Maris Racal flattered to get Piolo Pascual’s approval for his son Iñigo

Maris Racal on entering showbiz: “Siyempre, as a newbie pa dito, aaralin ko muna yung mga dapat ko talagang matutuhan, gaya ng pag-arte, kaya need mag-workshop. Siyempre, kailangan ding maging prepared sa mga mangyayari kung magugustuhan ka ba ng tao o hindi, so dapat emotionally prepared ka.”


Sa pagpasok ni Piolo Pascual noon bilang guest housemate sa Bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother All In, naging bukas ang Kapamilya actor sa pagsasabing ang Second Big Placer na si Maris Racal ang nakikita niyang may malayong mararating sa showbiz.

Sinabi rin si Piolo na gusto niya si Maris para sa anak na si Iñigo, na kasalukuyan namang nasa America.

Kamakailan ay kumalat sa social media ang pagkontak ni Iñigo kay Maris sa Twitter kung saan nagpakilala ito sa dating PBB housemate.

Nagkuwento naman si Maris tungkol dito nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa debut party ni Jane Oineza noong Linggo, September 14, sa Fernwood Gardens.

“Nag-message siya, ‘Hi, I’m Iñigo,’ parang ganun lang.

“Nagulat ako dun, hindi ko in-expect, akala ko hindi kami magkakakilala.

“Sabi niya, excited daw siya na magkaroon kami ng collaboration, excited din naman ako.”

Ano naman ang reaksiyon ni Maris na boto si Piolo sa kanya para sa anak nito?

“Wow, boto din ako kay Piolo!” bulalas niya.

“Nakakahiya, but I’m flattered, Piolo Pascual yun.”

Pero nilinaw ni Maris na hindi nanliligaw sa kanya si Iñigo, lalo’t hindi pa naman daw siya handang pumasok sa pakikipagrelasyon.

“Hindi ako nag-e-expect nang ganun kasi sobrang bata ko pa.

“Kung manliligaw siya, ‘di pa talaga, kasi ‘di pa right time sa ganung bagay.”



INSTANT CELEBRITY. Mula sa pagiging isang simpleng teenager ay naging instant artista si Mariz dahil sa PBB All In. Marami raw nabago sa kanya mula nang lumabas siya sa Bahay ni Kuya.

Dagdag pa niya, “Siyempre, I’ll work harder pa para makuha ko yung mga dreams ko.

“Bago pa, sumasali na ako sa mga ganito, usually ‘di ako ganito na tao.”

Alam din daw ni Mariz na marami pa siyang dapat matutunan lalo na sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, as a newbie pa dito, aaralin ko muna yung mga dapat ko talagang matutuhan, gaya ng pag-arte, kaya need mag-workshop.

“Siyempre, kailangan ding maging prepared sa mga mangyayari kung magugustuhan ka ba ng tao o hindi, so dapat emotionally prepared ka.”

Bahagi ngayon si Maris ng ABS-CBN primetime series na Hawak Kamay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN