Cherry Pie Picache’s mom found dead in her Quezon City home

Namatay sa maraming saksak ang ina ni Cherry Pie Picache na si Zenaida Sison, 75 years old, matapos umanong pasukin sa mismong bahay nito ng hindi pa nakikilalang suspek.


Namatay sa maraming saksak ang ina ni Cherry Pie Picache na si Zenaida Sison, 75 years old, matapos umanong pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek sa mismong bahay nito sa Sct. Dr. Lascano Street, Quezon City.

Ayon sa report ng DZMM at nailathala sa ABS-CBN.com, ang kaibigan ng aktres na si Peter Serrano, isang theater actor, ang nagbigay ng detalye sa media tungkol sa pagkamatay ng ina ni Cherry Pie, na "in a state of shock" pa raw ngayon.

Lahad ni Peter, sinusubukan daw kontakin ni Cherry Pie ang kanyang ina ngayong gabi, September 19, ngunit hindi nito sinasagot ang mobile phone.

Dahil dito ay nagdesisyon ang aktres na puntahan ang ina na naninirahang mag-isa sa bahay nito.

Nang makarating sa bahay ng ina, sinabihan niya ang driver na akyatin ang gate upang mabuksan ito. Pagkapasok ay napansin daw nilang bukas ang ikalawang gate.

Agad daw pinaakyat ni Cherry Pie ang kanyang driver sa second floor upang tingnan kung naroon ang kanyang ina.

Dito na nila natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Zenaida.

Sa kasalukuyan ay wala pang suspek sa pagpatay sa ina ni Cherry Pie.

Ayon pa kay Peter, limang katao ang nakakapasok sa loob ng bahay ni Zenaida—tatlong tagalinis ng bahay at dalawang hardinero.

Hinihintay pa raw nila sa kasalukuyan ang autopsy report, habang nagsasagawa na ng imbestigasyon ang scene of the crime operatives ng Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN