Valerie Concepcion reveals boyfriend’s family does not approve of her at first

Is her current boyfriend "the one"? Valerie Concepcion replies, "Hindi ko iniisip yung ganyan. Kung hindi na naman, e, di siguro may ibang nakaano [nakalaan]. Pero siyempre, hinu-hope ko na siya na. Sayang naman yung time ninyong dalawa, yung ini-invest ninyong effort and feelings kung wala naman."


Pinagtatakhan ni Valerie Concepcion kung bakit natatanong siya kung engaged na ba siya, gayong walong buwan pa lang sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Aminado naman ang aktres na ikinatutuwa niya ang mga ganitong espekulasyon. Ibig sabihin daw ay may mga umaasang ikakasal pa rin siya kahit mayroon na siyang anak sa pagkadalaga.

Naaaliw rin daw siya dahil ang image niya sa mata ng lahat ay nagseseryoso sa bawat karelasyon niya.

Ang huling naging boyfriend ni Valerie bago ang kanyang kasalukuyang relasyon ay ang PBA player na si Dondon Hontiveros.

“Two years na kaming hiwalay nung basketball player ex ko," sabi ni Valerie sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment) sa kanya sa GMA studio.

Kuwento pa niya, "Etong boyfriend ko ngayon, one year and a half kaming nag-date and eight months pa lang kami officially magkarelasyon.

"Siya yung mga nauna, ’tapos ang dami kong dinate [dated] na iba, hindi nag-work.

"Kaya balik sa dati, kami na."

Isang medical student ang boyfriend ngayon ni Valerie at nakatakda itong mag-take ng medical board exam. Nahinto raw ito sa paga-aral kaya ngayon pa lang ito kukuha ng board exam.

Mas matanda raw ito sa kanya, 26 si Valerie at 32 naman ang edad ng kanyang boyfriend.

Ano ang kaibahan ng boyfriend niya ngayon sa ilang nagdaan niyang kasintahan?

Ayon kay Valerie, “Well, he’s very... he’s always there for me.

"’Tapos, whenever I need someone na kasama, lagi siyang gumagawa ng paraan to make time for me.

“And also sila ni Fiona [her nine-year-old daughter] sobrang close.

"Yung closeness nila, parang hindi tatay-anak, e. Parang more on magbarkada, nag-aasaran.

"Love-hate relationship sila. Minsan bati sila, minsan nag-aasaran.

“Pero Fiona is super happy for me.

"Like, in school, she would say na, ’Oh, I have a Papa na,’ ganun yung level niya.

“Sabi ng classmates niya, ’Nagpakasal na?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, ’Hindi pa, pero I have a Papa.’"



FAMILY OBJECTIONS. Nakilala raw ni Valerie ang boyfriend niya sa pamamagitan ng kanyang kaibigan. Second cousin daw ng kaibigan niya ang kanyang kasintahan.

Kumusta ang relasyon ni Valerie sa pamilya ng kanyang boyfriend?

Nagpakita muna ng facial reaction niya si Valerie kung saan tila hindi hindi siya tanggap ng pamilya ng boyfriend niya.

Nangingiting komento ni Valerie, “Oo... medyo okey na.”

Dugtong niya, “At first, hindi masyado, kasi siyempre, gusto nung family doctor rin yung makatuluyan ng anak nila.

"Pero somehow, na-work out naman, sa awa ng Diyos, medyo okey naman na.”

Nakikipag-bonding na siya sa family?

“Actually, hindi pa. Hindi pa kami nagkita in person, nandito sila.

“Kasi nga, at first, may conflict, hindi pa ayos.

"Pero ngayon, okey na, naayos na.

"Tawag-tawag pa lang, tawagan pa lang."

Hindi ba natatakot si Valerie na baka mauwi na naman ito sa wala dahil sa conflict sa family ng boyfriend niya?

Sagot niya, “Alam mo naman, ’pag tayo na-in love, we’re always hoping na sana siya na, ’di ba?

"So, hindi ko iniisip yung ganyan.

"Kung hindi na naman, e, di siguro may ibang nakaano [nakalaan].

“Pero siyempre, hinu-hope ko na siya na.

"Sayang naman yung time ninyong dalawa, yung ini-invest ninyong effort and feelings kung wala naman.

“Pero hindi natin masabi kung ano ang gusto ng Diyos, so…”

BIOLOGICAL FATHER. Pagdating naman sa kanyang anak, hanggang ngayon daw ay wala pa itong communication sa kanyang biological father.

Nasa tabi ni Valerie ang anak habang nakausap ng PEP ang aktres.

Siya pa ang nagtanong sa bata kung meron itong communication sa ama niya. Sagot nito, "Wala."

Nagsambit pa ang bata ng “Never,” na ang gustong sabihin ay ayaw niyang makita o makilala ang ama.

Paliwanag ni Valerie, “I heard he wants naman to meet her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero every time I ask her [Fiona], she’s very reluctant, she’s not ready.

“I always tell her, ’Oh, tell me if you’re ready na, ha? Kasi siyempre, dad mo pa rin ’yan e.’

“Katulad niyan, ang attitude niya, never. Paano ’yan, paano natin pipilitin ang bata?”

Bakit nagkaganito ang reaksiyon ng anak niya sa tatay nito?

Sabi ni Valerie, “Hindi ko alam, siguro parang she’s not used to it na, you know?

"He’s not there kaya siguro ganun.

“Kasi ako, wala naman akong sinasabi sa kanya, e.

“Sinasabi ko nga palagi kay Fiona, ’No matter what happens, he’s gonna be your dad. You have to respect that fact.

"’I’m not asking you to love him or like him, at least respect that.’

“E, hindi ko pa talaga mapilit yung bata.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN