Deniece Cornejo camp downplays talk of taking revenge against Vhong Navarro: “There’s no possibility of that.”

Deniece Cornejo’s legal counsel, Atty. Ferdinand Topacio, on why their camp will not take revenge on Vhong Navarro: “Unang-una, dapat nga pangalagaan namin ang kaligtasan ni Ginoong Vhong Navarro, kasi kahit ano ang mangyari sa kanya, kahit kanino pa man manggaling yung perwisyo sa kanya, kami ang sisisihin. We have no intention, kung ganun din pala, I don’t think there’s any foundation for the fears of Mr. Vhong Navarro.”


Noong Huwebes ng hapon, September 19, ay nakapagpiyansa at nakalabas na si Deniece Cornejo mula sa kasong serious illegal detention na sinampa ng TV host/actor na si Vhong Navarro sa kanya at sa mga kaibigang sina Cedric Lee at Zimmer Raz.

Unang nakapagpiyansa at nakalaya sina Cedric at Zimmer Raz noong Martes. Apat na buwan ding namalagi ang tatlo sa kulungan bago sila nakapagpiyansa at nakalaya.

Noong Martes naman ay nag-file ng motion for reconsideration at motion to inhibit si Vhong laban kay Judge Paz Esperanza-Cortes dahil sa naging desisyon nito na makapagpiyansa ang tatlo.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Deniece, kahapon sa pamamagitan ng cellphone, ay maanghang ang naging pahayag ng abugado laban kay Atty. Alma Malongga, abugado naman ni Vhong, dahil sa pahayag nito na wala silang tiwala kay Judge Paz Esperanza-Cortes at gusto nilang ipalipat ang kaso sa ibang hukom.

“Alam ninyo style ’yan ni Atty. Malongga, e," panimula ni Atty. Topacio.

“Mayroon kaming isang kaso involving Claudine Barretto na hindi niya nagugustuhan ang ruling ng judge, nag-file din siya ng motion for inhibition.

“Si Atty. Malongga, pangit ang style niya kasi kami naman, may mga rulings din ang korte na hindi kami sang-ayon tulad ng nililipat ang detention, nung nag-fine ng probable cause, all those are against us pero wala kayong naririnig sa amin na sinabi namin na wala kaming faith dun sa judge.

"’Di puwedeng porke’t ’di sang-ayon sa iyo ang huwes e, mawawalan ka na ng faith. Not an attitude of a good lawyer,” pahayag ni Atty. Topacio.

Hiningan din namin ng reaksyon si Atty. Topacio na kahit ang DOJ ay ’di pabor sa naging resolusyon ni Judge Paz Esperanza-Cortes at balak din nitong mag-file ng motion for reconsideration at motion to inhibit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Atty. Malongga is under control or supervision of the DOJ, being a private prosecutor. ’Di naman siya puwedeng gumalaw ng ayaw ng DOJ,” paliwanag pa niya.

OBLIGATIONS AFTER RELEASE. Agad naming tinanong si Atty. Topacio kung anu-ano ba ang obligasyon ni Deniece pagkatapos ng pagkakapiyansa nito. Siniguro naman ng abugado na haharapin ng kliyente ang kasong sinampa dito ng TV host/actor.

Detalye niyang saad, “She cannot leave the country without the permission of the court.

“She has to be present whenever the court orders her to be present during hearings, basta ni-require ng court na magpakita siya, kailangang magpakita siya.

“May mga restrictions ’yan and I assure you my client will always be there to face the charges against her. We know that she’s innocent and we believe in the power of justice.”

Kinumusta namin kay Atty. Topacio ang kalagayan ni Deniece ngayon na pansamanatalang nakalaya na ito mula sa apat na buwang pagkakakulong.

Patuloy niya, “She’s at home, somewhere in Antipolo, I just talked to her, mga two hours ago.

“I asked where she was, ang ingay ng background. All of her relatives are there, they are having some sort of get-together, ang daming nagkukuwentuhan sa likod, ’di kami magkakaringgan.

“Today is really her first full day of freedom.”

REASON FOR DELAY IN RELEASE. Pinakuwento namin sa abugado kung bakit nga ba ’di nakalabas nung Miyerkules si Deniece at Huwebes na ng hapon ito nakalaya.

Dagdag pa ni Atty. Topacio, “Yung mga requirements ’di agad namin na-fulfill because of time and distance constraints. Kasi ’di ba she’s detained in Camp Crame and then we have to [bring] the documents back and forth between Taguig, Crame and Pasig City, kasi sa Pasig City ang bayaran ng bail, e.

“Taguig used to be part of Rizal province and Pasig is the capital, due to some strange unorganized court set-up, yung Taguig court, dun pa rin nagbabayad sa Pasig RTC, so ang laki ng tinatakbo naming distansiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung Prosecutor’s clearance was supposed to be the last requirement nung makalawa para makaalis si Deniece but the Prosecutor had to leave early ’cause he’s the lead counsel dun sa Ampatuan massacre case. We cannot hold him from leaving early because he has to attend his official duties.”

REVENGE? Usap-usapan na isa raw sa kinatatakutan ni Vhong ay ang kaligtasan nito at ng kanyang pamilya ngayong nakalaya na sila Deniece, Zimmer Raz at Cedric Lee. Nandiyan din ang espekulasyon ng iba na baka balikan daw ng mga ito ang aktor ngayong nakalabas na ang mg ito.

Mabilis namang tanggi ni Atty. Topacio, “There’s no possibility of that.

“Unang-una, dapat nga pangalagaan namin ang kaligtasan ni Ginoong Vhong Navarro kasi kahit ano ang mangyari sa kanya, kahit kanino pa man manggaling yung perwisyo sa kanya, kami ang sisisihin.

“We have no intention, kung ganun din pala, I don’t think there’s any foundation for the fears of Mr. Vhong Navarro.

“Pangalawa, ’pag nakikita kong pumupunta siya sa court, sampu-sampu ang bodyguards niya, kami naman ay walang bodyguard e, wala naman sa aming disposal ang mga security people o armed people, ano ang ikatatakot niya?”

DENIECE’S BAIL. Klinaro din ni Atty. Topacio na hindi tumulong si Cedric sa bail ng kliyente kundi ang pamilya at mga kamag-anak ni Deniece ang nag-ambag-ambag para sa piyansa ni Deniece.

Pagsang-ayon nito, “Wala. As a matter of fact, I still have a text message here ni Bernice, pasensiya na raw at ’di sila makakatulong dahil sila mismo ay gipit na gipit din kasi [binigyan nila ng piyansa] si Mr. Zimmer Raz na empleyado nila na ’di naman nila puwedeng pabayaan.

“Tinulungan nila si Mr. Zimmer Raz.

“Ambag-ambag ang mga kamag-anak, isa pa yun sa cause ng delay, hindi naman agad nakalikom ng ganun kadaming salapi para nga ipiyansa ni Ms. Deniece Cornejo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, ang nangyari nga diyan nung nalaman nga namin at tumakbo ako sa Crame para ibalita kay Deniece yung news, parang naging good news-bad news, e.

“The good news is you are allowed to post bail, the bad news is your bail is half a million.”

“’Di ba puwedeng pababain?’ ‘Yan ang unang tanong niya sa akin.

“Sabi ko, ’Puwede pero we will pass a resolution, magtatagal pa, sabi ko kung kaya mo pang magtagal ng two weeks, go, habang nili-litigate yung motion mo e, okay lang.’”

“’Di na siyempre pumayag si Ms. Deniece Cornejo kaya ginapang na lang namin yung P500,000.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN