(UPDATED) Enzo Pineda ready to "tempt" at Bench Body fashion show

Enzo Pineda on walking the ramp at the Bench Body fashion show: “Talagang sobrang excited ako and I can’t wait to have fun. And for me, I think malaki na ang maturity ko since the last fashion show. So, definitely, I’ll be more sexy for everybody.”


Dahil sa masamang lagay ng panahon, nakansela ang The Naked Truth: Bench Denim and Underwear Fashion Show, na gaganapin dapat ngayong gabi, September 19, sa MOA Arena.

Sa halip ay iniurong ito bukas, September 20, ng 5:30 ng hapon.

Isa sa celebrities na rarampa rito ay ang Kapuso talent na si Enzo Pineda.

Sabi ni Enzo nang makausap siya ng sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ilang araw na ang nakalilipas, “Relaxed ako!

“Kasi I’ve been training so hard for my triathlon training, so I don’t need to catch up on my body.

“And excited ako dahil kasama ako sa segment na ‘Temptation.’

“So, sana dito sa Bench Naked Truth, ma-tempt ko kayong lahat!” natatawang biro ni Enzo.

Dagdag niya, “I’ll be wearing Bench Body dito sa fashion show na ito.

“So, alam niyo na, hindi ko na kailangang i-explain yung ‘Temptation’ segment kung saan kasama ko. Iyon na ‘yon!

“It’s my third time already na makarampa for Bench fashion show, pero second time for underwear.

“So, I’m really excited, lalo na yung theme ng Bench this year is something different for me.

“Mas ano siya… mas rugged, mas sexy.

“Mas may angas yung theme namin. I’m really excited.

“Lalung-lalo na, ito yung most-awaited fashion show of the year, so it’s really an honor to be part of it.

“Talagang sobrang excited ako and I can’t wait to have fun.

“And for me, I think malaki na ang maturity ko since the last fashion show.

“So, definitely, I’ll be more sexy for everybody.”



NON-SHOWBIZ GIRL. Manonood ba yung non-showbiz girl na napapabalitang bagong inspirasyon niya ngayon?

Sagot ni Enzo, “Yes, definitely manonood siya. My family and my friends also.”

Ano ang sinasabi nito kaugnay ng pagrampa niya nang naka-underwear lang?

“Nung nagpi-prepare ako for this, ang sabi niya, I need to work out more rather than running and swimming. Kasi mas kailangan ko raw ng muscle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And para sa akin, she’s my number one supporter.

“I wanna do my best, lalo na for my family and for her, at saka for my fans lalung-lalo na.

“’Yon, I’m just really excited. And I can’t wait for the fashion show.”

Nasa anong level na ang pagtitinginan nila ng non-showbiz girl na ito?

Sagot ni Enzo, “Let’s just say na kilalang-kilala na niya ako.

“And… wala, for me, I’m just having fun doing the things that I wanna do in life.

“Yun lang po, nag-e-enjoy lang ako.”

Hindi pa sila mag-on?

“Hindi pa… hindi pa.

“For me, it’s … malayo pa. And for me, I just wanna savor each and every moment with her.”

Pareho naman nilang gusto ang isa’t isa. Parang formality na lang ba ang kulang para maging sila na?

“Hindi naman. Pero para sa akin… basta malalaman niyo rin soon.”

NEW SOAP. May bagong soap si Enzo sa GMA Network. Ito ay ang More Than Words kung saan kasama niya sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Pag-iimbita ni Enzo, “Abangan niyo po… by November ito mag-i-air.

“It’s something new and fresh, parang Koreanovela siya.

“Gagampanan ko ang role ng isang mayaman na bad boy na feeling perfect, pero galing sa broken family siya.

“’Tapos sa story, magiging magkaribal kami ni Elmo kay Janine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN