na, "Hindi na ako nahihirapan na makapasok sa kaunting mga projects, hindi ko na kailangan na mag-audition nang sobra."

Pero diin niya, “May disadvantage din kasi lagi akong naku-compare and mas matanda ako sa kanya.

“And lagi akong tinatanong about kay Jessy, kaya yung sarili ko, hindi ko na-share sa ibang tao, which I really want to do.”

Sa kabila nito, umasa si Pam na mabibigyan siya ng pagkakataon ng Pinoy audience para maipakilala ang sarili.

“I want to be myself. What you see is what you get.

“Ang hirap magpanggap lalo na kung hindi yun ang totoong ugali mo.

“Kung ano ako na nagsasalita ngayon, ganun ako.”

Samantala, ’di tulad ni Jessy na madalas ay lead roles ang nakukuha, sabi ni Pam ay mas gusto niyang gawin ang kontrabida roles.

“Gusto ko na mas matatapang [na roles]. Siya kasi mas soft yung features niya kesa sa akin,” sabi niya


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN