Jasmine Curtis, Sam Concepcion feel comfortable working together for the first time

Jasmine Curtis explains why it’s easier to work with boyfriend Sam Concepcion in My Tag Boyfriend, “Kasi, gets niyo na yung isa’t isa, when you attack a scene or you deliver a certain dialogue, the other one will reciprocate whatever it is that needs to be done.”


Bagamat nasa magkaibang TV network, nagawan ng paraan na magkasama ang real-life couple na sina Jasmine Curtis Smith at Sam Concepcion sa isang proyekto.

Nagpaalam ang TV5 sa ABS-CBN upang hiramin si Sam para sa unang Wattpad Series na pagbibidahan nila ni Jasmine, ang My Tag Boyfriend, na magsisimula na sa Lunes, September 22.

Masaya ang young couple sa unang proyekto nila dahil naging mas madali raw ang trabaho.

“Surprisingly, it was very naturally... it came out very natural,” sabi ni Sam nang makausap siya at si Jasmine ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters sa press conference ng Wattpad Series kahapon, September 19.

Patuloy pa niya, “I thought it was gonna be weird.

“Siyempre, when you play roles like that on screen, you say things that you don’t really normally say.

"Otherwise, it would be funny in a normal setting.

“Pero it’s weird kasi I thought it’s gonna be awkward at all.

“Akala ko magiging awkward, pero hindi rin pala, kasi siguro I guess our professional side really kicks in.”

Para naman kay Jasmine, naging magaan ang trabaho dahil magkasama sila ng boyfriend niyang si Sam.

Saad niya, “It did [feel like work], but it was also very light.

“It was just siguro spending the day together, it was just longer and we had work, we had to do scenes.

"Okay lang, kasi before we would do scenes, nag-uusap naman kami at nagbibiruan.

"Kapag trabaho na, yun na, work agad."

Naging madali rin daw ang bawat eksena nilang dalawa.

Sabi ni Jasmine, “Kasi gets niyo na yung isa’t isa.

"When you attack a scene or you deliver a certain dialogue, the other one will reciprocate whatever it is that needs to be done."

Dahil dito, gusto nilang magkasama sa trabaho ulit kung mabibigyan ng pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Sam, “I really do hope so. I love working with her.”



POP FICTION ADAPTATION. Samantala, tinanong din ang young couple kung ano ang ini-expect nila mula sa audience sa pagsasama nila sa TV adaptation ng isang Wattpad novel.

Pawang naging hit kasi ang movie adaptation ng iba pang Wattpad novels; gaya ng She’s Dating the Gangster nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardoa ang Ang Diary ng Panget at Talk Back and You’re Dead nina James Reid at Nadine Lustre.

Ganito rin ba ang reception na inaasahan nina Jasmine at Sam?

Sagot ni Jasmine, “For me, my perception when it comes to show, movies, or endorsements, I’m happy enough to have work.

“I’m not so much after running the spotlight or fame.

“As long as I have work, whatever it is, whatever network, whatever brand, whatever show, if it’s good content, I believe in it.

"If I like it, then I’ll go ahead with it and be thankful.

"If it becomes a hit, if our loveteam is effective, and people like it, I’m ecstatic.

“Ibig sabihin, maganda ang chemistry namin.”

Sabi naman ni Sam, “I’m quite confident that it’s good.

“Aside from the fact that it’s a trend and it has millions of reads online.

“I think how this is going to be different is it’s on TV. It’s readily available for anyone to see.

“Just turn on your TV and you can watch it.

"I mean, she is the princess [here in TV5] and I’m just a visitor.”

Sa ngayon, ikinatutuwa rin nina Jasmine at Sam ang suporta mula sa kani-kanilang fans para sa bagong show nila.

Sabi ni Jasmine, “They’re excited and supportive.

“Before this project, we already have supporters for just us to be together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“People support us for that alone, so putting a project to that, mas na-excite sila.

“Even yung supporters namin individually, nagiging fan na rin namin sila naming dalawa.

"I think sobrang positive niya, so far."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN